Pahina XI
Cassandra Kylene~
Namimilog ang mga mata naming dalawa! Nanatiling magkadikit ang mga labi. Pinikit pikit ko ang mga mata at akmang tatayo na ng walang pasabi nitong ipinulupot ang braso sa baywang ko na naging sanhi para malakas na bumagsak ang buong katawan ko sakanya.
Akmang magsasalita na ako ng sakupin nito ang bibig ko bago laliman ang halik! Nang makitang nakapikit ang mga mata nito ay unti unti na ring napapikit ang mga mata ko.
Ramdam na ramdam ko ang init sa bibig nito. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at parang doble ang tibok.
Hindi ko alam kong tibok ng puso ko lang ang nararamdaman ko o pati yung kanya..Naramdaman ko ang pagdapo ng isang palad ni Clifan sa pisngi ko. Sa laki non ay agad nitong nasakop ito at lalong idiniin ang katawan ko sakanya sa pamamagitan ng pagyakap nito saakin ng mahigpit.
Habang dinadama ang mainit nitong katawan saakin. Kung paano ako nito halikan ng puno ng pag-iingat na parang babasaging kristal ay bahagyang sumikip ang dibdib ko.
Habang nakapikit at dinadama ang pagtaas baba ng kamay ni Clifan sa baywang ko ay agad na nag-init ang pisngi ko.
Habang nararamdaman ko ang banayad na paghalik nito saakin kasama ang paghaplos niya ng maingat sa pisngi pababa sa batok ko ay parang iniaangat ako sa ere....ngunit lahat ng iyon ay may kaakibat ng pagkasabik at sakit.Lalong lumalim ang halik. Ilang beses umanggolo si Clifan upang laliman ang halik...at kasabay non...kasabay non ang pagiinit ng mata ko.
Nilikumot ko ng mahigpit ang damit ni Clifan gamit ang mga kamay kong nasa dibdib niya habang pinipigilan ang pagluha.
Ngunit hindi ko na napigilan. Lalo na noong sinabi nitong, "Kylene.." na naging dahilan para magsi-unahang mahulog ang maraming luha sa nakapikit kong mata.
Patuloy parin akong hinahalikan nito. Hanggang sa para itong natauhan na inilayo ang labi saakin ng maramdaman nito ang pagtulo ng aking mga luha sa pisngi niya.
Sari saring emosyon ang naramdaman ko. Ang akalang saakin na siya ulit. Ang akalang bumalik na lahat sa dati ay saglit lamang na nangyari. Naramdaman ko lang noong magkalapad ang aming mga labi.
Kaya ng humiwalay ito...parang isang mabilis na sasakyan na sumagi sa isip ko na imposible ng mangyari ang lahat. Imposible ng maibalik sa lahat.
Mabilis nitong hinawakan ng mahigpit ang baywang ko bago kami iniupo.
Nakaupo lang kami. Magkaharap. Nang imulat ko ang nanlalabong mata ay nakita ko ang pagsabunot nito sa sariling buhok at parang tulala."Damn it. I'm sorry..Hindi ko alam ang ginagawa ko. Shit!" hindi ko alam kong mapapanatag ba ako sa kaisipang hindi parin nito maalala ang lahat o ano.
Hindi ko alam kung mas gugustuhin kong wala itong maalala para makalimutan niyang kinamumuhian niya ako o ganito.Lalong nag unahan ang pagtulo ng aking mga luha.
"A-ayos lang." nanginginig ang aking mga kamay ng pinahid ko ang luha ko. "Ayos lang.." suminok ako na naging dahilan para humagulgol ako mg malakas.
"Everything's fine....i wish.." bulong ko bago itago ang mukha sa tuhod.
"Hey.." utal na sambit nito.
"I miss you.." hanggang bulong nalang ba ako? Hanggang dito nalang ba?
Akmang itatayo na ako nito ng biglang bumukas ang pinto.
"Anong nangyari?!" dinig kong tanong ng medyo matandang boses.
"CK! Ayos kalang bes?!" matinis ang boses ni Esay.
"S-sorry, Nurse Bautista," biglang paumanhin ni Clifan na nurse pala na kasama ni Esay.
"Are you okay?" nilapitan ako ng nurse kaya't pinunasan ko muna ang pisngi bago iangat ang mukha.
Bumungad saakin ang isang nurse at ang nag aalalang mukha ni Esay.
"O-opo.." huminga ako ng malalim. Binalingan ko si Clifan na titig saakin, "n-nahulog lang po ako sa kama.." kandautal ko sagot. I lied.
"Ganun ba? May masakit ba sayo?" tanong nito bago ako alalayan.
"Mister Smith. Can you help her up?" pakiusap ng matandang nurse.
Dali dali akong inalalayan ni Clifan. Hindi nakaligtas saakin ang makahulugang titig ni Esay.
"Ayos lang po ako. Pwede na pong umalis? May susunod pa kaming klase." paalam ko.
"Are you sure?" paniniguro nito.
Bahagya akong naasiwa ng maramdaman ang nakalapat na palad ni Clif sa baywang ko kaya't inalis ko ito. Narinig ko ang pagtikhim ni Esay.
"Alright then. Basta kung may maramdaman ka mang masakit ay pumunta ka rito, ha?" paalala nito saakin.Paano yan, Nurse? Masakit puso ko? Dito nalang ako?! Charing!
Tumango nalang ako.
"How about you Mister Smith? May klase kapa o aalalayan mo ang girlfriend mo?" ang kaninang pasimpleng pagtikhim ni Esay ay naging malakas na ubo na dahil sa narinig.
Napangiwi pa ako ng makita ang ilang laway ni Esay na tumaksik dahil sa araw.Kadiri.
Pagkatapos ng klase ay agad na kaming lumabas ng gate.
Nakita ko pa si Clifan na lumabas gamit ang kanyang sasakyan.
Napangiti ako ng mapait. Sumikip ng dibdib ng mapagtantong ang layo layo na niya saakin.
Yung dating akin ay hindi ko na maabot ngayon.Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili. Kasalanan ko ang lahat..
Nang makarating kami ng bahay nila Esay ay agad na itong nagluto habang ako naman ay kinukuha ang sinampay na damit na inilaba ko kagabi.
"Hoy, lokaret! Bakit ka umiyak kanina?! Umamin ka nga saakin!" tinuro ako ni Esay gamit ang sandok ng pumasok ako ng bahay buhat ang tray kung nasaan ang mga damit namin.
"Nahulog nga kasi ako!" umiwas ako ng tingin.
"Naku, CK, ha! You're not a good lying!" napangiwi ako sa sinabi nito. Medyo may problema kasi sa ilang englis itong si Esay.
"Liar, Esay." umirap ako.
"Pareho lang din yun! Espelling lang nag iba!" mapilit pa.
Bahala ka.Akmang tatalikuran ko na ito para ilapag ang tray sa kwarto ng magsalita ulit ito.
"Ginahasa kaba ni Clifan, CK?!" bago pa ako makapagreak ay bigla ng bumukas ang pinto"Sinong na harassment?!" isa pa itong si Nora. Bumungad saamin ang fit na fit nitong damit. Para itong naka cropped top dahil lantad ang marumi nitong pusod.
Nagba-bounce pa ang kanyang bilbil sa twing gagalaw siya. Para tuloy siyang mahabang saging na binalutan ng maikling wrapper kaya't lantan ang saging ng turon.
"Harass yun, Nora." pango-ngorek ko.
"Mas matalino yung akin. Mahaba." pilit nito.
Magsama kayo.Huminga nalang ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Narinig ko pa ang sigaw ni Nora.
"Wow! Mahabang hotdog! Bakit pula? Dapat kayumanggi!" napahawak ako sa amba ng pintuan ng bahagyang yumanig ang lupa! Lindol ba?
Nasagot ang aking tanong ng magsalita ang natatawang si Esay.
"Wag kang tumakbo, Nora! Magigiba bahay namin!" humagikhik si Nora.
Napailing nalang ako.
May living Barney sa bahay.
BINABASA MO ANG
His Midnight Obsession: Cassandra Kylene (Series # 2)
Ficción General"Lagi siyang nasa panaginip ko. Sa t'wing sasapit ang gabi siya ay naiimahe. Nakakaakit ang mala-anghel na mukha nito kasabay nun ay ang bawat kurba ng walang saplot nitong katawan"- Clifan Smith Story cover was made by: CK Written by: Nicolemacamwa...