Pahina IX

543 7 0
                                    

 Pahina 10

Cassandra Kylene~

Papalabas na kami ng bahay ni Esay. Nakita ko agad si Nora na nagwawalis sa harap ng bahay nila.

Binati ako nito habang ikinakandado ni Esay ang kanilang bahay.

Nang matapos si Esay ay agad na kaming naglakad.

Nang makasalubong si Nora ay agad nitong itinapon ang walis sa kung saan kaya't tumama ito sa likod ng isang matandang lalake na minura pa si Nora.

Ito namang biik na si Nora ay humagikhik lang bago patakbong lumapit saamin.

Napangiwi pa ako noong magbounce-bounce ang lantad na bilbil nito dahil sa bitin na damit.

'Walang bang damit ito na kasya sakanya?'

Nang makalapit siya ay agad kong nakita ang magang laway sa gilid ng bibig nito na nagpaatras saakin.

Jusme. Nagka-phobia yata ako sa nangyari kahapon? Baka pagbuka ng bunganga nitong si Nora eh kumawala nanaman ang iba't ibang klase ng micro organisms at matuluyan na ako rito.

Nakita ko rin kung paanong pasimpleng itinakip ni Esay ang kamay sa ilong.

"Ano iyon Nora at para kang si Dora kung tumakbo?" seryosong tanong ni Esay na nagpatawa saakin ng mahina.

Mahina siyang hinampas ni Nora ngunit halos tumilapon na si Esay dahil sa impact non. Kung si Nora ay kasing laki ni Big Show kaming dalawa naman ni Esay ay mukhang si CM Punk dahil sa kaseksihan.

"Dahan-dahan naman sa paghampas, Nora. Baka paglamayan ako mamaya. Kasing lakas ng tulak mo yata saakin ang tama ng hininga mo kaya't wag mo na munang buksan ang briefcase ng deal or No deal dahil, No deal!" inaksyon pa ni Esay ang kamay bago talikuran ang nangungulangot nang si Nora.

Nang makalabas ng eskinita ay agad na lamang kaming sumakay ni Esay sa tricycle dahil may phobia na rin yata kami sa Jeep.

"Saan kayo?" tanong ni drayber na siyang sinagot ni Esay.

Sinabi ni Esay kung saan kami bababa. Dalawa kami sa loob habang dalawa rin sa likod ng drayber. Bakante naman sa maliit na upuan.

Nang umandar ang motor ay halos magsabunutan na kami ni Esay dahil biglang tumalbog ito!

Ay shet! Kakaibabe!

Nang makita ang dalawang nasa likod ni Manong ay halos mahulog na aang dalawa. Yung isa nga ay nakasabunot na sa buhok nitong drayber.

Mahigpit ang kapit namin ni Esay. Nagkanda-duling duling na ako. Pakiramdam ko ay nakalog pati simura ko!

Tumalbog nanaman ang motor kaya't napatili kami ni Esay!

Gustuhin ko mang kurutin sa etits si Manong para itigil na ang motor ngunit di ko magawa dahil sa likot ng motor at dahil na rin sa hilo!

Jusmiyo. Nag bus nalang sana kami...

Nang makababa ng motor ay binigyan ni Esay yung hilong drayber ng isang batok na nagpatulog sakanya.

Hawak ang aking ulo at braso ni Esay ng maglakad kaming dalawa na parang lasing.

Pinagtitinginan na rin kami. Umiikot ang aking paningin.

Malapit na kami sa hallway. Doble na rin ang aking nakikita.

Kahit nahihilo ay mabilis parin tumibok ang puso ko noong makita ang dalawang mukha ni Clifan habang nakakunot noo.

Ngumisi ako.

"H-hey.." parang lasing na bati ko. Nilingon ko si Esay na nakakapit sa poste bago balingan ulit si Clifan.

"Are you alright?" takang tanong nito. Pati ang boses nito ay parang nage-echo sa pandinig ko!

Akmang hahawakan ko ito ngunit hindi ko siya mahawakan. Parang tumatagos sa kamay ko ang katawan niya hanggang sa may humawak nito. Binalingan ko ang isang Clifan.

'May kakambal si Clifan'

Binatukan ko ang sarili bago tumawa.

"I think you're drunk or dizzy--" yun ang huling katagang narinig ko bago mawalan ng malay. Naramdaman ko pa ang pagsambot saakin nito.

----------------x  

His Midnight Obsession: Cassandra Kylene (Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon