Hestia

212 3 0
                                    

*This story was written two years ago. This was not revised. Sorry for the grammatical errors. I just wanted to make a tribute to Hestia since she was my favorite Goddess.*

Inayos ni Hestia ng naglalandas niyang pulang buhok sa mukha. Malakas na hangin at mainit na sikat ng araw ang sumalubong sa kanya sa pagtapak niya sa mundo ng mga tao. Si Hestia ay ang diyosa ng apoy sa pugon. Ang siyang nagpapanatili ng pagkakabuklod ng isang pamilya. Siya ay tahimik at kapayapaan ang kanyang laging hangad. 

Madalas siyang nasa tapat ng apoy at pinagmamasdan ang mga tao sa repleksyong niyon. Hindi siya masyadong lumalabas kung di kinakailangan. Kundi nga lang siya pinalabas ni Aphrodite ay di siya lalabas, kailangan naman niyang magliwaliw ng konti, ang katwiran nito sa kanya. Di niya lubusang maisip kung ano ang nag uudyok sa kanyang mga kapwa diyos na mahilig sa mundo ng mga tao. 

Maganda naman ito ngunit, hindi ba dapat ay naroroon lamang sila sa dapat nilang kinalalagyan upang di mawala ang balanse ng mundo? Huminga siya ng malalim.'maganda na rin siguro ito, kahit papano malalaman niya ang kung ano man ang pinagkakaabalahan ng iba pang mga diyos dito'. Inaamin niyang napakaganda ng mundo ng mga tao, may ilang beses niyang ginusto na mapabilang sa kanila ngunit lagi niyang isinasaisip ang pagkakaroon ng kapayapaan. Hanggat maari ay ayaw niyang magulo ang sistema ng mundo.

Sa kanyang pagmumuni-muni ay nakilala niya si Dion. Isang ulilang karpentero at kilalang kilala sa kasipagan nito. Matipuno ito at matikas na maari mong maihalintulad sa isang diyos. Ito ang siyang kasama niya sa paglilibot sa lupa. Naging malapit sila sa isa't isa. Marami siyang nalaman tungkol rito isa na ang pagkawala ng mga magulang nito at mga paghihirap na naranasan nito. 

Masasabi niyang matalino ito, kung di nga lang dahil sa kahirapan ay isa na siguro itong kilalang tao o mayroong magandang trabaho. Malapit sila ngunit hindi niya ipinahayag dito na isa siyang diyosa. Hindi pwede sa isip niya.

"Madalas na yata ang pagpunta mo ngayon sa mundo ng mga tao." Puna sa kanya ni Athena, ang diyosa ng karunungan.

 " Mukhang nagugustuhan muna ang lugar nila o di kaya may isang tao kang nagugustuhan?" sita naman ni Aphrodite, ang diyosa ng kagandahan. 

"Maganda ang lugar nila at maganda rin ang pakikisama ng mga tao. May mga nagugustuhan ako na ilang tao ngunit hindi iyon ayon sa pagmamahal na romantiko. At isa pa hindi maari iyon."

"Ikaw lamang naman ang pumupigil sa sarili mong umibig. Ang Pag-big ay isang napakagaan at napasarap sa pakiramdam. Masaya ang umibig Hestiia kaya di ko pinipigilang umibig sa lahat ng pagkakataon." Huminga ng malalalim si Hestia at isinuklay ang mga daliri sa kanyang pulang buhok. 'Ngunit hindi talaga pwede' sa isip nito.

Tahimik na pinagmamasdan ni Hestia si Dion habang nagsisibak ito ng kahoy at silaban ang iba rito. Nangunot ang kanyang noo ng maglagay ito ng karne doon. "Anong ginagawa mo?" "Alay sa mga diyos" maikling pahayag nito habang nakangiti na siyang nagpalutang ng biloy nito sa mukha. Ngiti rin ang isinukli ni Hestia sa binata.

 Mas naging malapit sila sa isa't isa. Halos araw araw na rin ang pagdalaw niya sa lupa. Ayaw niya mang aminin ay nahuhulog na ang loob niya dito. Ilang beses narin namang nagpahayag ang binata ng pag ibig nito ngunit hindi niya iyon matanggap. Hindi matanggap ng sistema niya ang pagbabago sa mga nararamdaman niya at maging sa utak niya. Ang mahalaga ay masaya siya sa piling nito.

"Babalik ka dito bukas?" minsan tanong nito sa kanya.

 "Lagi naman akong pumupunta dito. Bakit mo natanong?" nguniti ito at hinawakan ang kanyang buhok.

 " Ang ganda ng iyong buhok, kakaiba ang pagkapula nito." Anito. Nagulat si Hestia ng biglang yumakap ito sa kanya."May problema na?" paguulit niya rito. "Wala, ganito pala ang pakiramdam ng makayakap ka." Masarap sa pakiramdam niya ang yakap nito sa kanya. Komportable siya ngunit alam niyang may kakaiba. 

Gayunpaman ayaw niyang piliting ang binata katulad ng hindi pagpilit nito sa pag-alam kanyang katauhan. Pinakiramdaman na lamang niya ang pagyakap nito sa kanya at hinayaan ang sarili kahit ngayon lang na maiparamdam at maramdaman ang pagmamahal nito.

Isang masamang balita ang natanggap ni Hestia habang siya ay nasa Olympus. Ang lalaking minamahal niya ay namatay dahil sa isang sakit. Bakit nga ba hindi niya napansin ang unti-unting pagbabago nito.

 Agad siyang nagmadali at naghanda patungo kay Hades ng makasalubong niya si Zeus.

 "Bakit nagkarooon ng sakit si Dion?" agad na tanong niya rito. 

" Isang diyos ang nagbigay ng sakit sa kanya. Di ko rin naman ito lubusang alam at ang alam ko ang dahilan niyon ay pagkaselos nito sa kanya. Alam mo naman na marami rin ang nahuhumaling sayo."

 Labis na pagkagalit ang kanyang naramdaman ngunit di siya magpapadalos dalos ng desisyion. Ayaw niyang magsimula ng isang gera.

 "Saan ka pupunta?" tanong ni Zeus. 

"Kay Hades!" maikling pahayag niya at nagmadaling umalis.

"Parang awa mo na Hades buhayin mo siyang muli." Pakiusap niya rito. Pagkadating na pagkadating niya sa ilalim ng lupa. 

"Ngunit ayaw niyang mabuhay pang muli Hestia." 

"Ano? Maari bang makausap ko na lang siya. Pakiusap!" pagmamakaawa nito sa kanya. 

Huminga ng malalim si Hades atsaka tumango. "Sige, bahala ka" saad nito sabay alis sa kanyang harapan. Maya maya pa may usok na lumabas at unti unting naging tao. Isang taong gustong gusto niyang makita. Agad na sinalubong niya ito ng yakap habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.

 "Hestia, papano? Bakit ka narito?"

 "Isa akong diyosa Dion, patawad kung hindi ko magawang sabihin ito sayo." 

"Kung ganon ay tama ako." Saad nito habang nakangiti. Kumalas si Hestia sa yakap at hinawakan ang mukha ng binata.

 "Aalis tayo dito Dion sumama ka sakin, kukumbinsihin ko si Zeus na gawin kang immortal. Wag mo lamang akong iwan. Mahal kita Dion."

 Hinawakan ni Dion ang kamay ni Hestia na nakahawak sa kanyang pisngi. "Sa wakas ay narining ko din ang mga katagang iyan sa iyong labi. Gusto ko mang makasama ka ng matagal ngunit gusto kong manatiling tao at ang bawat tao ay may limitasyon. Tanggap ko na ang kamatayan ko. Masaya na rin akong malaman na mahal mo ako. Patawarin at intindihin mo sana ang disisyon ko. Mahal kita Hestia."

 Pinagdikit nito ang kanilang mga noo. "Mahal din kita Dion at tatangapin ko ang disiyon mo" 

Pinahid ni Dion ang mga luha ni Hestia."Salamat, at paalam" saad nito ng may ngiti sa labi sabay unti unting pagkawala nito.

 "Paalam Dion" saad ni Hestia na may ngiti sa labi habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Hindi na muling umibig si Hestia ng iba pa.Isa siya sa mga diyos na hindi nagasawa at isa sa binansagang birhen. Marami ang nag aalok ngunit hindi siya pumapayag. Nanatili siya sa pagbabantay ng mga pamilya. Nananatiling magbigay ng init sa mga tao.

*Alam kong mabilis ang takbo ng story at parang kulang. Plano ko talaga na pahabain ang story ni Hestia kaya lang wala akong time at palaging busy so yan lang ang nakayanan ko. Anyway one shot lang naman to so thank you sa nagbasa kung meron man hahah

Hestia: Goddess of Hearth (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon