I

777 28 1
                                    

Places here are all made up. Let your imagination do all the work for you :)

Enjoy!





Pinigilan ko ang aking paghinga at pinilit ang aking katawan na huwag gumawa ng kahit na anong ingay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Pinigilan ko ang aking paghinga at pinilit ang aking katawan na huwag gumawa ng kahit na anong ingay. Itinapat ko ang aking pana sa aking target. Huminga ako ng malalim bago pinakawalan at pinalipad ang pana papunta sa usa. Gumawa ito ng ingay bago sumalampak sa niyebe.


Pumikit ako at tahimik na humingi ng tawad sa pagpapatay ng isang hayop. Bumaba ako mula sa puno at pinuntahan ang aming magiging hapunan ngayong gabi.


God, I hate being this desperate for food.


Oo, magaling ako sa aking pana at palaso, pero hindi ko pinangarap na gamitin ito sa pangangaso.


Kinaladkad ko ang katawan ng usa papunta sa aming bahay, at nakita kong hindi pa rin umaalis sa kanyang pwesto si Mama – nakaupo sa sahig habang nakahawak sa kamay ng aking kapatid na nakahiga sa aming sobrang lumang sofa.


Inilapag ko ang katawan sa lababo at naghugas ng kamay. Mamaya ko na babalatan itong nahuli ko, kailangan ko munang tingnan ang kalagayan ng aking kapatid.


It's still the same cold, snowy night. Sobrang lakas pa din ng hangin na para bang plano nitong wasakin ang aming maliit na tahanan. Salamat na lang at isang napaka-galing na karpintero ang aking Papa.


Yes, it's still the same cold snowy night, but now, my sister is terribly sick.


Hinawakan ko ang balikat ni Mama at tiningnan niya ako, halatang hindi niya namalayan na nakarating na ako.


"Bumaba na ba ang lagnat niya?"


Umiling siya at agad na bumigat ang aking pakiramdam. Hinawakan ko ang noo ni Beth, at napapikit na lang ako sa sobrang init nito. Alam kong hindi lang ito isang simpleng lagnat dahil ilang araw na siyang ganito at hindi pa din bumababa ang kaniyang sakit. Worse, sumuka siya na may halong dugo kanina.


I silently prayed kahit na wala akong pinaniniwalaang diyos. She's only 12 years old. Don't take her away from us.


Dahan-dahang iminulat ni Beth ang kanyang mga mata, at nang makita niya ako, pinilit niyang ngumiti kahit alam kong wala na siyang lakas para gawin ito.


"Sing me a lullaby, Ate."


Hinawakan ni Mama ang aking kamay at tumango. Tumayo siya mula sa kaniyang pwesto at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti, "Let her have her request. Ako na ang bahala sa nahuli mo."


Tumango lang ako dahil baka mapaiyak pa ako kapag sinubukan kong magsalita, at umupo na sa pwesto kanina ni Mama sa sahig. Beth loves it when I sing to her, especially if it is a song I made. Muli siyang pumikit at mahigpit na niyakap ang handmade rag doll na bigay sa kanya ni Papa.


Beauty in Darkness (A Fairytale Retelling #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon