X

303 17 2
                                    

Mga boses

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Mga boses. Nakakarinig ako ng mga boses pero wala naman akong nakikitang tao o kung anumang nilalang. Naglalakad na kami papunta sa palasyo pero hindi pa din tumitigil ang mga boses na naririnig ko.



Noong una ay akala ko na nanggagaling lang sila sa ulo ko pero iba-ibang klase ng boses ang aking naririnig – lalaki, babae, bata, at matanda.


"May panibago na."

"Siya na kaya iyon?"

"Hindi pa ba napapagod ang prinsipe?"

"Is she a human?!"

"Wala na tayong pag-asa!"


"Naririnig mo ba iyon?" tanong ko nang hindi na ako makapag-pigil.


"Ang alin?" tanong niya pabalik nang hindi tumitingin sa akin.


"Yung mga boses!" nakarinig ako ng pagtawa at muli akong lumingon sa paligid. "Ayun! Tumatawa na sila ngayon!" natataranta kong sigaw.


Nang muli na namang nagtawanan, tumingala ako sa prinsipe at nakita kong naka-taas ang isang gilid ng kanyang labi. Tinatawanan din ba niya ako?!


"They're my people, Livia."


"Your people?"


"Yes." Muli niyang pinisil ang aking kamay at doon ko lang namalayan na masyado na akong nasanay at komportable sa pagkakahawak niya, "My people – this kingdom – is still alive. They are just all in the dark."


Pagkasabi niya noon, nakaramdam ako ng paghigit sa dulo ng aking damit. Yumuko ako pero wala akong nakita.


"Ikaw na ba ang bago naming prinsesa?" rinig kong tanong ng isang batang lalaki.


"She is." Nagulat ako sa pagbabago ng tono ng boses ng prinsipe. It was warm and kind.


"Are you finally going to break the curse?" tanong ng panibagong boses – isang batang babae.


God, all these children have been living in darkness all this time?


Hindi sumagot ang prinsipe at alam kong hinihintay niya ang aking sasabihin, tulad ng paghihintay ng mga nakapaligid sa amin.


I smiled, hoping that the little girl will see it, "I will try."


I know I said the right thing when the prince squeezed my hand once again.


Huminga ako ng malalim at tahimik na pinaalalahanan ang aking sarili. This is not my home and I owe nothing to these people. I have a plan and I must stick by it.


Find Beth, then escape.








Nagbukas ang malaking pintuan ng palasyo at binati kami ng nakahilerang mga nilalang na may transparent-like na pakpak. Faeries. Lahat sila ay nakayuko hanggang sa madaanan namin sila. Tiningnan ko sila at kumunot ang aking noo nang nakita ko ang kulay ng kanilang balat. It's almost near to gray. Ganoon ba talaga ang balat ng mga faeries?



Beauty in Darkness (A Fairytale Retelling #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon