XIII

278 23 5
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


     "Good morning, Princessss!"


Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan si Maribel na nakangiting umiikot sa aking kwarto. Tiningnan ko ang bintana at nakita na kulay gray na ang kalangitan.


Dahil nakakailang araw na din ako dito, alam ko na kapag umaga, kulay gray ang langit at kapag gabi naman ay kulay itim.


"Ang saya mo ngayon ah?" natatawa kong sabi habang pinapanood si Maribel.


"Of course, masaya ako! Nasa baba ang Prinsipe!"


Agad akong napabangon sa kanyang sinabi, "Huh?"


"Yes! For the first time, nasa baba ang Prinsipe para sa umagahan at tinatanong niya kung nasaan ka!" nakangiti niyang sabi habang hinila ako palayo sa kama at mahinang itinulak papunta sa banyo.


Sinarhan niya ang pintuan at humarap na ako sa salamin para magsimulang mag-ayos. Narinig ko ang mahinang pagkatok ni Maribel sa pintuan.


"Livia. Whatever it is you are doing, keep doing it. Our Prince is finally changing."


Pumasok na ako sa dining room at nahuli ko ang biglang pag-upo ng ayos ni Queran sa kanyang pwesto. Napansin ko din na wala pang pagkain sa kanyang plato. Pinigilan kong kumawala ang aking ngiti.


What do you know, the prince can be a little bit charming after all.


"You're late." Sabi niya pagkaupo ko. Itinaas ko ang aking isang kilay.


"Why, I didn't know we had to set a time for breakfast." Pabiro kong sabi, "So.. are you eating breakfast with me now? Ganitong oras ba tayo kakain lagi?"


Hindi ko na napigilan ang aking ngiti nang bigla siyang yumuko at mahinang nag-"Yes" na para bang nahihiya.


Tinitigan ko siya ng ilan pang segundo bago nagsimulang kumain. This table is still too long, and he's sitting too far away.


"You can sit beside me, you know." Sabi ko at agad siyang napahinto. Bigla kong naisip na baka gusto niya sa pwesto na iyon, o baka ayaw niyang may katabing kumain. Patay, kailangan ko nang mag-isip ng sasabihin para bawiin yung sinabi ko kanina.

Beauty in Darkness (A Fairytale Retelling #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon