III

369 18 1
                                    


Nagising ako mula sa ingay ng pagluluto ni Mama mula sa kusina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Nagising ako mula sa ingay ng pagluluto ni Mama mula sa kusina. Umungol ako at nag-unat – obviously, I'm not a morning person – at napaupo ako nang naalala ko ang nangyari kagabi.


Yung lalaki.

Yung bote.


Hindi ko napainom si Beth pagdating ko kagabi dahil mukhang mahimbing ang kanyang tulog at ayoko naman siyang istorbohin. Agad kong kinuha ang bote na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ng aking kama at lumabas na mula sa aking kwarto.


"Si Beth?" tanong ko pagkadating ko sa kusina. Tumigil si Mama sa kanyang pagluluto para humarap sa akin.


"Nasa kwarto ko si Beth. Tumaas lalo ang lagnat niya, Livia. Hindi ko na alam ang gagawin."


Hinigpitan ko ang hawak sa maliit na bote at dumiretso papunta sa kwarto ni Mama.


I stared at my sister who has gorgeous brown curls, and whose rosy cheeks are now pale because of the fever. Nakapikit siya at rinig ko ang kanyang mabigat na paghinga habang yakap-yakap pa din ang kanyang manika.


Lumuhod ako sa tabi ng kama at dahan-dahan siyang ginising. Iminulat niya ang kanyang mga mata at umubo - the sound breaking my heart.


Hinawakan ko ang kanyang noo at halos mapaso na ako. Sobrang init niya.


Huminga ako ng malalim at iniabot sa kanya ang bote.


"Inumin mo itong gamot, Beth."



Ramdam ko ang pagtataka ni Mama mula sa aking likuran pero hindi ko na muna ito pinansin. Pinanood ko si Beth na dahan-dahang umupo mula sa kanyang paghiga. Kinuha niya ang bote mula sa akin at tinanggal ang takip nito, at walang pagdadalawang-isip itong ininom.


Pumikit siya ng ilang segundo at huminga ng malalim. Nang iminulat na niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin, halos mapa-upo ako sa sahig.


Nawala ang pagka-itim at pagka-lalim sa ilalim ng kanyang mga mata, at bumalik ang pagka-pula ng kanyang mga pisngi.


"Ate." Nanlaki ang aking mga mata dahil malinaw na muli ang kanyang boses.


Ano ang nasa bote na iyon? May ganoon ba talagang gamot na epektibo na matapos ang ilang segundo?


Narinig ko ang pagsinghap ni Mama bago siya lumapit kay Beth at hinawakan ang kanyang noo.


"Nawala na ang lagnat niya." Rinig kong bulong niya bago hinablot ang bote mula kay Beth. Inamoy niya ito at nanigas ang kanyang katawan. Agad siyang tumingin sa akin at nagulat ako nang makita kong nakakunot ang kanyang noo, at bago pa ako makapag-tanong, hinila niya ako papalabas ng kwarto at papunta sa kusina.


Beauty in Darkness (A Fairytale Retelling #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon