VII

350 16 2
                                    

     "Livia!!! Beth!!!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Livia!!! Beth!!!"



Tumingala ako nang narinig ko ang pagsigaw. Hindi ako umalis sa pagkakaluhod at hindi ko na din alam kung gaano na ako katagal dito.


"Livia!!! Beth!!!"


Si Mama? Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bahay.

Paano kung pumunta din yung kumuha kay Beth sa bahay? Kukunin din ba nila si Mama?!


Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko kaya naman lalo kong binilisan ang aking pagtakbo papunta sa bahay habang hawak-hawak ang manika ni Beth.


"Ma!" Sigaw ko pagkapasok ko sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang nakaupo sa aming sofa at nakayuko habang nakahawak sa kanyang ulo.


Agad siyang tumingala at tumakbo papalapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at doon ko lang napansin na may isa pang babae na nakaupo sa upuan na katapat ng sofa.


Tiningnan ko ang babae na mukhang kasing-edad lang ni Mama at namangha sa dami ng suot niyang alahas.


"Saan ka galing?" Iniwas ko ang aking tingin sa aming bisita nang kausapin ako ni Mama. "Bakit di mo kasama si Beth?" Napansin niya siguro ang paninigas ko dahil agad kong nakita ang takot sa mga mata niya.


"Livia.. nasaan ang kapatid mo?"


Niyakap ko ang manika sa akin na para bang shield sa kung anong magiging reaksyon ni Mama.


"Hi-hindi ko alam, Ma. Pina-una ko muna siya sa treehouse.. naisipan ko kasi munang mangaso.. narinig ko yung sigaw niya. Then when I ran to her, she's gone. She just.. disappeared."


Napa-atras si Mama at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin, "She.. disappeared?" Rinig ko ang takot pati na din ang disappointment sa boses niya. Disappointment na iniwan kong mag-isa ang aking kapatid.


Yumuko ako para maitago ang aking luha. Minsan lang ako umiyak dahil kailangan kong maging malakas para sa kanilang dalawa. Pero panay yata ang iyak ko ngayong gabi.


Umalis sa harapan ko si Mama at muling kinuha at sinuot ang kanyang coat.


"Stay here and talk to Helga. Tell her everything about your stranger, okay?" Dali-dali niyang sabi sa akin bago buksan ang pintuan ng bahay.


"Ma! Saan ka pupunta?"


"I'm going to find your sister." Sabi niya bago tuluyan nang lumabas ng bahay.


Tinitigan ko ng ilang saglit ang pintuan bago inilipat ang aking atensyon sa babaeng dinala ni Mama. Binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti at tumango sa direksyon ng katapat niyang sofa.


Beauty in Darkness (A Fairytale Retelling #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon