XI

258 17 1
                                    

Nang dumating ang ika-tatlong gabi at hindi ko pa din nakikita ang Prinsipe sa kabilang dulo ng lamesa, nakaramdam na ako ng matinding galit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Nang dumating ang ika-tatlong gabi at hindi ko pa din nakikita ang Prinsipe sa kabilang dulo ng lamesa, nakaramdam na ako ng matinding galit.



Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita! Nasaan na ang sinabi niya na titingnan niya kung ano ang kailangan niya sa akin? At wala pa din akong nakukuhang impormasyon kay Beth! Oo, si Beth ang dahilan ng galit ko at hindi ang nararamdaman kong sakit dahil sa pagbabalewala sa akin ng Prinsipe.


"Maribel, nasaan ang kwarto ng Prinsipe?"


"Third floor. Nag-iisang kwarto lang naman ang nandoon." Sabi niya habang ngumunguya. Naramdaman ko ang atensyon sa akin ng ibang faerie na ngayon ay komportable na sa akin at kasabay ko nang kumain.


"Hmm." Simple kong sabi at nang nagsimula akong tumayo mula sa pagkakaupo, halos mabulunan si Maribel sa gulat.


"Livia, don't!" hinabol niya ako nang dumiretso ako paakyat sa hagdan. Inunahan niya ako at hinarangan ang aking daan. "Mahigpit na ipinagbabawal ng Prinsipe na may ibang taong pumunta sa kanyang kwarto."


Itinaas ko ang aking kilay, "Pero hindi lang ako 'ibang tao'. I am his bride, right? The princess?" pabiro kong sabi sa kanya.


"Yes, but.." ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang balikat. "It's fine, Maribel. It's my decision and if someone were to get in trouble, it would be me. At sasabihin ko na lang na naligaw ako." Simple kong sabi at kita ko ang pagdadalawang-isip ni Maribel habang nerbyos na kinakagat ang kanyang labi.


Ngumiti ako, nilagpasan siya, at ipinagpatuloy na ang pag-akyat sa hagdan.


Pagkatapak ko sa third floor, nakarinig agad ako ng mahinang pagtugtog ng piano. Sinundan ko ang tunog hanggang sa nakatayo ako sa harap ng isang malaking pintuan.


Tinitigan ko ito ng saglit bago huminga ng malalim at buksan ang pinto. Unang bumungad sa akin ang maliit na living room. Baka kaya naman hindi na siya bumababa ay dahil pwede nang maging isang bahay itong kwarto niya.


Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makarating ako sa kaniyang kwarto. Katabi ng isang malaking bintana ang kaniyang piano at nakaharap sa akin ang kaniyang likod habang tumutugtog. Napansin ko din na nakababa ang kanyang hood at pinigilan ko ang aking sarili na lumapit at hawakan ang kanyang buhok. It looks soft.


Sumandal ako sa pader at pinakinggan siya. Rinig sa kanyang musika ang sakit at galit na nararamdaman niya. I would know because I sing all my emotions out.


Naramdaman niya siguro na may ibang presensya dito sa kwarto dahil bigla niyang itinigil ang pagtugtog at agad na iniangat ang hood sa kanyang ulo.


"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang sabi. Napunta ang atensyon ko sa bintana at nakita ko na nakatingin siya sa reflection ko doon.


Beauty in Darkness (A Fairytale Retelling #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon