XVI

538 37 20
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata at naramdaman ko ang mga pagbabago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Iminulat ko ang aking mga mata at naramdaman ko ang mga pagbabago. Una sa lahat, masyadong malambot ang aking kama. Iginala ko ang aking paningin sa kwarto at agad akong napabangon. Nasa kwarto ako ni Queran. Tiningnan ko ang aking hinihigaan at nakitang mag-isa lang ako sa dito.




Nasaan na naman ba siya?


Tumayo ako mula sa kama at naglakad papunta sa bintana. And there I saw him. Back with his hood on, nasa hardin siya ng palasyo at nakatingin sa mga hilera ng mga bulaklak na nakatanim dito. Tahimik akong nagpasalamat dahil buti na lang ay iniligtas ang lugar na iyon mula sa kadiliman.


Pagkalabas ko mula sa palasyo, dumiretso ako sa hardin at nakitang nandoon pa din sa pwesto niya si Queran. Tahimik akong pumunta sa tabi niya at narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.


"This is a beautiful garden." Paninimula ko. At totoo din naman, sobrang dami ng bulaklak na nakatanim at nakaka-kalma ring tingnan ang mga iba't-ibang kulay.


Tiningnan ko mula sa gilid ng aking mata si Queran. Pareho kaya kami ng nararamdaman sa lugar na ito? Kaya din ba nandito siya ngayon? Para pakalmahin ang sarili niya mula sa nangyari kagabi?


"This is my mother's garden." Nanatili lang akong tahimik at hinintay siyang magsalita, "Ginawa niya ang hardin na ito para hindi matakot na pumasok ang mga tao dito sa palasyo. She hopes that these flowers will make our people feel welcomed in our home."


They really love their people. "I'm sure they loved going here." Mahina kong sabi at sinagot niya ako ng isang pagtango.


Nanatili lang kaming tahimik ng ilang saglit at pinanood ang pag-sway ng mga bulaklak kasabay ng hangin.


Hindi namin pinag-usapan ang nangyari sa amin sa library. Wala rin sa amin ang nagbukas ng topic tungkol sa nangyari sa kwarto niya, at sigurado akong wala sa amin ang may gusto, pero alam kong sa sobrang tuwid ng kanyang tayo at sa mahigpit na pagbuo ng kanyang kamao, na iniisip pa rin niya iyon at nagsisisi siya.



Hinawakan ko ang kanyang kamay at ramdam ko ang kanyang pansamantalang pagkagulat, bago siya tuluyan nang magrelax, at ibinuka ang kanyang kamay para i-intertwine ang aming mga daliri.


Tumingala ako sa kanya at ngumiti, "Tour me around your kingdom, Prince Queran."








"Siya na siguro ang pinaka-maganda mong nadala dito, Prinsipe!" sabi ng boses ng isang matandang lalaki, at hindi ko na pinansin ang pagkirot ng aking dibdib nang maalala kong may mga iba nga palang babae na dinala dito si Queran.



Nandito kami ngayon sa bayan ng kaharian at dahil umaga ngayon at kulay gray ang kalangitan, nakikita ko kahit papaano ang mga bahay, tindahan, at mga itim na pigura ng mga tao na parang mga anino.


"He'll throw you away after he's done with you. Just like the others."


Nagtaasan ang aking buhok sa katawan at tiningnan ko ang paligid. Kanino nanggaling yung boses na iyon?


"You are so lucky to have her as your bride, Prince!" sigaw ng isang matandang babae.


Pinisil ni Queran ang aking kamay at tumingin sa akin, "I know." Nakangiti niyang sabi at ipinagdasal ko na hindi makita ang pagkapula ng aking pisngi sa dilim.


"Hindi na kami makapag-hintay na bumisita sa palasyo! Nami-miss na din namin yung mga pagkain niyo dun!" pabirong sigaw ng isang lalaki at nagtawanan naman ang mga nakapalibot sa amin.


Narinig ko ang pagtawa ng Prinsipe at pabiro siyang sumigaw pabalik pero hindi ko na ito narinig dahil naramdaman ko na may humigit na naman sa aking damit.


At dahil alam kong bata ito, lumuhod na ako para marinig ko siya, "The Prince likes you." Napatawa ako dahil alam kong plano ng batang babae na ibulong ito pero masyado pa ring malakas ang kanyang boses.


"Oo nga! Ikaw ang pinaka-unang prinsesa na dinala niya dito sa bayan!" sabi pa ng isang batang lalaki.


"Do you like him?" muling bulong sa akin ng batang babae at tiningnan ko muna ang Prinsipe na nakangiting nakikipag-usap sa kanyang mga tao. Kitang-kita ko na masaya siya ngayon at ramdam ko na totoo ang pagmamahal niya sa kaharian na ito at ang mga tao dito.


Naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib, but not in a bad way. It's as if it is suddenly full of something... full of admiration for the Prince in front of me, maybe?





"I think I do, little girl." Sagot ko sa batang babae, "I think I do."


☾☾☾

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty in Darkness (A Fairytale Retelling #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon