XV

285 25 2
                                    

Muli kong tinusok ng tinidor ang aking pagkain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Muli kong tinusok ng tinidor ang aking pagkain. Tiningnan ko ang bakanteng upuan sa kabilang dulo ng lamesa.



Hindi ba siya kakain ng hapunan? Buong araw na siyang hindi lumalabas ah. Ayaw na ba niya akong makita? Dahil ba to sa nangyari kagabi? Sa nakita ko?


Kumunot ang aking noo nang biglang kumulog sa labas. Sa ilang araw na pagtira ko dito, ngayon lang umulan. Tiningnan ko ang nag-aalalang mukha ng mga faeries at mukhang ngayon na lang din ulit nagkaroon ng ganitong panahon dito.


Inilapag ko ang tinidor sa lamesa at huminga ng malalim.


Nagalit ba siya dahil nakita ko ang balat niya? Nahiya ba siya? Kung ganoon, wala siyang dapat ikahiya. Nagulat ako, oo, pero hindi ako nandiri o kung ano man.


At kung galit siya sa akin, kailangan naming maayos ito agad, diba? Kailangan na naming magkabati para mapagusapan na namin ang tungkol sa sumpa sa kanya. At para mahanap ko na din si Beth.


Oo, si Beth. This is all for Beth.


Tumayo na ako, lumabas sa dining room, at umakyat pataas sa third floor. Nang nakatayo na ako sa harapan ng pintuan ng kanyang kwarto, may mali agad akong naramdaman. Parang masyadong tahimik sa loob.


Then I heard a crash.


Agad akong naging alerto.


"Queran?"


Another crash then came a loud thunder.


Agad kong binuksan ang pintuan at nang makita ko ang nangyari sa loob ng kwarto, napahinto ako.


Basag ang salamin sa silid at may mga nagkalat na babasagin sa sahig. Natumba ang mga upuan at lamesa. Madilim ang silid at tanging ang kidlat lang galing sa labas ang nagsisilbing ilaw dito sa loob. Nakaramdam ako ng takot.


Nasaan si Queran?


"Queran?" mahina kong tawag, at pagkahakbang ko, may lumabas na namang isang kidlat. Doon ko siya nakita – nakatalikod at nakatayo sa harap ng kanyang malaking bintana. Nakayuko siya at napansin kong hindi nakapatong sa kanyang ulo ang hood ng kanyang cloak.


"Que-"


"Why did you have to look?"


Napahinto ako sa lamig at lalim ng kanyang boses, at kasabay din nito ang biglang paglamig ng buong kwarto.


"What do you mean?" mahina kong tanong. Kita ko na ang panginginig ng katawan niya na para bang nagpipigil siyang magwala. Oh God, what happened to him?


"This is all your fault." Sobrang hina niyang sabi na muntikan ko na itong hindi marinig. Sinubukan ko ulit humakbang papalapit sa kanya pero bigla siyang humarap sa akin, "Why did you have to look? THIS IS YOUR FAULT!"


Muling kumidlat at natamaan ng liwanag ang kanyang mukha. Napahawak ako sa aking bibig para pigilan ang aking pagsigaw.


Nabalot ng kulay itim ang kanyang mga mata, at umakyat sa kanyang pisngi ang itim na mga guhit na nakita ko sa kanyang leeg. Tiningnan ko ang kanyang kamay at nakita ko din doon ang mga itim na guhit.


What is happening to him?!


In a matter of seconds, nakatayo na siya sa harapan ko at agad akong napaatras.


"Do you see a monster, Livia?" malamig pero amused niyang tanong, and I feel the change in him. It's like he's already a different person. He tilted his head to the side, while still looking at me, and gave me an evil smile, "Are you afraid of me now, dear bride?"


He took some of my hair in his hand nang hindi ako agad nakasagot, at napaungol ako sa sakit. Iniangat niya ang isa pa nyang kamay at hinawakan ang aking leeg, making it hard for me to breathe.


Oh, God.


"Queran.." bulong ko dahil hindi ko na magawang magsalita ng ayos mula sa pagkakasakal niya. Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukang alisin ang pagkakasakal niya sa akin.


"I saw the disgust in your eyes, bride. Well, this is me." Tiningnan ko ang itim niyang mga mata at hinihiling na sana mabasa niya ang nais kong ipahiwatig. Na hindi ako nandiri. Nagulat ako ng saglit, oo, pero hindi ako nandiri.


"Disgusting enough for you?" natigilan ako nang narinig ko ang mahinang panginginig ng boses niya. Nanginginig kong ibinaba ang aking mga kamay at tiningnan ang kanyang itim na mga mata nang bigla kong naalala ang sinabi ni Helga.


"...because even though he has been living in darkness, he is afraid. He does not want to be consumed by it."


This is not Queran. Not really. I know he's in there, scared.


Ipinatong ko ang aking nanginginig na mga kamay sa kanyang dibdib.


"Come back to me, Queran." Mahina pero determinado kong sabi. Hinawakan niya ng mahigpit ang isa kong kamay at napapikit ako sa sakit. Tiningnan ko ang mukha ni Queran at nakita kong nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa aking kamay.


I know I'm slowly getting to him.


With my other free hand, itinaas ko ito at ipinatong sa kanyang pisngi. Sobrang lamig niya. I slowly caressed my thumb in his cheek, "Don't let it claim you."


Ramdam ko ang unti-unting pagluwag ng kanyang pagkakahawak sa aking kamay.


Lumapit ako sa kanyang katawan at isinandal ang aking noo sa kanyang dibdib, "Come back to me, Prince."


Narinig ko ang kanyang malakas na paghinga na para bang naghahabol siya ng hangin, at naramdaman ko ang pagkawala ng paghakakahawak niya sa aking kamay. Agad niya akong niyakap sa kanya at huminga ng malalim, "Livia?"


"I'm here, Queran." Ipinulupot ko na rin sa kanya ang aking mga kamay at lalo niya akong niyakap ng mas mahigpit. Matapos ang ilang segundo, naramdaman ko na ang pagbigat ng kanyang katawan sa akin, at nang narinig ko ang malalim niyang paghinga, nalaman kong nakatulog na siya.


Dahan-dahan ko siyang inakay at inihiga sa kanyang kama. Saglit kong tinitigan ang kanyang nakapikit na mukha at hinawakan ang kanyang nakakunot na noo. Unti-unti nang naglalaho ang mga itim na guhit sa kanyang mukha. Hinaplos ko ang kanyang buhok at narinig ko ang kanyang kontentong pag-ungol bago niya biglang kunin ang aking nag-gagalang kamay.


Ipinatong niya ang aking kamay sa kanyang dibdib at niyakap ito. Lumuhod ako sa sahig at ibinaon ko ang aking pisngi sa gilid ng kanyang kama, at patuloy pa din siyang tinitingnan. I smiled. He sleeps just like a child.


And maybe he still is a child at heart.


A scared, little boy all alone in the dark.

☾☾☾

Beauty in Darkness (A Fairytale Retelling #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon