6th Chapter : The Decision

55 0 2
                                    

6th Chapter : The Decision 

Be mine .. 

Be mine .. 

Be mine .. 

Almost a week na din ang lumipas after Arjel said those words to her pero hanggang ngayon it keeps on repeating inside her head.

' He likes me. '

That's obvious but she can't fathom why. Was it like at first sight?

Well, she don't believe on craps like that. And for goodness sake he's married!

But why her mind seems to consider his proposal?

Tumagilid sya sa pagkakahiga sa kama at tinitigan ang cellphone sa tabi nya.

Pagkatapos ng nangyari sa hotel nito ay hindi na ulet sya nito tinawagan. Baka kasi narealized nitong ayaw talaga nito sa kanya?

Or worst maybe he's just trying if she'll bite to his bait?

Inis na napabangon sya. At sakto namang nag ring ang phone nya.

Dali dali nyang kinuha ito and felt disappointed ng makitang it was Lovenia who's calling her. Kaibigan nya ito as well as Jessie, ang secretary nya.

' I'm not disappointed. ' giit ng utak nya.

She accepted the call at pinilit gawing masigla ang boses.

" Hello. "

" Ui, Zia .. Sama ka samen. " bungad nito sa kanya.

" Saan? "

" Papunta kaming bar ngayon ni Jess. " sinabi nito ang pangalan ng bar at hindi naman iyon kalayuan.

Napatingin sya sa relo. 8pm pa lang naman at sabado naman din kaya ayos lang mag night out sya ngayon.

At kahit ayaw nyang nagpupunta sa bar ay sumang ayon na din sya dahil mukhang hindi na naman sya patutulugin ng isip nya. 

Nagmadali syang magbihis ng hanging blouse, fitted jeans at flats. Nilugay lang din nya ang lampas balikat nyang buhok and wore no make up at all except sa lipgloss at face powder.

Tinext nya lang din si Daryl dahil wala pa ito sa bahay nila. Siguro ay kasama na naman nito si Hans at nambababae.

Mabilis naman syang nakahanap ng taxi patungo sa bar at wala pang 3o minutes ay naroon na sya.

Nasa labas ng bar si Lovenia at ang boyfriend nitong si Charles para sunduin sya. Her friend took her shoulder bag off at binigay sa kasama nito.

" Oh dalhin mo. " utos nito.

Gusto nyang matawa sa trato ng kaibigan sa kasintahan but she controlled herself para hindi mapahiya ang lalaki. May pagka bully kasi si Lovenia pagdating dito. Konti lang naman.

Pumasok na sila sa loob and she almost grimaced as she heard the loud music surrounding the place. Pakiramdam nya ay sumakit agad ang ulo nya dahil sa dami ng taong nakikita and  also because of the flashing and blinking of different colored laser lights.

Naghihintay sa kanila si Jess along with their other friend, Louie, sa isang table na malapit sa bar counter.

" Ang ganda mo ngayon, Zia! " sigaw ni Louie para marinig nya dahil sa lakas ng music.

Nginitian nya lang ito. Di naman sya naiilang sa mga compliments ng kaibigan because despite his muscular physique they all know that he's gay. Sayang nga guapo pa naman sana.

" Order ka na, Zia. " ani Jess. Sa office lang ito formal sa kanya dahil ayaw naman nila ipakita sa ibang employees na close sila baka isipin pang bias sya.

Inverted Bliss (The other side of love) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon