THE 9 GODDESSES #4 - "Sylvina Fernandez?"

3.9K 114 25
                                    

Dedicated to WackyMervin.. Thank you for inspiring me! ^___^

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

*THIRD PERSON’S POV*

Hindi naging alinta ang mga reporters at paparazzi sa pag-alis ni Yeonnie sa venue. Hindi niya nakaya ang kanyang napanood. Lumabas siya ng venue ng lumuluha at pinagtutulak ang taong nakapaligid sa kanya. Naglakad siya papunta sa ospital total ilang kilometro lang naman ito. Habang naglalakad sa sidewalk ay bigla siyang nadulas. Napapikit siya sa sakit na naramdaman niya sa pagkabagsak.

“Miss, ok ka lang ba?” Tanong ng isang lalaki. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang isang lalaki na nag-aabot sa kanyang kamay. Kaysa na tanggapin ang tulong ng binata ay kusa nalang itong tumayo.

“Ako, okay? Okay?! Eh ikaw ba naman ang putang inang mamatayan, masaya ka ha?! Magpaparty ba ako?! Tss, tatanga-tanga.” Sabi ni Yeonnie sa binata. Tinanggal ni Yeonnie ang kanyang suot na heels na naging dahilan para madulas siya kanina. Nang maitanggal ito ay ibinato niya ito sa daanan dahilan para tamaan ang isang ginoong nagmomotorsiklo. Nang matamaan ito ay agad na tumakbo si Yeonnie papunta sa ospital. Gulong-gulo siya ngayon. Gulong-gulo sa lahat ng nangyayari.

***

Agad na dumiretso ang mga ilang members ng 9 GODDESSES na nasa dorm sa ospital. Nakakahiya man pero umalis sila ng dorm habang naka-pajamas pa. Ni-ilaw nga ng kanilang dorm ay naiwang naka-bukas.

“I didn’t expect Jigsaw is really real!” Saad ni Cinna.

“Pati ba naman ngayon, Cinna? Please lang tanggalin mo muna ang utak mo sa letcheng mga horror movies na yan! Hindi yan totoo! Hinding-hindi!” Sabi ni Stephanie.

Tinignan naman ng diretso ni Cinna si Stephanie. “Everyone's life is a horror movie, everyone.” Quoted ni Cinna dahilan para ikatahimik ng van. Kasalukuyan silang nasa avenue papunta sa ospital. Kung tutuusin ay nasa ospital na sana sila kaso naging traffic sa avenue na ito. Hindi nila mawari kung may nasiraan, nagkabungguan o naaksidente. Nabored ang 9 GODDESSES (Minus Yeonnie and Fiona) kaya naglaro muna sila ng Flappy Bird. Tila parang naging olympics at nagpataasan pa sila ng score. Lumalamang si Alexandra sa score na 69 habang pinaka-mababa naman si Sunny na may score na 3. Ngunit napatigil sila sa paglalaro ng nakita nila ang eksena mula sa kanang bintana ng kotse. Isang ginoo na nakaratay sa sahig, duguan at nakapatong ang motor sa kanyang katawan. Katabi ng kanyang ulo ang isang pares ng high heels na mukhang mamahalin.

“Guys,” Anunsyo ni Jessica para mapunta sa kanya ang atensyon. Nahagilap siyang binubuksan ang pintuan ng kanilang van na sinasakyan. “Mukhang hindi na yata aandar pa kaya lakarin nalang natin ang ospital total ang lapit nanatin oh.” Sabi niya habang nakaturo ang isang kamay sa isang sign na nagsasabing,”Hospital ahead”.

Sa huli ay nagkasundo ang grupo na bumaba nalang. Lumabas sila ng kanilang van ng walang make-up, walang mamahalin na kasuotan at maayos na itsura. Tila naka-pajamas lang sila at fluffy slippers. Kahihiyan ang kanilang iniisip pero mas mabuti pang mapahiya kaysa naman yung mawalan. Umaasa pa rin sila na troll ang video na iyon. Umaasa silang fake at edited ang video na iyon. Umaasa sila na kasinungalingan lamang iyon.

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon