EXTRA CHAPTER ONE - Two is better than one

2.5K 67 8
                                    

*YEONNIE’S POV*

Pinagmasdan ko ang kulay rosas na kabaong na nasa aking harapan. Ang laman lang naman ng kabaong ay ang aking namayapa na ka-member na si Fiona. Hindi tulad ng mga typical na lamay, nakasarado ang kabaong ni Fiona. Walang nais na makakita kay Fiona dahil sa ginawang pagkapatay sa kanya ng hindi makatao. Subukan man nilang ibalik ang dating ganda ni Fiona pero imposible na talaga.

Tumingin naman ako sa aking likod. Makikita mo ang mga kamag-anak ni Fiona na nanlulumo’t naiiyak sa pagkamatay ni Fiona. Sa isang portion naman ay makikita mo ang mga Fiona nation—ang fanclub na tinayo para lang sa mga Fiona-biased na Demi-Gods. Umiiyak ang mga fans habang winawagayway ang mga lightsicks namin at hawak-hawak ang isang tarpaulin na may nakasulat na “Rest in peace, Fiona”. Kahit saan ka naman tumingin ay may makikita kang umiiyak. Matatak kasi sa mga puso ang charisma ni Fiona kaya ganun nalang ang naging epekto ng kanyang pagkamatay.

Tulad nga ng aking sabi ay kahit saan ka tumingin ay may makikita’t makikita kang umiiyak at malulungkot maliban lang sa bandang kaliwang dulo. Isang lalaking naka-ngisi ang iyong madadatnan. Isang lalaki na makikita mo lang sa kanya ay parang ginusto niya ang lahat. Mababasa mo sa kanyang mga mata na siya ang may kagagawan ng lahat-lahat. Bilang kakilala ni Fiona ay naiinis ako kung bakit ganyan ang kanyang mukha. Nakatinggin lang ako sa kanya nang bigla akong sangain sa braso ng mga magulang nina Fiona. Nakita ko namang siyang tahimik na tumatawa. Agad ko siyang nilapitan. Dahil makapal ang aking mukha ay dumaan ako sa center aisle. Nang makarating sa kanya ay agad kung hinablot ang kanyang braso at ihinila siya papunta sa likod ng funeral house.

Nang makaring sa likod ay kinausap ko siya. “Bakit ang saya mo?” Tanong ko sa kanya habang tinitiis ang isang masang-sang na amoy. Napangiti naman siya at sumagot.

“Bakit? Kasalanan na ba ang maging masaya?” Sagot niya sa akin.

“OO! LALO NA KUNG NAMATAYAN KA NG KAKILALA MO!” Sabi ko sa kanya. Napakagat naman siya sa kanyang mga labi. To be honest, I’m turned on at the same time pissed at him. “For God’s sake! Will stop, Manager Dee and be serious!” Saway ko sa kanya.

“Hindi ba ito naman ang gusto mo?” Sabi niya which caused my confusions. Wala naman akong sinabi sa kanya na gusto kong mamatay si Fiona di’ba?

“Wala akong sinabi sa’yo na gu—“ Sabi ko kaso pinutulan niya ako.

“Di’ba gusto mo maging solo artist? I’m granting your wish.” Sabi niya. Wish? Hindi ko hiniling na patayin si Fiona.

“Anong mga pinagsasabi mo? H-hindi kita maintindihan, Jereos.” Nauutal kong sabi sa kanya. Napakamot naman siya sa kanyang batok.

“Sabi mo gusto mong maging solo artist instead na nasa grupo di’ba? Kaya pinapatay ko isa-isa ang mga members ng 9 GODDESSES hangga’t sa ikaw nalang ang matitira. Hangga’t sa mapilitan si CEO na gawin kang Solo arti—“ Sabi niya pero pinutulan ko siya.

“ANG SABI KO SA MALINIS NA PARAAN! MALINIS, JEREOS! MALINIS!” Sabi ko sa kanya. Oo hiniling ko na gumawa siya ng paraan para maging solo artist ako pero ang sabi ko sa kanya ay sa isang malinis na paraan. Malinis na paraan kung saan walang mamamatay o walang bahid ng dugo.

“YEONNIE! HINDI SA PARAAN NA GANYAN UMIIKOT ANG MUNDO NGAYON! SA MGA PANAHON NGAYON, KAILANGAN MO MAGPAKADUMI PARA MAKUHA MO ANG IYONG MGA GUSTO. KUMBAGA ANG MUNDO AY ISANG BABUYAN, IPAGSABIHIN MADUMI! TIGNAN MO KUNG PAANO NAPATAHIMIK DATI SI NINOY, NAPATAHIMIK SIYA DAHIL SA ISANG MADUMI NA PARAAN. “ Sigaw niysa akin. Kahit malalim ay naiintindihan ko. Sasagutin ko sana siya kaso inunahan niya ako. “Ang buhay parang bukid lang yan. Kung hindi mo dudumihan ang iyong mga paa, wala kang hapunan.” Sabi niya.

“Pero hindi ka ba natatakot na mahuli? Kung ganito lang rin ang kahahantungan ay ayoko ng ganito, Jereos.” Pag-aalala na sabi ko sa kanya. Laking gulat ko naman ng halikan niya ako sa aking noo. Ipinasan niya ako sa kisame na nasa aking likod habang ang magakabila niyang kamay ay nasa kanan at kaliwa ko.

“Nothing’s gonna happen, Yeonnie. Kung mahuli ay mahuli. Kung mahuli ay handa akong mag-sakripisyo. Kung mahuli ay hindi kita idadamay basta ipapangako mo na magiging masaya ka sa pagiging solo artist. Basta ipangako mo na hihintayin ko akong makalaya. Basta matatanggap ko ang iyong oo sa oras na matupad mo na ang iyong pangarap na maging solo artist. Basta hihintayin mo ako.” Sabi niya sa akin. Uminit naman ang aking mukha at napayuko. Hindi ko maisip ang buhay ko na wala si Manager Dee. Siya lang ang tanging tao na nakinig sa aking mga damdamin. Siya lang ang tanging tao na tinanggap ang aking nararamdaman. Siya lang ang tanging tao na kayang ibalik ang pagmamahal ko sa kanya. Siya lang, Tanging siya lang.

“Pero hindi ako makakapayag. Hindi ito pwede, Jereos.” Sabi ko. Hinawakan naman ng kanyang pointing finger ang aking labi. Ito ay sinyales para ako ay tumahimik.

“Para sa iyong lahat ng aking ginagawa. Hindi ako mag-sisisi na ginawa ko ito, Yeonnie. Basta para sa’yo gagawin ko lahat. Kahit mabahiran man ng dugo ang mga damit ko, kahit mapasukan man ng dugo ang aking mga kuko basta para sa’yo gagawin.” Sabi niya. Tinanggal niya naman ang parehong kamay niya sa kanan at kaliwa ko. Maglalakad na sana siya palayo kaso tinigilan ko siya. Tinigilan ko siya sa pag-back hug sa kanya.

“Pwes sasama ako. Total ako naman ang may gusto kaya sasali ako sa’yo.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko kakayanin na ang isa ay handa magsakripisyo para sa akin. Total ako naman ang makikinabang, tutulong ako. Tinanggal niya naman ang aking mga kamay na naka-back hug sa kanya.

“Hindi. Ayaw kitang mabahiran, Yeonnie. Ako nalang ang bahala. Ako na—“ Sabi niya kaso pinutulan ko siya. Pinutulan ko siya sa pagkagat sa kanyang kanang tenga.

“Two makes everything easier than one. Two is better than one, Jereos.” Sabi ko sa kanya. Lumingon naman siya at tinignan ako. Willing ako para sa kanya. Laking gulat ko naman ng bigla niya akong halikan sa aking labi. Ito ang unang beses na hahalikan niya ako sa aking labi. Malamig ang kanyang labi sinyales na siya ay natatakot. Bakit siya natatakot? Hindi na bale basta magkadampi ang aming mga labi. Habang hinahalikan ay may nakakuha ng aking atensyon. Nakuha ng atensyon ko ang isang pusang naka-sabit at nakabukas ang kanyang tiyan kaya makikita mo ang mga internal organs nito. Ilang centimetro ang layo nito mula sa amin kaya maaamoy mo ang masangsang na amoy nito. Ito pala ang dahilan kung bakit mabaho.

At dahil sa usapan na iyon ay naging partners in crime kami. Sabay-sabay naming iniisa ang mga ibang miyembro ng 9 GODDESSES. It turns out na hindi magarbong dinner date, movie date or kahit anong date pa yan ang aming past time. It turns out na ang pagpatay ang aming past time-slash-official date namin.

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Sorry kung ganyan yung Ekstra chapter. Plano ko pa sana dagdagan eh. Yung side story naman ni Sylvina Hernandez. Ahahahaha! BTW, hindi ko pala maibibigay ang Softcopy for some reasons. Haha, sorry. ^__^ Hope you appreciate tha extra chapter. COMMENT NAMAN DYAN!

Vote, Comment, Share and Support.  

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon