*CINNA’S POV*
“Good job, guys! Sure ako na magigising successful ang debut episode ng variety show na ito! Imagine it, Variety show of the year ang magiging titulo natin! Hahahahaha!” Sabi ni Director Zendee . “By the way, punta kayo mamaya sa Vikings ah! Minsan lang ako manlibre kaya wag niyo na palagpasin.” Imbita pa niya sa amin.
“Sasama ka ba mamaya, Cinna?” Tanong ng katabi kong si Korina Maigue.
“H-hindi na. M-may pupuntahan p-pa ako eh.” Nauutal na sabi ko. Hanggang ngayon ay kinakaban ako. Kung didispatchahin ko sila, panibagong sikreto ko nanaman. Tsaka baka ma-suspected pa ako ng mga pulis kahit ako naman talaga ang mastemind. Tumayo ako at dumiretso sa pinto palabas ng studio.
“Saan ka pupunta, Cinna? Hindi ka ba pupunta mamaya?” Tanong sa akin ni Director Zendee nung narinig niya ang pagbukas ng pintuan. Hindi ko alam pero bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba at piling ko ay pinagpapawisan ako sa takot.
“A-ah eh, may ka-kailangan akong g-gawin kaya mauna na ak-ako.” Nauutal na sabi ko. Narinig ko ang kanilang mga pilit na sumama para sa mamaya ngunit hindi ko ito pinansin at umalis nalang sa studio. Dumiretso ako sa kotse ko. Kinatok ko ang nakasarang bintana sa driver’s seat. Binuksan namna ito ng kanyang driver.
“BABA!” Utos ni Cinna sa kanya.
“H-ho?” Nalilito na reaksyon ng driver ni Cinna.
“Ang sabi ko ay bumaba ka sa kotse KO! Ako na ang bahala sa aking sarili.” Sabi ko.
“Pero driver po ako at trabaho ko po ang ihatid at sundo kay—“ Sabi ng driver ngunit pinutulan ko siya ng sampal sa kanyang kanan na pisngi.
“Aba! Makulit ka ah! Ako ang nagpapasahod sa’yo kaya sumunod ka!” Sabi ko. Binuksan ko ang pintuan at itinulak siya palabas. Sa lakas ng aking tulak ay napatumba siya sa sahig. Hindi ko namamalayan na nabagsak ang kanyang ulo sa malaking bato. Sumirik ang maraming dugo mula sa kanyang ulo. Tumingin ako sa kanan at kaliwa para tignan kung may nakakakita ba sa aking ginawa ngunit salamat sa diyos at wala. Agad na akong pumasok sa kotse at binuksan ang makina. Napatingin ulit ako sa driver ko na nakaratay at walang ka-malay-malay.
Paano kung buhay talaga siya? Paano kung mag-sumbong siya? O paano kung may makalaman na ako ang dahilan nito?
Lumabas ako ng kotse at binuhat ang driver. Inilagay ko siya sa trunk ng aking kotse. Alam kong hindi makatao ang mga kinikilos ko ngayon. Simula ata nang naalala nila ang sinabi ni Alexandra, naparanoid na ako sa lahat ng nangyayari.
Nag-ring naman ang akig phone. Tinignan ko ang caller ID at nakita ang pangalan ni Yeonnie. Nung mga nakaraan na araw ay sinubukan kong magpakalayo kayna Yoona, Yeonnie, Stephanie at Jessica. Mas mabuti nang may distanya na namamagitan sa amin. Ayokong ma-attached ulit at pag-sisihan ang lahat. Ayokong masaktan dahil sa ginawa ko. Alam kong maka-traydor ang gagawin ko pero wala nang malinis na gawain ngayon. Buo na ang desisyon ko na dispachahin sila. Dinecline ko ang tawag ni Yeonnie sa akin.
Sinimulan ko na ang pag-drive papunta sa lumang bodega sa Malabanayan street dala-dala ang aking sarili at ang isang milyon na bayad para sa kanya. Buong byahe ay napuno ng tensyon at kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Wala na talaga ako sa sarili ko.
Hindi nag-tagal at nakarating na ako sa lumang bodega. Halatang-halata na luma talaga ito. Mula sa dingding at sahig, lumang-luma. Wala na itong mga pintuan at bintana. Mayroon itong dalawang palapag. Kung titignan mo ang kabuuan, alam mo nang hindi safe ang tumapak dito. Pumasok na ako sa bodega. Total silence ang iyong maririnig sa bodega. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba o hindi.
BINABASA MO ANG
THE 9 GODDESSES
Mystery / ThrillerAng 9 GODDESSES ay isa sa pinaka-sikat na girl group sa pilipinas. Mayroon silang magagaling na Vocals, Dancers, Rappers at Visuals pero possible kayang magkaroon ng killer? "One of them is the goddess of Death." (c) South_Paul