THE 9 GODDESSES #5 - "Here lies the girl on fire."

3.4K 112 20
                                    

Dedicated po kay ssf_07 dahil sa kanyang matinding supports! Thank you po and love lots! 

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

 

*ALEXANDRA FERNANDEZ’S POV*

Idinala ako ng taxi sa aking destinasyon. Matrapik ang kalsada ng Taytay ngayon since Fiesta nila. Ngunit nung nakarating ako sa bahay nung Sylvina ay hindi makukulay na banderitas at masasaya at nagtatawanan na tao ang aking nadatnan. Ang aking nadatnan ay mga malulungkot na tao na naka-itim at mga naglalakihang bulaklak na may nakasulat na “May the soul of Sylvina Fernandez rest in peace”.  Agaw pansin naman ako dahil ako lang ang naiiba sa kanila. Kaysa na puti ang suot ko, naka-leopard print pa ako na shirt. Nahihiya tuloy akong magpatuloy pa.

Ilang sandali ay may ale na lumapit sa akin. Naka-itim siya at medyo kahawig niya si Sylvina Fernandez. Kapatid niya yat ito.“Alexandra Fernandez? Ikaw ba ‘yan?” Tanong niya sa akin dahilan naman para tumango ako. Mukhang gulat na gulat siya sa aking pagpunta rito. Laking gulat ko nung may tumabi sa binibina na isang ginang na halatang kakaiyak lamang. “Ano ang iyong sadya rito?” Mataray na tanong sa akin ng ginang. Nanay niya yata ito.

“Dadaan lang sana ako rito pero since napadalaw ako rito, makikiluksa rin ako.” Malamyang pagsisinungaling ko. Laking gulat ko naman nung hinawakan ng binibini ang aking kamay at pumikit.

“OMG! Totoo ka nga! Wait mo ko rito, pa-autograph po ako at pa-picture!” Sabi ng dalaga. Tumango nalang ako. Habang tuwang-tuwa ang dalaga ay mataray naman ang kanyang ina. Umalis ang dalaga at bigla namang nagsalita ang ginang. “Sundan mo ako.”

Sinundan ko naman siya. Para ako isang palamuti, lahat ng mata ay nasa akin. Hindi ko alam kung dulot ba ito ng aking damit o ng aking kasikatan pero ramdam ko ang galit sa kanilang mga tingin. Pumasok kami sa loob ng kanilang bahay. Idinala niya ako sa isang silid—silid na madilim. Binuksan ng ginang ang ilaw at mukhang maaliwalas naman ang kwarto. Ngunit hindi kami doon natigil. Lumapit kami sa isang aparador. Itinulak ng ginang ang aparador. Kita sa kanyang mukha na nahihirapan siya sa pag-tulak kaya’y tinulungan ko siya.

Sa likod ng aparado ay may pintuan. Binuksan ito ng ginang at tumambad sa akin ang mabahong amoy. May nilabas ang ginang sa kanyang bulsa—isang flashlight. Nang inilaw niya ito sa sikretong silid ay wala naman itong kalaman-laman. Bigla naman akong itinulak ng ginang dahilan para sumubsub ako. Ramdam ko na nagkasugat o gasgas ako sa pagkasubsob. Tinignan ko siya ng may mga galit na mata. Bigla namang may sumulpot na isang tao mula sa kanyang kanan. Hindi ko matitiyak kung ano ang kasarian niya pero alam kong isa siyang tao. Hindi ko rin makita ang kanyang identity dahil naka-mask ito. Ang maskara niya ay yung puno ng mga music notes, nakasuot siya ng jacket na color black at nakahood pa para matakpan ang buhok at naka-white na pants at shoes naman siya. May inabot naman ang ginang. Ang inabot niya ay isang briefcase na may transparent na cover. Laman ng briefcase ang napakaraming salapi. Tinanggap naman ito ng ginang at itinuro ako. “Ikaw na ang bahala sa mamamatay tao na yan!” Sabi ng ginang. Mamamatay tao?! Ako?! Anong pinagsasabi niya? Naguguluhan ako. Naglakad paalis ang ginang at naglakad naman palapit ang nakakapagtakang nilalang. Isinara niya ang pintuan at binuksan ang ilaw. Nilibot ko ang aking tingin at tumambad sa akin ang napaka-rami kong posters ngunit may mga ekis ito at may mga nakasulat na mura sa mismong mukha ko. Hindi lang iyon kundi may mga kuting na nakasabit at sa kanilang collar ay may nakasabit na picture ko na binaboy. Feeling ko nabastos ako. Feeling ko maiiyak ako.

“S-sino ka?!” Tanong ko sa misteryosong nilalang na kasama ko sa kwarto. Tumalikod ito at kita mo sa likod ng jacket ang kanyang palayaw na “Goddess of death" . May kinuha siya mula sa kanyang bulsa, isang voice recorder. Kinalaunan ay iplinay niya ang voice recorder.

“Ang galing-galing ko talaga! Isipin mo, nakaya kong manipulatin sila! Nakaya kong ipalabas na ikaw ang nagsaksak sa anak niya. Pero ang totoo naman ay ako ang sumaksak kagabi.” Sabi niya at tumawa. Walang hiya. “Planado ang lahat ng ito, Alex. Kung hindi ka kasi masyadong naging curious ay hindi ko sana maiplaplano ito. Alam kong hindi ka matatahimik hangga’t hindi ka nakakahanap ng iyong sagot. Alam naman yata ng buong Pilipinas kung gaano ka ka-curious. Alam mo bang mahal ang pagkamatay mo? Binayaran ko pa ang mga pulis na wag muna mag-investigate dahil alam kong mag-kukusa ka. Nahanap mo ba ang ID ni Sylvina? Malamang dahil kung hindi ay hindi sana nakatali ang buhay mo. Kung hindi ka lang naman kasi ikaw sumingit-singit ay hindi ka mamatay.” Sabi pa nito. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magagalit dahil sa kanya. “Pero wala ng atrasan since bayad na ako. Get ready for your death.”

“Please maawa ka kung sino ka man.” Pakiusap ko. Pero hindi siya tumigil. Sa halip ay narinig ko pa ang kanyang mga masasamang tawa sa likod ng bastardong maskara. Habang siya ay naglalakad palapit, ako naman ay naglalakad paatras. Hangga’t sa hindi namalayan na na-corner na ako. Sinubukan kong sipain siya ngunit nasalo niya ang paa ko. Dahil nasa kamay niya ang paa ko ay naitwist niya ito. Nang pinakawalan niya ako ay napa-dapa na lamang ako sa sahig. Hinawakan niya ako sa kamay at ikinaladkad ng nakadapa. Namamanhid ako. Naninigas ako. 

*THIRD PERSON’S POV*

Hinablot ni Goddess of death ang leeg ni Alexandra at sinakal. Itinaas niya ito sa ere pero kinalaunan ay ibinato ito sa isang kahon na para bang manika lamang. Dahil maliit at seksi si Alexandra, idagdag mo pa ang pagkalaki ng box, nagkasya siya sa loob ng box. Isinara ito ng killer gamit ang masking tape. Hindi pa rin makagalaw-galaw si Alexandra dahil nauunahan ito ng takot at pati narin dahil sa sakit nitong nararamdaman.

Mula sa kanan ay kinuha ng killer ang isang balde ng gas at ibinuhos naman ito sa box. Kumuha pa ito ng papel at idinikit sa kahon.

“Here lies the girl on fire.”

Kinuha ng killer ang lighter nula sa bulsa nito at sinindihan ang kahon. Mabilis ito nag-alab dahil gawa ito sa papel at dahil na rin sa mantika. Sa kabilang kamay naman ay halatang nahihirapan na si Alexandra. Tumingala si Alexandra at para bang nahahapit sa hangin. Lumabas ang sari-saring sugat mula sa kanilang balat. Ngayon ay mistula na siyang naliligo sa sarili niyang dugo. Tumirik ang kaliwang mata ni Alexandra at nahulog ito. Nasusunog na rin ang kanyang balat. Ngayo’y nawalan na nang pag-asa si Alexandra. Alam niya na ito na ang kanyang huling hininga. Pero bago siya tuluyan mawala sa mundo ay nagsalita siya “Sabi na nga ba, ikaw talaga ang killer—“ Sabi ni Alexandra ngunit hindi na niya natapos dahil natuluyan na siya. Ang Alexandra na kaninang buhay ay abo na.

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Vote, Comment, Share and Support.

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon