THE 9 GODDESSES #11 - Malalim na kadiliman

3K 87 14
                                    

*THIRD PERSON’S POV*

Dinala sa ospital si Yeonnie habang ang natitirang apat na miyembro ng 9 GODDESSES ay nasa pulis. Panay ang tanong sa kanila ng mga pulis ngunit walang naisagot ang apat dahil sa trauma na dala at dahil wala rin naman silang alam. Hindi naman nahuli ang taong nasa likod ng mga putukan dahil mabilis ito nakatakas.

Sumakay ang apat na miyembro sa mini bus na pagmamay-ari ng kanilang music label. Ang byahe ay napuno ng katahimikan, takot at lungkot hindi tulad dati na maingay, magulo at masaya. Ang akala nilang byaheng papunta sa ospital ay napunta sa office ng music label nila. Bumaba sila ng mini bus at pina-diretso sa office ng CEO. Pagkapasok pa lang ng office ay ramdam na ang tensyon. Makikita mo ang CEO na gulong-gulo at dismayado. Mukhang alam na ata ng apat na miyembro ang kanilang pag-uusapan.

“I’m giving you your retirement fee at this end of the month. Sadly, we are gonna disband you guys. If you want to stay on this company then stay but if not, you can transfer other label or just live an ordinary life. Don’t worry, magdedebut naman kami ng bagong girl group by the end of the next month. You can stay but individually, no more groups, no more 9 GODDESSES.” Sabi ni CEO. Rinig mo mula sa kanyang boses ang dismaya at mukhang pinipilit lang ang kanyang sarili na sabihin ito.

“Pero ayaw pa namin mag-disband. We can manage it! We are 9 GODDESSES!” Sabi ni Jessica

Tumayo naman ang CEO. “HOW CAN YOU EVEN LIVE UP THE NAME 9 GODDESSES IF YOUR NOT ANYMORE NINE? HINDI LANG NAMAN KAYO ANG NAPEPERWISYO, ANG KUMPANYANG ITO AY NADUDUMIHAN DIN! HOW CAN YOU EVEN MANAGE IT KUNG DUMING-DUMI NA ANG MGA PANGALAN NIYO? ALAM KO NA ALAM NIYO KUNG GAANO KAHIRAP ANG IPUNDAR ANG SARILI SA MALAKING NEGOSYO AT AYOKONG MASIRA ANG LAHAT NG MGA PAGOD AT PAGHIHIRAP KO NG DAHIL SA INYO!” Sigaw ni CEO. Umupo naman siya at kumalma ng kahit kaunti lang. “I’m doing this also for you, gusto kong manahimik ulit ang inyong mga buhay. I want you also to have a normal life. The life before the spotlights and limelights.” Mahinahon na sabi ni CEO.

“Paano tatahimik ang mga buhay namin kung ito talaga ang buhay na ginusto namin?” Sabi ni Jessica. “This is the life we want. We want the luxury, money and fame. Just like your company, pinaghirapan namin ang sarili namin na matupad ang aming mga pangarap na makakanta at sayaw sa entablado, ayaw namin mapunta ang lahat ng pagod at hirap ng dahil lang sa isang pangyayari na hindi naman namin ginusto.” Sabi naman ni Jessica. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang lumuhod sa harap ni CEO. “Just give us one more chance and we’ll prove to you na hindi pa tuluyang sira ang 9 GODDESSES. Kahit hindi kami siyam, siyam pa rin kami. Hindi naman kami nawawalan ng mga tagasuporta, look behind that window and you’ll see our true loyal fans.” Sabi ni Jessica.

Tumayo naman ang CEO at tumingin sa kanyang bintana. Nadatnan niya ang entrance ng kanyang kumpanya ay kinukuyog ng mga 20-30 na tao  na may hawak na light stick ng 9 GODDESSES. Nakaputi silang lahat at may nakataling pink na bandana sa kanilang kanang braso. Sari-saring banner ang kanilang mga hawak pero iisa lang naman ang kanilang mga mensahe: wag mag-disband ang 9 GODDESSES.

Lumingon ang CEO kay Jessica ngunit laking gulat niya na lahat ng natitirang miyembro ng 9 GODDESSES ay nakaluhod sa kanya. Lahat sila ay pinipigilang umiyak at nakayuko ang mga ulo. Para bang nakaluhod sila sa diyos. Hindi naman nabigo ang 9 GODDESSES at nakunsensya ang CEO. “Oo na, oo na. Tumayo nga kayo and set down so I can give you the details.” Sabi ng CEO. Tumayo na ang apat at bumalik sa kanilang mga upuan. “So this is the new plan for you. Usually dati pa ito pero simula ngayon let’s make it effective.” Sabi ng CEO. Tumayo siya at pumunta sa kanyang file drawer. Binuksan niya ang nasa pinaka-taas at kumuha ng papel at saka bumalik sa kanyang upuan. “Magkakaroon ng sub-unit group ang 9 GODDESSES that will be consisting of three members.The members will be Yeonnie, Stephanie and Jessica. Ang dapat talaga ay si Alexandra but since wala na siya, si Jessica nalang. Yoona, you’ll focus on your dramas while Cinna, ikaw ay mag-vavariety shows. Once your promotions are done, you will have a comeback. A comeback with this song named mr mr which was especially written for 9 GODDESSES.” Sabi ni CEO at tumingin sa 9 GODDESSES. “Do you agree?” Tanong ni CEO at tumango naman sila.  

“Good, tatawagan ko lang si Manager Dee about sa ating napagdesisyunan.”

***

Gabi na nang mag-isang nasa kwarto si Yeonnie. Binisita siya ng kanyang mga ka-miyembro ngunit hindi naman sila nag-tagal at dumiretso sa burol ng kanilang apat na namayapang ka-miyembro. Gusto sana alisin ni Yeonnie ang mga nakaturok sa kanya, tumayo’t maglakad at sumama sa kanyang grupo ngunit kahit isang galaw niya lang ay sumasakit ang kanyang ulo.

Ito ang buhay na ayaw ni Yeonnie. Ang gusto niya ay gumagalaw siya. Ayaw niya ng hindi gumagalaw. Gusto sana kumanta ni Yeonnie kasi hindi rin siya makasalita ng maayos. Ayon sa mga doktor niya ay na-paralyzed siya which will take 2 days. Kaya para sa kanya ay impyerno ang lahat. Isang malaking impyerno ang nakahiga lang siya sa kama at gumigising lang para kumain.

Biglang bumukas ang kayang pintuan sa kwarto. Para sa kanya ay lalaog lumamig ang palagid nung oras na tumapak siya sa kanyang silid. Lumapit ito papunta kay Yeonnie. Nag-sitaasan naman ang mga balahibo ni Yeonnie. Hindi niya alam kung tumaas ba ito nang dahil ba sa takot o sa lamig ng kanyang paligid. Nilabas niya ang kanyang kamay mula sa kanyang likod. Mula sa kamay niya ay tumambad kay Yeonnie ang hawak niya na palakol. Hindi naman ito gaano kalakiha pero alam mo na maitatago mo ito sa typical na sukat ng isang Jansport na bag. Lumapit siya ng tuluyan at bumulong sa tenga ni Yeonnie. Ang sunod nalang nangyari ay binalot si Yeonnie ng isang malalim na kadiliman. Nandilim ang paningin ni Yeonnie.

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

LOL, as for now, iiwan ko kayong CLIFFHANGED! Ahahahahaha! Next update will be next week. Hindi ko sure pero ipagdasal niyo na hindi ako tamarin o ma-writer's block. Sorry for the short update.

Guys, magpapagames ako. I want you to have a guess kung sino ang next na mamamatay. Kung sino ang unang makahula, YOU'RE THE WINNER! Pag nahulaan niyo, I will dedicate you a chapter, I will use your name (pero pwedeng hindi sa inyo) at the suceeding chapters. I can also tell you the killer and ending kung ok lang sa inyo. Ahahahahaha.. (The winner will be PM-ed) 

Vote, Comment, Share and Support 

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon