EPILOGUE

3.2K 94 31
                                    

*UNKNOWN’S POV*

 


“Run Devil, Run Run, Devil Run Run
Run Devil Devil Run Run”

Matapos ko kantahin ang trademark song ng 9 GODDESSES ay pinalakpakan ako ng mga audience sa studio. Hawak-hawak nila ang lightstick ng 9 GODDESSES at sari-saring banner na iisa lang naman ang mensahe—mensaheng namimiss nila ang grupo.

“We miss 9 GODDESSES!”

 

“Bring back my 9 GODDESSES!”

 

“9 GODDESSES FOREVER!”

Napaka-plastik nila. Nung namumuhay pa ang 9 GODDESSES ay ultimong isumpa sila sa kamatayan. Kung kailan nawalan ng hininga kailan naibigay ang respeto na hinihingi nila nung nabubuhay pa. Ganito talaga ang mundo, napaka-plastik. Kahit sinong sikat ang mamatay—marami mang galit o kaunti—basta namatay, malulungkot ang buong mundo. Kung kailan namatay, kailan nirespeto. Oo, sinusumpa ko sila. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi mamamatay ang kapatid ko na si Ate Yeonnie.

Alas dose ng gabi ng namatay ang ate ko. May mga haters daw na nagpasabog ng lugar kung saan nag-shoshooting ang grupo ng aking kapatid. Naging maingay ang media. Sumabog sa buong bansa ang nangyari. Ang mga haters ay nagpost nang mga Rest in peace messages samantala nung mga buhay pa sila ay ultimong gusto na nila sila patayin ng buhay. Mga plastik, dinaig pa nila ang pinaka-retokadong tao sa mundo sa sobrang plastik nila.

“Thank you, Miss Zilla Gomez! Let’s give her a round of applause!” Sabi ng host na si Aira sa kanyang mga audience. Nag-bow naman ako sa kanila. Pag hindi naman kasi ako magbobow ay magagalit sila. Kasalukuyan akong guest dito sa patok na talkshow na Aira Television para sa 5th year death anniversary ng 9 GODDESSES. Limang taon na pala ang nakalipas nung namatay ang ate ko. Isang taon na pala ang nakalipas nung nawalan ako ng masasandalan. Nag-senyales ang direktor para sa isang commercial break. Nagpaalam naman si Aira sa mga televised viewers niya.

Nung commercial time na ay pumunta na akong backstage. Habang naglalakad ay unting-unti kong iaalis ang mga accesories na naka-kabit sa akin. Hindi ako sanay ng ganito para akong nasasaktan to be honest. Pumasok ako sa make-up room na naka-laan para sa akin. Thankfully ay wala namang tao kaya may privacy ako kahit papaano. Ni-lock ko ang pintuan at tinignan ko ang aking mukha. Chinita, May pagka-kulot at may matangos na ilong. Para nga raw kaming kambal ni ate pero mas matangos ang ilong ni ate at mas malaki ang mukha at bibig ko kaysa sa kanya. Tumingin ako sa lamesa at may nakitang isang bouquet ng mga pulang rosas. Kinuha ko ito at binasa ang letter na nakaloob.

“Good luck on your debut.”

Sabi sa letter. Wala mang nakasulat na pangalan pero penmanship pa lang ay kilala ko na kung sino siya. Ganito rin kaya si Kuya Cedric nung debut ni Ate Yeonnie? Binaba ko ang bulaklak at tumingan sa salamin. Napa-singap ako nung makita ang repleksyon sa salamin. Isang sunog na katawan pero siya ay humihinga. Ang kanyang mga kamay ay unaabot ako. Yung mga mata niya ay pamilyar... ang mga mata niya ay kapareho ni Ate Yeonnie!

Nakatingin lang siya ng diretsa sa akin. Biglang kumirap ang mga mata niya. Tumaas ang balahibo ko at nanlamig ang paligid. Hindi ko naiwasang tumili. Kinuha ko ang bulaklak at paulit-ulit na hinahampas sa kanya habang sinasabi sa kanya na lubayan ako. Narinig kong bumukas ang pintuan sa aking make-up room. Inawatan ako ng isang babae, personal assistant ko to be exact. Nahulog ko ang bulaklak at pinanuod kung paano ito nahulog sa sahig. Dahil sa aking ginawa ay natanggal ang mga petals ng rosas. Mabilis kong sinulyapan ang salamin at nakita ko ang aking sarili. N-nasaan na yung kanina?  

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon