Pakiramdam niya ay may tumititig sa kanya kaya kahit inaantok pa ay nagdilat siya ng mga mata.
"Good morning my wife " Pinilit niyang wag kumurap kahit halos maduling na siya ng mabungran ang mukha ng nag-iisang lalaki na halos panaginip niya simula high school hanggang ngayon.
Oh my! Hindi ba ko nanaginip? So , totoong kasal ako kay Wencell at katabi ko siya.
Gusto niyang magsisigaw pero pinigilan niya ang sarili. Kahit nga ang huminga ay hindi niya ginawa.
Morning breath ! Baka maamoy niya.
Mabilis niyang tinulak ang asawa na nakayakap sa kanya. Saka nagtatakbo papasok ng banyo , hindi niya tuloy napansin na sumunod ang asawa niya.
"Hon, may problema ba?" Nagulat pa siya ng makita ang reflection ng asawa sa salamin ng banyo habang nagtoothbrush siya.
Mabilis siyang nagmumog pagkatapos niya, saka ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Wencell.
Laglag ang panga niya ng makita ang half naked nitong katawan, nakaboxer lang ito .
Kung likuran masarap halik-halikan. Juice me ! Yunh harapan pati yung six packs niya mas masarap lantakan.
Pinilit niyang sumagot sa tanong nito dahil nakita niya na seryoso na naman ang mukha ng asawa niya.
"W-wala , baka kasi alam mo na maamoy mo yung bad B ko. Saka kumuha na ako ng bagong tootbrush diyan sa maliit na cabinet" Hindi niya maiwasan ang mabulol sa harapan ni Wencell.
"Hmm. So that was the reason .. I don't mind even you won't take a bath, as long as you were in my arms" Saka ito ngumiti, gusto naman halikan ni Eveory ang labi ng asawa.
Wag mo kong ngitian ng ganyan. Baka lapain ko yang kissable lips mo.
Pero mukhang nababasa ni Wencell ang nasa isip niya dahil inilang hakbang lang siya nito saka ikinawit nito ang isang kamay sa bewang niya saka inipit nito ang ilang hibla ng buhok niya nakatabing sa mukha niya.
"I like what you think."
Magsasalita pa sana siya pero napatikom siya ng biglang sunggaban siya ng halik ni Wencell. Napakapit na siya sa magkabilang balikat nito, ang isang kamay ni Wencell ay nasa batok niya saka mas hinigit siya nito.
Hindi niya alam kung gano sila katagal sa ganoong posisyon. Napadilat na lang siya na nakapatong na ang noo ni Wencell sa noo niya.
Isang matamis na ngiti muli ang lumitaw sa labi ni Wencell.
"But I like your lips more. Good Morning hon " Namumula siyang ngumiti dito.
"Good morning din, hon "
Hindi man malinaw para kay Eveory kung ano ang istado nila ni Wencell ay masaya siya.
Duh? Anong istado ang pinag-iisip ko. Mag-asawa kami , yun na yun.
Nasa kusina sila at balak sana niyang ipagluto ang asawa ng kanilang almusal. Kumuha siya ng hotdog,bacon at egg kaso ilang minuto na siyang nakatitig sa kawali at sa electric stove.
Ok , anong gagawin ko?
Pilit niyang inalala kung pano magprito, pero kalahating oras na siyang nakatayo roon at wala pa rin siyang nagagawa.
"Hon, I think, ako na lang siguro ang magluluto." Saka niya lang naalala ang asawa na kanina pa naghihintay .
Nilingon niya ito, at ngumiti ng pilit.
"Hindi ako na , kaya ko na to " Para siyang timang na binuksan ang electric stove saka nilagay ang mantika.
Kahit hindi niya alam ang ginagawa ay pinagpatuloy na niya.
Hindi ako pedeng mapahiya! Bakit ba kasi nagprisinta pa ko?
Tagaktak ang pawis niya habang pinagpapatuloy ang ginagawa, pinagdasal niya sana kasing dali lang ng pagiging manager niya ang ginagawa.
--
Isang oras na niyang tinititigan ang asawa habang busy ito sa pagluluto, o kung pagluluto nga bang matatawag ang ginagawa nito. Hindi niya maiwasan matawa sa nakikitang ginagawa nito,kahit kasi nakatalikod ito ay hindi naman makalagpas sa pang-amoy niya ang amoy sunog na niluluto nito.Gusto niya sanang tanungin ito kung kaya ba talaga nitong magluto pero pinigil na lang niya ang sarili dahil ayaw ni Wencell na masira ang araw nito ng dahil sa kanya.
"Ok! Suko na ko!" Napatayo siya ng makitang itinaas ni Eveory ang kamay saka pinatay ang electric stove.
"Hey, hon. Any problem?" Hinapit niya ito mula sa likuran at nakita niya ang nasa isang plato. Napalunok siya ng sunod-sunod, itim na hotdog, itim na bacon at scramble egg? Pero sunog.
Ok, hindi ko na dapat siya paglutuin sa susunod baka masunog niya ang buong kusina.
Hinarap siya ni Eveory saka yumakap ito sa kanya. Matinding pagpipigil ang ginawa niya ng makitang nakapout ang asawa habang nakatingin sa kanya.
"Sorry, hindi pala ako marunong magluto." Nagkandahaba-haba na ang nguso nito.
"Its ok, I can cook, just sit and relax. " Parang nagliwanag naman ang mata ni Eveory at hindi niya inasahan ang sunod na ginawa nito. Tumingkayad ito saka siya mabilis na hinalikan sa labi , mabilis lang iyon pero sapat na para bumilis rin ang tibok ng puso niya. Sandali siyang hindi nakahumanang , naramdaman na lang niya na humiwalay sa pagkakayakap niya si Eveory, umupo na ito sa upuan na inukupa niya kanina.
Mabilis ang naging kilos niya saka sinuot ang black na apron niya saka muling nagsalang ng kawali para sa mga lulutuin.
"Pwedeng ngumiti habang nagluluto, baka kasi masama ang loob mo at sumakit ang tyan ko pagkinain ko yan." Hindi siya napangiti dahil sa kaylangan niya kundi dahil sa sinabi ng asawa,kakaiba talaga si Eveory dahil madami itong paniniwala na talagang hindi niya alam kung kanino napupulot nito.
Mabilis lang niyang natapos ang pagluluto at nang ilapag niya sa dining ang almusal ay nakapaghanda na pala si Eveory ng mga kasangkapan .
"Ayos, buti at marunong kang magluto. " Napatigil siya sa pagsubo , tinignan niya si Eveory .
"Why?"
"Kasi kung hindi ka marunong magluto, maghahanap na lang ako ng iba. " Napahigpit ang hawak niya sa kutsara, halata naman nagbibiro lang si Eveory at alam niya na ang ibig sabihin lang nito sa maghahanap ng ibang, magluluto ay iba pa rin ang dating sa pandinig niya. Para bang sinabi nitong maghahanap ito ng ibang asawa .
Pero maisip niya pa lang na ipagpapalit siya ni Eveory sa iba ay para bang gusto na niyang manapak.
"Hon, hoy? Kumain ka na , para ka naman may kaaway. Ngumiti ka nga " Tinitigan niya ang asawa saka tinignan ang pagsawsaw nito ng hotdog sa ketchup, kesa sundin ang sinabi ni Eveory ay tumayo siya saka tinigkayad ang kaharap at hinawakan ito sa batok. Halata ang gulat sa mukha ng asawa niya pero hindi siya doon natatapos, inilapit niya ang ulo nito sa kanya saka hinalikan ito.
Hmm, lasang ketchup..
BINABASA MO ANG
My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)
ChickLitEveory Erion, isang babaeng naniniwala sa prince at fairy godmother. Kaya nga para sa kanya ang first crush na si Wencell Favillion, ang nag-iisang prinsipe niya pero alam niyang hindi siya mamapansin nito dahil bukod sa hindi niya kayang lapitan an...