Home

3.7K 110 1
                                    

Matapos ang halikan breakfast nila ni Wencell, ay naggayak silang dalawa dahil may ipapakita raw ito sa kanya kung ano ay hindi niya pa alam sa ngayon.

Buong biyahe lang siyang nakatitig sa gwapong asawa habang nagmamaneho ito.

"Kung ice cream ako siguro tunaw na ko." Medyo nagulat pa siya ng lingunin siya ng asawa, pero kesa mahiya ay iba ang nasabi niya kay Wencell.

"Kung ice cream ka, malamang nilantakan na kita." Halos manlaki ang mata niya ng rumihistro sa kanya ang sinabi niya.

Halos umakyat lahat ng dugo niya sa mukha ng marinig ang paghalakhak ng asawa.

"Naughty wife, I can wait you to eat me." Saka muli itong tumawa, nahihiya man ay hindi naman niya mapigilan ang mapangiti dahil ang asawa niya na ni hindi niya nakikitang ngumiti noon. Eto at nakikipagtawanan sa kanya.

Sana palagi siyang ganyan para naman laging kumpleto ang araw ko.

"Alam mo baka gutom lang yan." Biro niya dito,tinapunan siya ng tingin nito saka ibinalik ang paningin sa harapan.

"Do you think?" Nakangiting ito pero deretso pa rin ang tingin.

"Uhm-uhm." Tatlong tango ang ibinigay niya kahit hindi naman siya nakikita ng asawa.

"So, makatao ba kung ikaw na lang ang kainin ko?" Siya naman ngayon ang napahalakhak.

I can't believe it. Ang corny niyang magjoke.

"Joke ba yun? Ang corny." Sabi niya saka pinalo ito ng mahina sa braso.

"Hey, I'm not joking. I really want to eat you. Well, not literally but in romantic way." Alam niyang namula na naman ang mukha niya,dahil sa sinabi ni Wencell pero pinilit niyang ikalma ang nagwawalang puso, lalo na ng lingunin siya nito saka ngumisi ng nakakaloko.

"Magdrive ka na nga lang." Itinulak niya ang mukha nito para humarap sa daan.

Mabilis naman kinuha ni Wencell ang kamay niya saka ito hinawakan ng mahigpit. Hawak nito ng isang kamay nito ang manibela habang ang isa ay nakahawak sa isang kamay niya.

Kinikilig siya kaya hindi na lang niya tinignan ang asawa, bagkus in-enjoy na lang niya ang paghawak ng malambot na kamay nito sa kanya. Buong biyahe hawak nito ang kamay niya, kaya kahit nakatingin siya sa bintana. Ang atensyon naman ay nasa mga kamay nila dahil kahit hindi niya aminin ay komportable siya sa pagkakahawak sa kanya ng asawa.

"Ok, we're here." Napatingin siya sa hinintuan nito,mabilis na bumababa ito saka siya pinagbuksan.

Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na pinagbuksan ng kanyang prinsepe.

"So, what do you think?" Nakatayo sila sa isang malaking bahay at may dalawang palapag ito.

Pinagmasdan niya ang pinasukan nilang gate, mataas ito na 10 ft pati ang buong bakod ay ganon din kataas, kulay brown and white ang gate. Pagpasok nila ay natuwa siya ng makita ang bakuran, may bermuda grass ang paligid, at may marmol kung saan patungo iyon sa pinto.

"Maganda. " Yan lang ang nasabi niya ng makita ang paligid , maganda naman talaga ang bakuran pati ang bahay ay napaka-moderno kung titignan pa lang sa labas.

"Really? Come lets get inside." Hindi pa siya nakakahumang sa kagandahan sa labas ay parang gustong malaglag ng mga mata niya dahil sa pagkamangha sa loob ng bahay.

"Ang ganda . Teka, kanino ba bahay to?" Nilingon niya ang asawa, saka lang niya napansin na sakanya pala nakatitig ang asawa.

"This house for us. " Hinapit siya nito sa bewang saka iginala nito ang mata sa buong kabahayan.

"Ha? Bahay natin? Pano yung bachelor pad mo?" Takang tanong niya rito.

"Hmm, hindi tayo pede ron. Specially, kapag may anak na tayo. Hindi safe sa mga anak natin ang ganong lugar. " Halos makalimutan na niyang huminga ng marinig ang sinabi nito.

Anak natin. Hindi siya makapaniwala na ganon kabilis nito natanggap ang kalagayan nila. Although, kahit naman siya ay tanggap na iyon, ay iba pa rin pala sa pakiramdam niya ang marinig sa sariling asawa ang mga katagang yun.

Parang gustong magtatalon ng puso niya dahil sa galak dahil sa sinabi ni Wencell.

Gosh! Ang saya ko! Sobrang saya ko.

Hindi niya napigila ang sarili at niyakap ito, sumalambitin pa siya dito kaya.

"Hey, baka matumba tayo." Nangingiting sabi ni Wencell.

"Thank you. I'm very happy" Nginitian niya ito habang hindi naman maialis ang mga mata niya sa mata ng asawa.

"Your welcome, as long as I made you happy princess." Saka muli ay ginawaran siya nito ng halik. Mabilis lang pero sapat na para magpalambot sa kanyang tuhod.

Inilibot siya ni Wencell sa buong kabahayan. Sa babang bahagi ng bahay ay ang sala kung saan may nakalagay na tv at L-shape na sofa, ang kusina at dining table ay pinaghiwalay naman ng isang stool kung saan may dalawang silver circle chair may connection door naman sa kusina para sa laundry. Ang dining table naman ay pangwaluhang tao,may garden rin ang bahay sa bandang likuran kung saan din nakalagay ang liver shape na pool. Nasa ibabang bahagi rin ang maids room, sa itaas naman ay may anim na kuwarto, master bedroom, guest room, at ang natitirang apat ay para daw sa magiging anak nila.

"So, kelan mo gustong lumipat? " Nasa master bedroom sila. Kasalukuyan siyang nasa beranda ng kuwarto nila habang tinitignan ang magandang tanawin sa ibaba, kung hindi siya nagkakamali ay nasa mataas na bahagi sila dahil mula doon ay tanaw niya ang ilang mga puno at mga gusali.

"Next week. Ano sa tingin mo?" Nilingon niya ang asawa niya na nasa kanan.

"Sure." Pumunta ito sa likuran niya saka ipinalupot nito ang mga kamay sa bewang niya. Hindi niya mapigilan ang mapaigtad ng maramdaman ang mabining halik nito sa leeg niya.

Napaurong siya saka humarap dito, hindi niya alam kung kakabahan ba siya o matutuwa sa nakikitang eksprsyon ng asawa, para bang may nais itong gawin na hindi alam kung dapat nitong ituloy o hindi.

"Hmm. Can I kiss you?" Sa huli mas napili niya ang matawa.

"Nagtanong ka pa palagi mo naman akong hinahalikan." Ngumiti siya ng pilya.

"But can I--" Siya na mismo ang pumutol sa sinasabi ng asawa.

Ang daming satsat . Excited na kaya ako.

Hinalikan niya ito ng mariin, gumanti naman ito. Ilang sandali lang ay kapwa na sila nasa loob ng kuwarto at kahit bukas ang aircon ay hindi mawala ang init sa kanilang katawan.

Hindi na nila inalintana ang mga iniisip, mas nanaig sa kanilang dalawa ang isang damdamin na kahit anong pilit nilang itago ay hindi nila magawa at sa katanghaliang tapat , ang isa't-isa ang ginawa nilang tanghalian pero kagaya nga ng sinabi ni Wencell.

In romantic way.

My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon