Positive

3.4K 106 1
                                    

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng magpakasal sila ni Wencell at tatlong buwan na rin siyang hindi pumapasok sa Erion's Jewelry shop na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.

"Are you sure you're fine with it?" Nilingon siya sandali ni Wencell na kasalukuyan na nagdra-drive papunta sa main branch ng Erion's Jewelry shop. Noon akala niya ay isa sila sa pinakamayaman sa Pilipinas dahil hindi lamang isa kundi tatlo ang branch nila sa buong Pilipinas pero ngayon ay hindi niya lubos na maisip na ni wala pa ata sa kalahati ng yaman ng mga magulang ang kayamanan ng sariling asawa.

"Its ok with me. Basta ako ang susundo sayo mamaya ." Napapuntung-hininga sa kaseryosohan ng asawa. Ilang araw kasi matapos niyang maisip na bumalik sa trabaho ay halata na agad ang pagtutol nito sa desisyon niya, pero sa huli ay pumayag din si Wencell basta ito ang maghahatid at magsusundo sa kanya. Wala namang kaso sa kanya pabor nga sa kanya iyon, kaso iniisip niya na isang oras din ang ibabayahe nito para pumunta sa company nito.

"I know. As if you take my no as an answer." Nakita niya na ngumiti na ito.

"Good, at least , you know it." Ngumiti na rin siya. Ilang sandali lang ay nasa parking lot na sila ng Erion's Jewelry Shop.

Tinanggal na niya ang seatbealt niya. Nilingon niya muna si Wencell na pinatay ang makina ng sasakyan.

"Tawagan mo ko kapagnasa office ka na. Sige mauna na ko." Bubuksan na niya sana ang pinto ng passenger seat ng maramdaman niyang hawakan ni Wencell ang batok niya at sa isang iglap lang ay magkahumang na ang kanilang mga labi, dahil sa halik nito ay nakalimutan niya ang pagmamadali at napahawak sa magkabilang balikat nito.

Hindi niya alam kung bakit sa tuwing maghihinang ang mga labi nila ay para siyang tinatangay nito sa ibang lugar na kung saan ay sila lamang dalawa ang nandoon.

"Bad wife, you will leave me without goodbye kiss?" Hindi niya napansin na nakangisi na pala ito kaya naman halos umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha niya.

"Sorry."

"I'll forgive you, pero ihahatid kita hanggang sa office ni papa." Hindi na siya nakapalag ng bumababa ito at ipagbukas siya nito ng pinto.

"Come, your already late." Inalalayan pa siya nito para makababa. Pagkababang pagkababa niya ay napahawak siya ng mahigpit sa kamay ni Wencell, bigla kasing sumakit ang ulo niya.

"Hon, anong problema?" Pinilit niyang wag ipahalata ang nararamdamang pagkahilo.

"Wala lang, medyo nabigla lang siguro ako sa pagbaba ." Pero kita niya pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Wencell.

"Are you sure? We can back home if you want. " Pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo ay mas nahihilo siya.

"No , ok lang ako." Humakbang siya para ipakitang ok lang siya pero nakakaisang hakbang pa lamang siya ay gumewang na agad siya,buti na lang at maagap si Wencell. Agad siya nitong hinigit sa niyakap bago pa siya mabuwal.

"Namumutla ka ,gad! I told you. Your not fine . We should go -- hey! Hon--" Hindi na narinig ni Eveory ang iba pang sinabi ni Wencell dahil bigla na lamang nagblangko ang lahat.

Napadilat siya na puting kisame ang una niyang nabungaran. Iginaya niya ang paningin saka niya lang na-realize na nasa ospital pala siya. Hinanap ng mga mata niya si Wencell dahil ang huli niyang naalala ay kasama niya ito. Sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa si Wencell noon.

Nagtataka siya dahil may ngiti ito sa mga labi.

Ngek? Bakit nakangiti siya diba dapat nag-aalala siya kasi nasa ospital kami.

"Hon, kamusta ang pakiramdam mo?" Hinalikan siya nito sa noo , pinilit niyang umupo at tinulungan naman siya ni Wencell.

"Ok na, medyo hindi na masakit ang ulo ko. "

"Good, I talk to your doktor and she said.." Halatang ibinitin nito ang sasabihin.

"She said , what?" Kunot-noo na siya dahil nahihiwagaan siya sa ngiti ng asawa.

"She said your 10 weeks and 2 days pregnant. We are going to be a parent . " Nagulat siya sa sinabi ni Wencell , halata ang kasiyahan nito sa mukha pero siya ay pinoproseso pa rin sa utak ang narinig.

Teka , ano raw?

"Hon, your pregnant. Are not you happy? I'm going to be a dad ." Pero hindi pa rin niya pinsin ang sinabi ni Wencell.

Gad! Buntis ako ? Ako? Buntis.

Hindi maintindihan ni Eveory kung ano ang dapat niyang madama. Buntis siya at 10 weeks na , hindi niya alam kung ano ang dapat maging reaksyon niya.

Gosh! Masaya ba ko o ano? Kulang ata ang salitang masaya! I'm going to be a mother at si Wencell ang ama.

Tulala pa rin siya kaya naman nagsimula ng kabahan si Wencell sa reaksyon ni Eveory. Paano kung hindi pala agad nito gustong magkaanak at ngayon nandito na paano kung magalit ito sa kanya, and worst baka hindi nito matanggap ang pagbubuntis. Baka iyon ba ang maging dahilan ng pag-aaway nila at mauwi sa hindi magandang sitwasyon ang kasal.

No, hindi pepede. She needs to accept it. She can't say no to my baby.

"Hon, hey, aren't you happy? Don't you like it?" Dun lamang parang bumalik ang diwa ni Eveory sa asawa. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito pero nagulat ito ng bigla niyang yakapin si Wencell .

"Wencell, magiging mommy na ko! Magkakababy na tayo, gad! Ang saya ko. Magiging masayang pamilya na tayo. " Hindi niya matago ang saya na nararamdaman dahil sa balitang natanngap. Nakahinga naman ng maayos si Wencell ng makita ang saya sa mukha niya.

"Yes, we're going to be a happy family." Hinawakan pa ni Wencell ang magkabilang pisngi niya para magtama ang mga mata nila.

Ngumiti siya sa asawa saka niyakap ito muli, gumanti naman ng yakap si Wencell sa kanya.

"Thank you Eve, you make me feel happy. I promise that no one can separate us, even in the end of our lifes. Hindi ko hahayaan na mawala pa kayo ng magiging anak natin sa buhay ko. Mamahalin ko kayong dalawa ng walang humpay. " Seryosong sabi ji Wencell. Hindi naman maiwasan ni Eveory na kiligin sa sinabi ng asawa niya.

Napakabuti ko sigurong tao sa nakaraan ko kaya binigyan ako ng asawang mapagmahal.

"Promise?" Paniniyak niya.

"Promise" Saka siya ginawaran ng isang halik ni Wencell, halik na punong-puno ng pagmamahal at pangako.

My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon