Pagkalipas nga ng isang linggo ay lumipat na sila ni Wencell. Kung iisipin ay damit lang naman ni Wencell ang dinala nila sa kanilang bagong bahay dahil ang mga damit niyaay pinauna na doon ni Wencell ng gabi ng kasal nila.
Halata naman sa mukha ni Eveory ang sobrang kaligayahan dahil talagang naranasan niya ang hindi matawarang kaligayahan. Simula ng araw na iyon, ay halos araw at gabi silang nasa kuwarto ni Wencell, kundi pa siguro ito tinawagan ng secretary nito ay baka hindi na ito umalis sa tabi niya.
"Hoy, blooming ka te. Anong balita? Nakagawa na ba ng junior?" Natawa naman siya sa kaibigan na si Judie, sa kanilang magkakaibigan ito talaga ang palingkera kahit sino ang kaharap.
"Shh, bibig mo nga Judie, baka mamaya marinig ka ni Wencell. Baka akalain nun gusto pa natin makisawsaw sa sex life nilang mag-asawa." Napangiwi naman siya sa sinabi ni Regine, maganda na sana ang pagbabawal nito sa kaibigan pero dinagdagan pa ng komento.
"Tsk, wag ka nga Regine. Hindi naman ikaw ang tinatanong ko . So ano na Eve? Anong feeling? Masarap ba?" Binatukan niya ang kaibigan dahil sa kalokohang sinasabi.
"Aray ,bakit may batok?" Nakangusong tanong ni Judie.
"Baliw ka kasi." Mataray na sagot ni Regine.
"Bakit kasi hindi ka mag-asawa ng malaman mo kung anong feeling." Natawa lang ito sa sinabi niya.
"A-a-a, hindi sa ngayon. Busy pa ko malay niyo . Next year kasal na ko. " Sabay hagakpak ng tawa, napailing na lang siya pati na rin si Regine. Sa kanilang tatlo kasi ito ang masasabi mong suntok sa buwan kung magseseryoso sa isang relasyon pero alam naman nila na kapag-inuungutan na ito ng sex ng jowa nito ay nakikipagbreak agad ito.
"Ewan ko sayo . " Pinapunta niya ang mga kaibigan para sa pag-aayos at paglilipat ng ilang kasangkapan sa bahay. Although, kumpleto na ang lahat ay gusto niya pa rin iayos ang ilang gamit. Hindi naman tumutol si Wencell sa ginawa nila, umakyat lang ito para maligo dahil katatapos lang nilang maglipat ng ilang kagamitan.
Kaya ngayon ay nasa kusina sila , at nilalantakan ng dalawa niyang kaibigan ang sandwich na gawa niya.
"So, ok lang ba kayo?" Parang mga robot na automatic na sabay-sabay silang lumingon na tatlo. Napasinghap naman siya ng makita ang itsura ng asawa ,naka-suot ito ng V-neck na t-shirt at isang maong.
"Ang swerte mo naman Eveory, ang gwapo na ang yum--hmm." Hindi na pinatapos ni Regine sa pagsasalita si Judie dahil biglang sinalpakan ni Regine si Judie ng sandwich. Natatawa naman siyang inabutan ng juice ang nabulunan na kaibigan.
"Ok lang kami . " Nakangiting sagot niya sa asawa. Nakanot-noo itong nakatingin sa kanila, marahil ay nagtaka sa ikinikilos nilang tatlo.
Naku, sabi ko na nga ba dapat bumili na talaga ako ng oxygen tank .
Lumapit ito sa pwesto niya saka siya hinapit sa bewang at saka siya ginawaran ng mabilis na halik. Kung siya ay tahimik na kinikilig kahit namumula, pwes ang dalawa ay parang natilihan sa nakita.
"So, any plan today?" Hindi siya makapaniwala na napaka-friendly ng asawa sa harap ng mga kaibigan niya. Noon kasing nasa high school siya ay hindi niya nakitang nakipag-usap ito ng ganon sa kahit sino.
Nagkatinginan naman ang dalawa para bang nag-uusap sa mata, saka sila hinarap.
"I have to go, madami pala akong naiwang trabaho sa parlor." Tumayo ito bago tinignan si Judie ng makahulugan.
"Ohh, I forgot, I need to go too. Kasi susunduin ko pa yung ka forever ko." Pagkatapos makipagbeso-beso sa kanya ng dalawa ay tinignan naman nito ang asawa niya.
Hinatid na nilang mag-asawa ang dalawa hanggang sa gate.
"Sige Wencell, we need to go. Thank you miryenda" Saka hinaltak na paaalis si Judie.
"Byebush , papalicious ni Eveory. " Natawa siya sa pahabol ni Judie bago ito sumakay sa kotse ni Regine.
Wala na sa paningin nila ang kotse ni Regine ng magsalita si Wencell.
"You have a lovely friends." Napangiti naman siya sa sinabi ni Wencell. Ginagap nito ang kamay niya saka sila magka-holding hand while walking at pa-swing-swing pa na pumasok sa loob ng bahay nila.
"Hmm, yes and I'm lucky to have them. " Nakangiting sagot niya ng makabalik na sila sa kusina.
Niligpit niya na ang pinagkainan ng mga kaibigan at kasalukuyan siyang nasa sink ng maramdaman niya ang pagyapos ni Wencell mula sa likura niya.
Nakikiliti siya ng amoy-amoyin at halikan nito ang likod ng ulo niya.
"Hmm. How about me? What am I to you." Bulong nito na nagpalambot sa kanyang tuhod ng maramdaman ang paghalik nito sa ibabang bahagi ng tenga niya.
"You.. you are a blessing in my life." Iniharap siya ni Wencell at sa pagtatama ng mata nila ay nakita niya ang kasiyahan sa mga mata nito.
"And you. . You are my world." Nakiliti siya ng halikan nito ang ilong niya.
Aminin man niya o hindi ay sobrang kinikilig siya sa pagiging sweet ng asawa niya, dahil sino ba ang mag-aakala na ang isang 'Wencell Favillion' ay ibang-iba pala sa nakikita niyang ugali nito kapag may ibang tao. Ang akala niya masungit at supladong aura nito ay sweet at caring palang tao.
Kahit hindi iyon ang salitang inaasahan sa asawa ay masaya na siya dahil para kay Eveory ang katumbas ng 'You are my world' na sinabi ni Wencell ay katumbas ng 'I love you' para sa kanya.
Saka malakas ang paniniwala ni Eveory na sa istado nila ngayon pasasaan pa at kagaya niya ay ma-i-in-love si Wencell sa kanya.
Niyakap niya ito saka isinubsob ang ulo niya sa matigas na dibdib ni Wencell.
I can't stop falling in love with you, Wencell Favillion.
BINABASA MO ANG
My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)
ChickLitEveory Erion, isang babaeng naniniwala sa prince at fairy godmother. Kaya nga para sa kanya ang first crush na si Wencell Favillion, ang nag-iisang prinsipe niya pero alam niyang hindi siya mamapansin nito dahil bukod sa hindi niya kayang lapitan an...