Best of Friends

4.6K 130 4
                                    

Napatakip na lang siya ng tenga ng tumili ang kaibigan na si Judie , gusto niyang tanggalin ang ngala-ngala ng kaibigan dahil sa kanina pa ito tili ng tili.

"Oh my gosh! Talaga? Nagkiss kayo ? Tapos sa harap ng madaming tao? Eveory,hindi ko akalain na aggressive type ka pala " Namula naman siya sa sinabi ni Judie kaya binato niya ito ng unan na nakuha niya sa couch nito. Mabilis naman itong umilag kaya ang natamaan ay si Regine, na nakaupo sa isang single couch na kaharap nila habang busy sa pagtingin sa isang magazine.

"Opps , sorry " Nagpeace sign pa siya dito ng tignan siya ng masama.

"Itigil mo na nga yan Regine. Halika at iinterogate natin itong kaibigan natin. Saka hindi ka ba excited ikakasal siya. " Napaayos naman ang upo si Regine at tinignan siya ng matalim.

Ok , parang mas gusto kong kausap si Judie kesa kay Regine.

"Teka nga, bakit ba nakasibangot ka may dalaw ka ba?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Wala! Naiinis lang ako. Kasi tignan mo, tong magazine kahit anong hanap ko wala akong makitang pedeng ibutas sa asawa mo." Nagkatinginan naman sila ni Judie at sabay natawa kaya napasibangot lalo si Regine.

"Naku, Regine tigilan mo nga yan. Suportahan mo na lang si Eveory, alam mo naman na long time crush niya si Wencell kaya kahit anong butas ang gawin mo. No uses, kasi ang laki na ng butas na nagawa ni Wencell sa puso nito." Natawa naman siya sa tinuran ni Judie. Tama naman ito, malaki na talaga ang parte ng puso niya ang nasakop ni Wencell lalo na ngayon na ikakasal pa silang dalawa. Nagkulitan lang silang tatlong sa loob ng apartment ni Judie at Regine, hanggang sa dumako sila kung kailan ang kasal.

"Next month." Tipid na sagot niya.

"What/ Ano?" Halos matawa siya sa pagduduet ng dalawang kaibigan.

"Oo, tama ang dinig niyo. Next month." Nakita niya ang lungkot sa mga mata ng kaibigan.

"Andaya! Bakit ang bilis? " Nakasibangot na tanong ni Judie.

"Ewan, pero ok na rin naman sakin "

"Oo, ok sayo kasi naman dream come true na yan. Ang gwapo na yummy pa. " Sabay-sabay silang natawa sa sinabi ni Regine.

"Sige, basta dapat magkabridal shower tayo !" Sabi ni Judie na sinang-ayunan naman ni Regine.

Oh no! .

Umiling-iling siya dahil sa pilyang ngiti ni Judie at Regine.

"Oh, yes!"
Sabay pa ng dalawa.
---
"So sino ang malas na bride mo?" Sabay na nagtawanan ang mga kaibigan niya sa tanong ni Johnson. Hindi na lang siya sumagot pero lihim siyang napapailing ng maalala ang nangyari kanina sa lunch meeting.

"Mukhang tinamaan ka Wencell, look napapailing-iling ka pa diyan. Don't tell me love at first sight yan? "  Nag-'wow' pa ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi ni Davie. Isang ngiti lang ang isinagot niya saka ininom ang beer in can . Nasa bachelor's pad sila ni Rusvil, dito siya dumiretso matapos ang nakakatawang scene na nangyari sa kanila ni Eveory.

"Mga bro, hindi love at first sign yun. Kasi alam panigurado noon pa lang may gusto na si Wencell kay Eveory. Remember her? Yung babaeng nababalita noong high school tayo na may gusto kay Wencell. " Sabat naman ni Rusvil saka sumubo ng mani na pulutan nila.

"Yun ba? Yung babaeng na freshman palang pero ang lakas ng dating." Pabirong sabi ni Davie, pero kahit biro lang ay medyo nakaramdam ng inis si Wencell sa sinabi nito.

"Did you like my fiance? " May pagbabanta na bumalatay sa sinabi ni Wencell, kaya naman napataas kamay agad si Davie.

"Oh men, hindi , maybe before  . Pero ngayon , men hearing you threaten me. I think you like her. Your possessive " Napangiti naman siya sa tinuran ng kaibigan saka napailing ulit ng maalala ang mukha ni Eveory habang nakangiti ito sa kanya.

"Ok! Lets cheers . " Saka sabay-sabay nilang pinag-untog ang nguso ng mga beer in can nila.

"Ok, dahil next month na ang kasal. We should have a stag party . What do you think men?" Tanong ni Davie, napailing-iling na lang siya sa suwistyo ng pinakabata sa kanilang grupo.

"As if, I have a choice. " Saka malakas na 'wow' ang narinig niya.
---
Mismong gabi rin yun ay nagpunta si Eveory, Judie at Regine sa isang bar, pero ang bar na tinungo nila ay isang exclusive bar kung saan talaga may private room para sa mga gustong makaranas ng tinatawag na 'ONE NIGHT, BIG NIGHT' .

Hindi naman mapakali si Eveory sa upuan niya dahil sa sobrang kaba. Hindi naman niya kasi akalain na agad-agad pala ang bridal shower niya, mautak talaga ang kaibigang si Judie dahil sandali lang ito may tinawagan, and viola, may reserved na agad sila.

"Hoy, Eveory, wag ka ngang ma-tense dyan. Don't worry , hindi ka naman gagahasain ng mga yun. Well, maliban na lang paggusto mo" Napahagikhik pa ng tawa si Judie, pinalo niya na lang ito sa balikat.

"Ikaw talaga, nakitang pinagpapawisan na nga ang kili-kili ko tapos niloloko mo pa ko." Uminom muna siya ng wine na nasa harapan niya. Hindi na niya nga alam kung ilang shots na ang naiinom niya, saka niya sinalinan ulit ang baso niya.

"Teka, baka naman lasing ka na bago pa dumating yung mga dancer. Hinay-hinay ka nga, kalma . Hindi ka makikita dito nung future husband mo no. " Si Regine ang nagsalita, tama naman ito, hindi naman talaga sila makikita doon ni Wencell, pero hindi niya maintindihan kung bakit ninenerbyos pa rin siya.

Dapat nga maging masaya ka. Hello, bridal shower mo kaya to. Means , bilang na lang ang araw ng pagiging dalaga mo.

Pero kahit anong kumbinsi niya ay kinakabahan pa rin siya. Kaya ininom niya muli ang wine na nilagay sa kanyang baso.

May kumatok sa pinto ng private room nila.

"Ayan na siguro. Wait" Mabilis na tumayo si Judie para pagbuksan ang kumatok. Habang siya at si Regine ay busy sa pag-aalis sa kama ng mga wine at foods na nagkalat.

"G-guys" Sabay silang napalingon kay Judie at nakita niya ang takot sa mukha nito. Napakunot-noo lang siya at ganon din si Regine.

"Asan na?" Nagtatakang tanong niya habang siya ay nakaramdam na naman ng kaba.

Hindi sumagot si Judie, bagkus ay may mga lalaking pumasok sa kuwarto at binilang niya pa isa-isa, apat na lalaki ang nakatayo sa harapan ng kama.

Hindi niya inaasahan na madami palang dancer ang kinuha ni Judie pero ng tignan niya ang mga mukha ng mga ito ay napasinghap siya.

Ang gwa-gwapo ng mga lalaki parang mga modelo kahit ang mga suot ay casual lang , maong at t-shirt.

Sayang ang gwa-gwapo tapos mga macho dancer lang.

Pero napako ang tingin niya sa pinakadulo sa kaliwa, dahil may kamukha ito. Pinakatitigan niya ang lalaki na ngayon ay seryoso lang ang tingin sa kanya.

Gosh! Kamukha ni Wencell.

Inisip niya na malakas na ang tama ng wine kaya nakikita niya ang mukha ng mapapangasaw.

"So ano na? Sasayaw ba kayo?" Takang tanong niya ng makitang nakatayo lang ang apat, pero halos mapalunok siya ng sunod-sunod ng magsalita ang lalaking kanina niya pa tinititigan.

"No, but you will come with me"

And right there, nawala ang ispirito ng alak sa kanya dahil confirm! Si WENCELL nga.

Oh no!!

My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon