Matapos ang makalaglag pusong eksena sa bar na iyon. Malaking pasasalamat na rin ni Eveory na hindi nagalit sa kanya si Wencell pero para naman siyang batang hinatak nito. Kasunod nila ang mga barkada nito at ang dalawa niyang baliw na kaibigan.
"Teka, saan tayo pupunta?" Nakasakay na sila sa kotse ni Wencell, ni hindi na nga siya nakapagpaalam kila Judie.
"Iuuwi na kita " Napasibangot naman siya sa sinabi ni Wencell.
Sabi ko na nga ba. May mangyayaring hindi maganda.
Tahimik lang siya habang nasa biyahe ng marinig ang pagtunog ng cellphone niya.
Judie's calling..
"Hello" Pabulong siyang sumagot, saka naman siya napatingin kay Wencell. Nakakunot-noo ito kahit na nakatingin sa harapan.
Sayang ang gwapo naman . Napakaseryoso naman.
Dumikit siya sa may bintana ng passenger seat, mukha kasing ayaw nito sa maingay na usapan.
Mabunganga pa naman siya at ang mga kaibigan kapagnag-uusap, na akala mo ay sila ang may ari ng buong lugar kapagnag-uusap.
"Whaaaaa ! My gosh! Eve, asaan ka na? Kasama mo ba yung papang yummy ? Kanina gosh! Nagpakilala siyang si Wencell, siya daw yung fiance mo. Totoo ba? Ha? My gosh! Ang gwaaapoo--"
Napangiwi siyang inilayo ang cellphone niya sa tenga at mangani-ngani niyang dukutin ang kaibigan para ilabas sa cellphone at bigyan ng kutos. Ilalapit pa lang niya ang cellphone ng sigaw na naman ni Regine ang narinig niya kaya inilayo niya ulit.
"Kayong mga babaita kayo. Paghindi niyo hininaan ang boses niyo baka mapalabas ako sa kotse ni Wencell at maglakad ako. Kapagnangyari yun sisiguraduhin kong makukurot ko mga singit niyo " Bulong niya sa mga kaibigan pero walang epek sa mga ito.
"Whaa ! Sabi na nga ba kasama mo pa rin yung yummy papa mo.-- wow don't tell me maghohoney moon na muna kayo?" Kinikilig pang saad ni Judie at narinig niya naman ang pagsigaw ni Regine ng 'ano' sa kabilang linya saka niya narinig ang boses nito.
"-- Hoy babae magpakasal ka muna wag mong isuko ang bataan. Saka hintayin mo muna ang regalo kong nighties ." Dagdag pa ni Regine.
Namumulang napatingin siya kay Wencell pero ngayon ay wala na ang kunot-noo nito pero seryoso lang itong nakatingin sa harapan.
"Kayong dalawa paghindi talaga kayo tumingil, iwawax ko lahat ng balahibo niyo sa singit " Naparoll-eyes na lang siya ng humigikhik lang ang dalawa.
"Osige na nga, eenjoy mo na lang ang maagang honeymoon niyo ng yummy papa mo. Byebush"
----
Eveory's P.O.VAangal pa sana ako ng marinig kong nawala na sa kabilang linya ang kausap ko. Napatuwid lang ako ng upo, napansin ko naman ang bahagyang pag-angat ng palda ko, medyo mas tumaas kasi ito kaya kalahati na ng mga hita ko ang nakalitaw.
Ano ba naman tong palda ni Judie,ang ikli pala.
"Here, ipatong mo sa hita mo." Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong may inaabot siyang jacket sakin. Hindi ko na tinanong kung saan galing iyon.
Conservative ang papa yummy ko.
"Salamat" Hindi naman ito sumagot, seryoso pa rin na nakatingin sa harapan.
"So, anong ginagawa mo don?" Tanong ko. Naubo naman siya kaya tinapik-tapik ko ang likod niya.
"It- its just.. " Hindi pa rin siya nakatingin sakin dahil ngdri-drive pa rin siya. Nakita ko naman na namumula ang tenga niya.
Oh my, ang cute, namumula yung tenga niya. Nahihiya ba siya?
Hindi ko pigilan ang pagtawa ng makita na namula ang buong mukha nito.
Wala naman akong sinabi na dapat ikahiya niya . Unless...
"Oh my! Macho dancer ka?" Halos manlaki ang mata kong tanong para naman nagulat siya kaya bigla niyang itinabi ang kotse .
"Wait, what?" Halata ang gulat at pagkalito dahil sa sinabi ko.
"I mean, macho dancer. Sumasayaw sa harap ng mga old maid and.. " oh gosh , ang mapapangasawa ko. May sideline at talagang pagiging macho dancer pa ang ginawang sideline.
"No. Napadaan lang ako doon, saka saan mo naman nakuha ang ideya na sasayaw ako sa harap ng -- yeah, what ever you called it. But the point , hindi ako macho dancer " Seryoso siyang nakatingin sakin, kaya ilang sandali lang hindi ko napigilan ang matawa.
"Hey, anong nakakatawa?" Mukha siyang bata na nakasibangot .
"Pano naman kasi , ang OA mo. Defensive ka masyado. Tinatanong lang kita no" Nawala na sa isip ko na nakatitig siya sakin kaya nagulat ako ng tanggalin niya ang seatbelt niya.
Gustong malaglag ng puso ko, dahil nakorner niya ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Oy-oy, bakit ang lapit mo? " Kinakapos ako ng hininga dahil sa sobrang lapit niya.
"Breathe" Pagkasabi niya noon ay huminga nga ako.
Wrong move..
Pano ay naamoy ko ang pabango niya pati ang mabangong hininga niya .
Gosh, matutunaw ako.
Halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"No, one make jokes on me, and because you are the first ." Nagulat na lang ako ng ilang hibla na lang ang lapit niya sa mukha ko.
Napalunok ako ng sunod-sunod ng makita na seryoso ang mukha niyang nagpalit-palit ang mga mata niya sa labi ko at sa mata ko.
Oh my! Hahalikan niya ba ko? Bakit ang bagal . Bilisan mo na sunggab na . Mahihimatay na ata ako.
Naglalandi pa ang utak ko habang hinihintay ang susunod niyang gagawin . Pumikit ako para mafeel ko sana ang moment pero mabilis nawala ang pagpapantasya ko ng lumapat ang noo niya sa noo ko.
Hindi ko napigilan ang mapanguso.
"Hey, don't do that, as much as I want to kiss you I just can't." Naramdaman ko na pinalis niya ang pagnguso ko,gamit ang hinlalaki niya.
Sayang naman ! Conservative na tapos pa gentleman pa.
Pero ang inis niya ay biglang nawala ng ikiniskis ni Wencell ang ilong nito sa ilong niya saka siya hinalikan sa noo.
Natalo niya pa ang isang teenager kung kiligin, malaking pagpipigil ang ginawa niya sa sarili para wag sumigaw sa loob ng kotse ni Wencell.
"Your nose was cute " Namula naman siya ng bongga at parang nag-alburoto ang tyan niya ng halikan ni Wencell ang ilong niya.
Ok! Kilig to the bones na!
BINABASA MO ANG
My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)
ChickLitEveory Erion, isang babaeng naniniwala sa prince at fairy godmother. Kaya nga para sa kanya ang first crush na si Wencell Favillion, ang nag-iisang prinsipe niya pero alam niyang hindi siya mamapansin nito dahil bukod sa hindi niya kayang lapitan an...