Assurance

3.1K 98 3
                                    

Buong biyahe hindi kumikibo si Wencell at pakiramdam ko ay dahil iyon kay Krisper. Pagkapasok ng sasakyan sa garahe ay umimpis na si Wencell sa kotsekotse at pinababa ako.

Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko ng pagbuksan niya ako ng pinto pero ni hindi niya ko tinapunan ng tingin. Mabilis akong bumababa at sinundan siya sa kompartment ng kotse para tulungan sana siyang magbaba ng mga pinamili namin.

"Go inside. I'll take care of it. " Bakas pa rin ang pagiging seryoso ng boses niya. Sumunod na lang ako , alam kong hindi maganda kung magpumilit pa ko. Ayokong mag-away kami ng dahil kay Kriper, pero ano banh nangyayari samin? Tampuhan ba? Pero wala naman akong ginagawa.

Dumiretso agad ako sa kusina para ayusin ang mga pinamili namin kasunod ko naman agad si Wencell. Nilapag niya agad ang apat na plastics ng mga pinamili namin.

"Sige na, ako na dyan. Magbihis ka na. " Napatunganga naman ako ng ilabas niya ang mga laman ng plastic.

"Wencell."

"Go, change your dress. " Gusto kong umiyak dahil sa kaseryosohan pa rin ng boses niya pero pinigil ko ang sarili ko saka umakyat sa taas .

Ano bang problema niya. Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa niya.

Hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa nararamdaman ko.

Busit naman. Ganto ba talaga pagbuntis? Masyadong emotional.

"Eveo-- hon, are you crying?" Mabilis ko naman pinunasan ang mga mata ko.

"Hey, why are you crying?" Pinilit kong iiwas ang mga mata ko sa kanya pero hinawakan niya ko sa chin para paharapin sa kanya. Kaya ng magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Hon,what's wrong? May masakit ba sayo tell me." Chineck pa nito ang mukha ko na para bang makikita nito ang sagot doon.

Mas lalo lang akong naiyak.

"Hon, stop crying. Please , tell me what wrong?"

"Ikaw ! Ikaw ang problema ko. Nakakainis ka." Bahagya ko siyang itinulak para lumayo saakin. Hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko yun, nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Ako? Bakit ako?"

"Kasi kanina ka pa , doon sa grocery store hanggang dito sa bahay. Hindi mo ko kinakausap saka akala mo hindi ko napapansin yang pagiging cold mo sakin. Hindi ko alam kung may problema tayo or what!" Umiiyak pa rin ako habang nakatingin sa kanya. Nakita ko na natigilan siya dahil sa sinabi ko.

"I'm just.  .I'm sorry , hindi ko sinasadya. Gad! Kung alam ko lang na magkakaganyan ka dahil sa papanahimik ko hindi na sana ako tumahimik. I'm sorry." Saka niya ako niyapos, naramdaman ko ang paghago-hagod niya sa likuran ko pati sa buhok ko.

"I'm sorry, I didn't meant it. Hindi ko alam na gusto mo pala akong kausapin, akala ko kasi gusto mong manahimik ako matapos nating makita si Kriper." Napansin kong may pait sa pagkakasabi niya sa pangalan ni Kriper, bahagya akong humiwalay sa kanya saka siya tiningala.

"Kilala mo siya?"

"No and yes. "

"Ha?"

"No , hindi ko siya kilala sa mukha and yes, kilala ko siya sa pangalan. " Napatitig ako ng matagal sa kanya.

"Paano mo siya nakilala ?" Takang tanong ko, nabanggit ko ba si Krisper sa kanya pero wala naman akong maalala na nasabi ko sa kanya ang tungkol kay Krisper dahil nakalimutan ko na rin ang tungkol sa kay Krisper matapos ang kasal namin.

"Papa, talk to me before our wedding. ." Napansinghap naman siya sa narinig kung ganun ay ang papa niya ang nagkuwento dahil imposible naman ang papa nito dahil paniguradong walang alam iyon kay Krisper.

"Sinabi niya ?"

"Yes, he said ,everything. Nalaman ko na makukuha mo lang ang mana mula sa lolo mo kung ikakasal ka bago ka mag 25 , the sooner the better. Kaya naman kinausap ng papa mo si Krisper noong nasa kolehiyo kayo dahil magkaibigan naman kayo at kilala siya ng mga magulang mo ay siya ang pinakiusapan na ikasal sayo. . ." Nakita niya ang pagtiim ng bagang ng asawa.

".. kaya nga hindi kaniya nilubayan noon nasa kolehiyo ka, pero nang matatapos na kayo ay kinailangan niyang umalis pabalik ng Canada, kaya hindi natuloy ang pagpapakasal niyo, nagaganapin kung sakaling sabay kayong natapos ." Humiwalay sa kanya ang asawa, nakita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito saka para itong nahahapong napasuklay sa buhok.

"Wencell."

"Kaya kanina nung malaman ko ang pangalan niya. Natakot ako, That was my first time feel something like that, na para bang gusto kitang itago sa likod ko at sapakin ang mukha niya dahil sa pagkakatitig niya sayo. Gad! Kung alam mo lang Eveory, gusto kong dukutin ang mga mata niya, ayokong may ibang lalaking titingin ng ganon sayo kasi pakiramdam ko inaaakit ka niya . Pakiramdam ko, makukuha ka niya .. kayo. I can't afford to lose you or even our baby. Hindi ko kakayanin Eveory, I love you so much that I will di everything for you." Hindi niya namalayan na muling tumulo ang mga luha niya, peri ngayon ay hindi dahil sa sakit na nararamdamab kung hindi dahil sa kaligayahan na nararamdaman niya mula sa mga nalaman. Kung ganon pala ay natatakot lamang ito at ayaw lang siya nitong mawala kaya nagkakaganoon ito kanina.

"I'm sorry hon, please. Stop crying. " Hinawakan ni Wencell ang magkabilang pisngi niya saka pinunasan ang mga luha niya gamit ang hinlalaki nito.

"Sorry din. Kung inaway kita. "

"Shh, its ok. Basta please stop crying. Ok?" Tumango siya , saka niyakap ito.

"Wag kang mag-aalala. Walang lalaking kayang palitan ka sa puso ko, mahal kita Wencell. I love you too and no one can stop me from loving you. " Nakangiti niyang sabi dito , nakita niya na sumilay na ang ngiting hinihintay niya mula rito.

"I love you so much.. more than anything.. more than you think. I love you Eveory Erion Favillion."

Saka siya nito hinalikan sa labi kasunod ay sa noo. Niyakap siya nito na para bang pinadadama nito sa yakap nito kung gano siya kamahal ni Wencell at gumanti rin siya ng mahigpit na yakap sa asawa.

I love you too, Mr. Wencell Favillion.

Para naman kay Wencell sapat na sa kanyang assurance ang pagyakap at pagmamahal ni Eveory, dahil sa araw din iyon ay haharapin niya ang isang taong alam niyang kaylangan niyang makausap para tuluyan na maging maayos ang pamilya nila ni Eveory.

My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon