Chapter 3

40 16 6
                                    

"Andyan na si Sleeping Beauty" palakpakan ang mga Kardashians.

They are all in yellow polo shirt and black pants. May usapan ba kung ano ang susuotin parang wala akong natatandaan.

"Alis na ako parang di naman ako belong"

"Ang arte  mo Kardashian ka ba?Eh alalay ka lang naman namin" Court kidded.

Tinawanan lang nila akong lahat pati si Mamang Driver. Mas  maganda pa rin naman ako siguro kung nag-ayos ako.

"May sinasabi ka yaya?" Chloe asked.

"Wala po Mahal na Buddha" at nagtawanan na naman ang lahat.

Nakasuot lang ako ng short shorts at sweater dahil alam kong mahaba- haha pa ang byahe. Sa Tagaytay daw ang aming tutunguhin kaya kailangan komportable ako sa daan.

"Bakit nga pala late ka?"

"Tinapos ko lang yung last episode ng Love in the moonlight" I responded to Court. "Tapos wala pa ang yaya na tutulong sana sa pagbubuhat ng gamit ko. Timing talaga oo."

"Sinesante na naman ba ni Mommy mo ? Pang 1000 na kasambahay niyo na ata yan since college ha!Talo niyo pa ang PBB. "

Ewan ko ba kay  Mommy. Napaka perfectionist konting pagkakamali sesante agad.

Kabaligtaran sila ni Daddy na maawain at generous kahit sa mga hindi  niya kakilala. Siguro totoo yung sinabi nila na "Opposites do attract" kasi hanggang ngayon sila pa.

Tawanan lang kami sa buong biyahe. Katabi ko si Chloe at Courtney. Si Rob naman mag-isa sa likod na nakahiga. Si Kim trip makipag chikahan kay  manong driver. Inutusan ko ang dalawang katabi ko na humiwalay sa akin ngunit dikit pa rin sila ng dikit.

"Ano bang meron sa ganda  ko at hindi niyo ko maiwan-iwan?" I absentmindedly asked.

"Aba yumayabang si ate Girl. Syempre ikaw yung source namin"

"Anong gusto mo Court. One dollar bill?"

"Baby I don't need dollar bills to have fun tonight. Need your cheap thrills" she sang.

Mga ilang breathtaking view rin ang nalagpasan namin at nakaidlip kami ng sandali sa biyahe.

"Ma'am/ Sir gising na! Andito na po tayo."sambit ni Manong Driver.

Agad -agad kaming nag-ayos ng mga sarili namin. Todo foundation at contour ang dalawa kong katabi habang ako nagpulbo lang.

Si Rob bumaba agad dahil nangangawit na raw. Tinulungan niya naman si Manong na maibaba ang mga gamit namin.

Si Courtney naka tatlong maleta na para bang aalis na ng Pilipinas. Si Chloe naman naka apat. Hindi ko na lang sinita dahil bagong gising at baka masapak ako.

Si Kim na kanina pa naiihi ay nauna na. Medyo makupad din kasi talaga ako kumilos.

Buti na lang talaga at nag sweater ako dahil double ang lamig dito sa Tagaytay lalo na't Disyembre na.

Habang naglalakad ako napansin kong malawak pala talaga ang kinatatayuan ng Venice Hotel. Ang istruktura ng hotel ay gaya ng mga strukutura na makikita sa Italy at mga bansa sa Europa.

May grand canal din na inihalintulad talaga sa orihinal na konsepto nito. May mga matatayog na puno ng niyog at palm trees. Hindi ko mabilang kung ilang palapag ang building dahil sa sobrang taas nito.

Ibinababa kami sa  mismong harapan upang makita  namin ang ganda ng hotel. Bukas pa ang formal opening ng programme kaya naman may oras pa kaming magliwaliw saglit at mamasyal.

Langit LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon