Chapter 9

24 3 0
                                    

Rio's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko ay ibang paligid ang nasilayan ko. Wala na ang magagarang kama at makikislap na kisame. Wala na rin ang magandang disenyo ng kwartong kinalalagyan ko. Higit sa lahat ay wala na ako sa hotel namin. Nasan nga ba ako? Sinampal sampal ko ang sarili ko upang magising sana. Kinurot ang talampakan ngunit wala talaga.

Nasa isang maliit na tent ako. At sino tong humihilik sa tabi ko? Tinanggal ko ang nakatalukbong na saplot sa kanya . Napasigaw nang tumambad si Sam. Wala siyang damit na pang itaas. Matipuno ang kanyang pangangatawan. Kitang kita ang hubog ng katawan niya. His biceps were damn hot. His hotness brought me to hell but he 's still an angel to my eyes.Bumalik ako sa katinuan.

"Anong ginagawa mo dito? Saan mo ako dinala?"

"Huh" ginusot gusot niya ang mata niya at kumunot ang noo.

Binuksan ko ang tent at kitang kita ang nakangiting araw. Linibot ng mga mata ko ang bawat sulok ng lugar. Blangkong paligid ang tumambad sa akin. Napapalibutan kami ng mga puting buhangin.Napakamot na lang ako. Naalala ko bigla kung ano ang nangyari bago nito.

Pagkatapos kong inumin ang iced tea na bigay ni Court nagtaka ako sa maalat na lasa nito. Ito na ata  ang pinakamaalat na ived tea na natikman ko sa buong buhay ko. Natandaan kong umikot ang paningin ko bago ako nawalan ng malay. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.May kinalaman ba si Court dito? Was she bribed by Sam to do this? Nakakaewan. Kailangan ko nang makabalik sa hotel wala pa akong natutunang lecture mula sa simula.

Bakit andito siya? At parang at home pa siya sa postura  niya ha.  Kinapa ko ang cellphone ko para tawagan ang mga kasama ko. Pero walang cellphone sa bulsa ko.

Pumasok ulit ako ng tent . Nadatnan ko siyang natutulog ulit.Ang himbing ng tulog niya. At talaga namang nagawa niya pang matulog. Linapitan ko siya upang gisingin. Ang ganda ng nakaluhod niyang pilikmata. Bagay din sa mukha niya ang bagsak niyang buhok.

"Why are you staring at me?" bumukas ang mata niya at ngumiti nang nakakaloko.

Walang hiya gising na pala talaga siya!
Nagulat ako sa ginawa niya.Muntik akong ma out balance at tuluyan ngang na out balance nang ngumiti siya.

" Alam mo ba kung nasaan tayo" he said in a dull voice.

"Hindi" tipid kong sagot.

"Galit ka pa ba sa akin? Sorry na"

"Hindi"

"Pero nagseselos ka?"

"Hindi na"nadulas ako! " Hindi pala"

"Nagseselos ka nga " he said.

"Kung nagseselos man ako hindi dapat dahil wala naman akong karapatan"

O my God! Why am I so defensive?

Ngumiti siya ulit nang nakakaloko. Isang ngiti pa talaga at tatanggal ko na siya nh ngipin.May nakita kaming walkman sa gilid ng hinigaan namin. Agad niya itong kinuha at pinakinggan naming dalawa.

"Maligayang araw. Kayo ang napiling magrerepresenta ng iyong grupo. Dadaan kayo sa iba't ibang gawain. Kung kayo ay mananalo may pagkakataon kayong makadaupang palad at makausap ng personal si Mr. Rox Avida."

"Ano to ? Parang The hunger games matira matibay. Tayo yung tribute? "sabi ko.

"Psst pakinggan muna natin "

"Edi sayang lang yung registration natin na pagkamahal mahal kung ganun din lang mangyayari."

Pansin ko napakamot din ng anit si Sam. Umiwas ako ng tingin kay Sam habang nakikinig. But damn his expressive eyes were just staring at me. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Kaya yumuko na lang ako para itago ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Langit LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon