Chapter 8

10 2 0
                                    

Sam's POV

Tumakbo ako upang magpaliwanag sa kanya. Gusto kong mapakinggan niya ang mga paliwanag ko. Nakita ko siya kasama ang kaibigan niya.

"Rio" boses ko lang ang naririnig. Lingunan lahat ng mga tao. Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Kailangan kong ipaliwanag ang sarili ko. Walang kami ni Sheena. Mali ang nakita niya. At kailangan kong itama ang maling tingin niya sa akin.

Hindi ako faccboi. Hindi ko rin gawaing paglaruan ang feelings ng babae.

Nang maihatid ko si Rio pagkagaling namin sa Skyranch, nakita ko si Sheena umiiyak mag-isa. Walang tigil ang pagluha niya. Pinapatigil ko siya ngunit mas lalo naman siyang umiiyak.

"Sheena ,anong nangyari?"

"Sam ang sakit ng ginawa niya sa akin?"

Siguro si Shawn ang tinutukoy niya, ang kasintahan niya mula pa nung kolehiyo na nasa  ibang bansa ngayon.

"Sheena, I'm here to listen."

"Sam, matagal na pala siyang kasal sa ibang bansa. Little did I know. I saw his account on Instagram with a different username. And it kills me slowly every time I see him happy with his child."

Patuloy siyang umiyak. Yinakap niya ako dahil halos nanghihina na siya sa dami ng luhang naubos niya.

"You'll be okay. Trust me. "

"Who gave him the right to hurt me? Am I not enough? Anong meron siya na wala ako?"

"I can't answer that question. All of that will be answered as you continue your life. And when you'll be in a clearer slate every blurred lines will make sense."

" I need answers now!"

"Kung pwede lang sana samahan kita eh kaso malayo siya at siguro hindi  ka pa handa"

"Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?"

"Parang line ni Liza yan ah! Liza is that you?"

"Sam naman eh huwag mo naman akong patawanin dito. Nagmumukha na kong tanga dito.'

" You're beautiful. You deserve someone better."

Humagulgol siya at napayakap ulit siya sa akin.

Hinayupak ka may pa babe babe ka pang nalalaman. Ang dami mo palang linalandi. Mawalan ka sana ng bayag. Fuckboy goals ka!

Dinig ko ang malakas na sigaw ni Rio. Tumakbo siya agad nang lumingon ako. Nakakuyom ang mga kamao niyang tumakbo palabas.

"Sino yun?"

"Maiwan muna kita Sheena"

Tumango naman siya. Doble  ang bilis ng takbo na para bang nakikipagkarera ako sa mga kabayo.

Kailangan kong  liwanagin ang lahat sa kanya. Nagawi ako sa may fountain area. Palakpakan ang mga taong nanonood. Hindi magkamayaw ang iba sa pagkuha ng litrato.

Kinalabit ko ang kasama niya at nagpakilala ako. Lumingon naman siya sa akin. Hindi na iyon nahalata ni Rio dahil abala siya sa panonood. Kita rin sa ekspresyong ng kanyang mukha ang pagkamangha. Musika ni Willie Revillame ang pinatugtog at sinasayaw ng mga tubig.

"You are Sam?"

"Yes and you're?"

"Courtney but call me Court, as in basketball court"

Langit LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon