Inilapit niya ang mukha niya. Lalo akong namula sa ginagawa niya. Ayoko ng mahalata niyang umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha kaya naman yumuko lang ako.
"Teka may dumi ata sa buhok mo" sabi niya. Pagkahawi niya sa buhok ko ay may lumabas na bulaklak ng gumamela. Nagulat ako. Nagtaka kung saan nanggaling. Inipit niya lang ito sa tainga ko
"Saan naman galing yun?" tanong ko.
"Sa puso ko, bunga ng pagmamahal ko sayo"
"Ay korni"
"Ayaw mong maniwala?"
"Oo na" putol ko para tumigil na siya. Lalo kong natitigan ang features ng kanyang mukha . His brown eyes, his jaw line, his eyebrows and his red lips ;they are all enchanting.
"Magtititigan na lang ba tayo?" he asked.
"Ah.. Eh... I 'll get going" I said.
Hindi pwede to. Lagi na lang ba akong nauutal kapag kinakausap ko siya.
" May I ask a favor from you"sabi niya
"Ano yun?"
"Pwedeng mag selfie with you?"
Not any single word came out from my mouth. Bakit parang slow motion lahat sa paningin ko?
Hindi pa ako pumayag. Kinapa na niya ang kanyang cellphone sa bulsa niya. Makukulit na kamay niya ang naghahanap sa bawat bulsa ng pantalon niya ngunit walang cellphone na lumalabas.
"I can't find my phone. "
"Huh ?Kailan pa?"
I let him dial his number on my phone without hesitation.
Walang tunog na maririnig. Hindi namin kung saan hahanapin ang cellphone sa isang malawak na hotel.
"Baka naman naka silent,hindi ba?" pagkumpirma ko.
" Hindi yun naka silent."
"Saan ka ba huling pumunta bago dito?"
"Follow my lead" sabi niya.
Naglakad kaming dalawa. Para tanga kaming pinapakinggan ang pinagmulan ng mahiwagang tunog na wala naman pala.
"Hindi ba dun?" turo ko sa isang bakanteng kwarto.
"Hindi parang dun sa may bandang gilid"sabi niya.
Marahan kaming naglakad. Ako naman si tanga sunud sunod lang nang sunod sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang dati ko na siyang nakasama Sinubukan niya ulit na tawagan gamit ang cellphone ko. Siya'y nagtaka. Pilit niyang inalala kung saan siya nagpunta.
Isang bakanteng kwarto ang aming napasok. Palagay ko ay bodega ito at lagayan ng mga lumang kagamitan sa hotel. Hanggang napadpad kami sa isang makulay na hardin.
Nababalot ng puno at iba't ibang uri ng bulaklak. Sa gilid ay matatayog na gumamela. Ang mga cactus naman ay nakahilera sa bungad ng magandang hardin kasama ang mga matitingkad na sunflower. Maaliwalas , mahangin at malilim ang hardin. Mangilan ilan ang mga paru-parong napapapadpad.
Tumutunog na cellphone ang nadatnan namin sa bungad ng hardin. Agad niyang pinulot at pinunasan ito gamit ang kanyang panyo.
"Dumaan ka ba dito?"
Napagtanto kong baka dito niya pinitas ang gumamelang bigay niya sa akin. Gusto ko sanang tanungin pero natatawa lang ako.
"Oo, Salamat nga pala sa pagsama"
"Walang anuman. Kabayaran yan sa paninisi ko sayo. So quits na tayo?"
"Hindi pa. See you later?"
BINABASA MO ANG
Langit Luha
Ficción GeneralAng pag-ibig na aabutin ang langit sa kabila ng mga luha.