Hinila ko agad si Sam. Nagtaka naman siya at sumunod na lang sa akin. Nagising ang mga dugong dumadaloy sa katawan ko. Anong ginagawa ni SJ dito sa Tagaytay? Hindi ba dapat nasa opisina lang siya? Baka bibisitahin kami ng pasurpresa. Lagot na baka hindi niya ako maabutan sa hotel at malalagot ako.
"Sinong tinatakbuhan mo?"tanong niya na hawak ang teddy bear na bigay niya sa akin.
" Yung pinaka head namin . Si Sir Jules!"
"Eh bakit ka natatakot?"
"Suplado yan. Moody at mainitin ang ulo. Hindi pwedeng hindi niya ako maabutan sa hotel. Baka masasakit na salita na kahit sino ay hindi kayang lunukin ang maririnig ko mula sa kanya."
Sumakay kami agad sa van at nagmadali niyang isinara ang pintuan nito.
"Thanks Rio. Nag enjoy ako ng sobra kasama ka."
Nginitian ko siya na may halong kaba sa dibdib. Kakainin ako ng buhay ni SJ pag nahuli niya ako.
"Ako dapat magpasalamat sayo Mr. Risky." sabi ko.
"Nagustuhan mo ba yang bigay ko"
"Oo naman ngayon lang naman ako ng ganito ng lalaking teddy bear"
Can I consider that as my first date? Hindi ko alam. Unang beses ko palang lumabas kasama ang isang lalaki. Puro friendly date at group date ang nagagawa ko. Madalas ay chaperone lang ako nila Courtney at Chloe kapag nakikipag date sila. Sinubukan nilang ipag blind date ako ngunit nalalaman ko agad at napupurnada ang mga plano nila. Siguro ay hindi pa talaga ako ganun kahanda at kabukas ang puso ko sa mga ganung bagay noon. Minsan tampulan ako ng tukso kung tunay ba talaga akong babae o lesbian. Tinatawanan ko na lang sila.
Takot kasi akong sumubok. Karamihan ng naririnig kong love story ng mga kaibigan ko ay puro malungkot. And they live happily ever after, separately lagi ang kwento. Sa tingin ko masyado pang hilaw ang puso ko sa mga ganyang bagay.
I'm just 23 years old and still starting my visions trying to turn them into realities. Pero hindi rin siguro masamang ma in love. Ayaw ko rin kasing tumandang dalaga.
We took the elevator. Nagprisinta si Sam na ihatid ako pero tumanggi lang ako. Ayaw ko kasing maging sentro ng tuksuhan. Malakas pa naman makapang alaska ang mga kasama ko.
Nauna na ako sa kwarto namin. Wala akong nadatnan na Kardashian sa kwarto. I tried to call Kim. Siya naman ang may hawak ng cellphone niya lagi dahil long distance relationship sila ng boyfriend niya . Sinagot niya naman ito agad.
"Hello Rio!"
"Hello Kim?"
"Girl nasaan ka? Bakit wala ka kanina sa venue?"
"Ah ,may pinuntahan kasi ako. Nasaan kayo?"
"Hindi natuloy ang lecture kanina kasi naipit sa traffic yung speaker kaya andito kami sa groundfloor . Hinihintay naming magbukas ang dancing fountain. Punta ka na dito. Nag aalala kami sa iyo."
"Teka, pumunta ba dito si SJ?"
"What do you mean?" tanong niya.
"Parang nakita ko siya kanina, sumunod ba siya dito sa Tagaytay?"
"Huh? Nasa office yun nanonood ng porn" pagbibiro niya.
"Hindi, seryoso. Siya yun."
"Baka namalikmata ka lang. Punta ka na dito, habang di pa masyadong punuan."
Iniwan ko ang teddy bear sa kwarto. Agad ko ring sinara ito at nagmadaling naglakad pabalik sa elevator. Ilang pulgada na lang at bumukas na ang pintuan ng elevator pagkababa ko ay nakita ko si Sam.
BINABASA MO ANG
Langit Luha
General FictionAng pag-ibig na aabutin ang langit sa kabila ng mga luha.