"Pa pa pa pak "
"Girl"
"Pa pa pa pak"
"Girl"
"Pa pa pa pack"
"Pa pa pack"
"Girl" sabayang bigkas ni Chloe at Court.
"Ano yun?" tanong ko kay Kim.
"Pak girl daw Hahaha . Ikaw naman kasi bigla bigla kang nanghahalik . Wala man lang pasabi. Girl may tinatago ka palang landi hah. "
"Kim, malandi agad diba pwedeng sumunod lang sa usapan"
Medyo nainis ako sa term na malandi dahil hindi naman ako ganun. Di ko pa nga naranasang magka boyfriend tapos tatawagin niya akong ganun. I got offended immediately. Court came close to comfort me.
"Girl, kahit usapan niyo yun ni manong guard. Pwede mo namang baliin diba. Hindi yung binibigyan mo na lang ng halik ang mga taong bago lang sa paningin mo"
"Oo pero huwag niyo namang ipagdiinang malandi ako"
"Sorry" Kim apologized.
"Alam niyo girls ang drama niyo. Magbabati rin naman kayo agad mamaya. Remember we're family here. " Rob uttered.
They all came to my bed and hugged me. We all laughed and smiled altogether.
"Itong trolley na to pahamak." Chloe said and we all burst into laughter.
Mag gagabi na at lahat kami ay excited na para sa gaganapin na grand opening bukas. Gusto sana naming lumabas ngunit mas pinili na lang naming mamalagi sa kwarto para makapagpahinga.
Pati mga kwarto ng hotel ay malawak. Mediterranean -inspired ang disenyo nito. Kakaiba sa mga hotel sa Makati na amin nang napuntahan.
Tatlo lang ang nailaan na kama. Sa dingding nakadikit ang isang flat screen television. Sa tabi nito'y may maliit na freezer. At sa bandang kaliwa nito ay ang isang malaking painting.
"Guys laro tayo ng Truth or Dare" pagyayaya ni Chloe.
" Walang bote" sabad ni Rob.
"Ikaw ang lalaki. Ikaw ang kukuha ng bote sa babe. Magpaka gentleman ka naman kahit ngayon lang"
"Ikaw ang nagyayaya kaya ikaw ang maghanap."
"Mag-isip na lang kayo ng ibang laro kung mag-aaway lang din naman tayo dahil diyan" suway ni Court.
"Tong-its"
"Walang baraha"
"Chess na lang"
"Walang chess board"
"Sungka"
"Walang bato"
"Kung wala matulog na lang tayo kasi maaga pa tayo bukas." Chloe said.
"Mabuti pa mag Facebook live na lang tayo para naman updated mga katrabaho natin na magkakasama tayo at nakarating tayong ligtas" Court initiated and we all agreed.
"Kaninong Facebook account naman?" Kim asked.
"Sa iyo na lang . Ikaw naman pinakafamous sa atin." Rob said.
"Hindi yan famous naka auto like lang yan." pagbibiro ni Court. Lahat kami nagtawanan.
"Hiyang-hiya naman ako sa mga Arabo na nagcocomment sa cover photo mo" biro rin ni Kim.
Hindi ako makapagcomento sa mga sinasabi nila. Wala pa kasi akong Facebook account na bago magmula nung na hack ito. Good thing! Alam kong isang malaking distraction lang kapag may social life pa ako.

BINABASA MO ANG
Langit Luha
General FictionAng pag-ibig na aabutin ang langit sa kabila ng mga luha.