"Sorry to interrupt. Our winner...."
"I left you to save us"
-Samuel NovatoPumalakpak si Sam at mga kasama nito. Lahat naman nang nasa likuran ko ay nagtaka at nalito sa sinabi ng speaker. Ang dating maingay na bunganga ay parang nabusalan at tumahimik ng tuluyan.
"Ladies and gentlemen huwag po kayong malungkot wala pong na Colombia.
"We have a tie. "
" Oh my God atay , puso, balun balunan!"pabirong sabi ng nasa tabi kong babae. At bumalik ang dating hugis ng aking mga labi.
Lumapit si Sam sa akin. Nakatingin lang siya sa nakayuko kong itsura. Tumingin ako sa kanya ng bahagya ngunit iniangat niya ang mukha ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nagawi sa noo ko.
"Ngiti naman diyan"
Binigyan ko siya nang nang aasar na ngiti. Inilahad niya ang kamay niya at ipinatong ko naman ang kamay ko doon. Mas linawakan niya naman ang ngiti niya. Ang mga pulang labi ang nagpapatingkad sa mukha niya. Isang nakakatunaw na titig pa at talagang mahuhulog na ang puso ko.
Sabay kaming tumungtong sa stage. Yinakap naman ako ng nakapulang si Courtney na kanina pa naghihintay sa akin.
"Congrats Girl" saad niya. At mahigpit na yakap ang isinagot ko.
Kumaway naman siya kay Sam at naglahad ng kamay si Sam para i -congratulate rin siya. At bumalik ulit sa akin ang mga titig ni Sam.
"Ang galing mo babe" sabi niya.
"Thanks babe" sagot ko.
"My God , thanks bae pala sorry."
Ano tong mga lumalabas sa bibig ko!"Did you just call me babe?Babe?"
"Babe? Ay hindi bae yun" nagkakahulihan na talaga at nadulas na naman ako for the nth time.
"Kasasabi mo lang e."
"Congrats ulit" pambali ko.
Ngumiti na lang siya at itinuon ang tingin sa crowd. Lahat kami ay binigyan ng pirmadong libro ng ginigiliw na speaker. Patungkol sa mga tips sa pagsulat at pieces of advice para matagal sa industriyang ito. Nag abot ng sobre ang speaker sa aming dalawa ni Sam. Hindi ko na muna pinakialaman kung ano ang laman ng sobre basta ang importante masaya ako sa mga oras na iyon.
Inalalayan ako ni Sam pababa ng stage. Isinunod naman niya si Courtney. Nang nakababa na kami ay nagpasalamat kami at binigyan niya lang ako ng makahulugang ngiti.
Tinapos ng speaker ang kanyang lecture sa pamamagitan ng maikling mensahe ng pagganyak na maging mas mapangahas kami sa pagsusulat.
"Hanapin niyo sa bawat sulok ng sarili niyo ang mga ideyang kakaiba dahil diyan nagtatago ang mga kwento ng hindi pa nalalaman ng mambabasa niyo. Gumawa kayo ng sarili niyang marka na original at dun kayo mas makikilala. Maraming salamat. Maligayang pagsusulat!"
Nagsitayuan kaming lahat nang di namamalayan at binigyan siya ng nakabibinging palakpakan at hiyawan.
Hindi man ako masyadong nakinig sa lecture niya. Natutunan ko sa kanya kung gaano kalakas ang mga salita. Hindi kailangan ng maraming salita para makapag iwan ng emosyon. Gaano man kaikli ito sapat na iyon para magdala ng nararapat na emosyon at istorya.
Tama siguro siya nang sinabi niyang kailangan minsan ng manunulat na maging mapangahas para makapagkwento pa ng bago sa pandinig ng mambabasa. Malaking hamon na naman sa amin iyon. Lalo na't dumarami na rin kaming budding writers ng bagong milenyo.

BINABASA MO ANG
Langit Luha
General FictionAng pag-ibig na aabutin ang langit sa kabila ng mga luha.