"Call love I'm near"
.
.
.
.
.
.Ito ang mga katagang nakasulat sa isang mabangong papel. Nag-isip kami kung anong ibig sabihin ng mga nakasulat. At tatlo kaming natahimik ng ilang segundo.
"Ang sweet naman" Chloe said
"Hindi kaya adik yan ?" sabi ni Courtney.
Humalakhak kaming tatlo. Lahat ng mga nasa opisina ay napalingon sa amin.
"Huwag niyong sabihing sa tagal natin sa opisinang to ngayon lang kayo nagandahan sa akin." Chloe teased.
"Girl, sayo lang? Selfish ka masyado. Aminin mo naman kapag tumabi ka sa amin nagmumukha kang katulong" Court responded.
"Correction magandang katulong, na pinagsisilbihan ang among mas mukhang katulong . - Chloe.
Tawanan lahat sa opisina maliban kay SJ na naka headset. Babanat sana ulit si Court ngunit nagsalita na rin ako.
" Huwag nga kayong maingay baka marinig tayo niyan maging impiyerno na naman tong opisina. Buti sana kung si Elsa ka na kaya mong gawing yelo lahat ng hawakan mo."
"Matakot ka diyan e nanonood lang naman ng porn yan " Court spoke in volume.
Halos magbatuhan ng papel lahat ng nakarinig . Ang mga hindi namin masyadong kadikit ay nakitawa na rin. SJ who still in deep focus maintained his eye towards the monitor.
We ran after our breath. At nang kalmado na itinuon ulit namin ang mga mata namin sa sulat.
"Hindi kaya wrong sent"
"Baka naman stalker mo"
"O di kaya secret admirer mo dito sa opisina" litanya ni Chloe.
"Kung wrong sent bakit niya alam pangalan ko at kung saan ako nagtatrabaho." sagot ko.
"Sikat ka nga diba isa ka na sa mga romanticist ng bansa" sabi ni Chloe na nakataas kamay na parang pinupuri ako.
"Sikat, eh wala pa ngang nailimbag na gawa ko."
Tiningnan namin ang kaninang maingay na Courtney. Baka nag-iisip na naman ng maibabanat niya.
"Girl, wala bang banat diyan at naging Ethel ka bigla?" Chloe said facing Court.
"Ethel? Wala nga akong dede eh."
"I mean Boba, Ethel Booba"
"Wag ka te. Si Ethel may book na best seller ikaw wala pa"
"Soon bitch" Chloe ended.
Ako naman nangangawit lang nakatingala sa kanila na parang nanood ng badminton, tinitingnan kung saan pumupunta yung shuttle cock.
Sino kaya ang nagsulat nito? Tanong ko sa sarili ko. I think I should not be preoccupied by this letter. I just keep in mind this letter came from a random person.
"Girls, I think let's get back to business. I'll just keep this."
The girls obeyed my request and went on with their daily office routine. Ako naman , agad kong hinarap ang lumang typewriter na dala ko dito sa office.
Noong una , parang naasiwa silang pakinggan ang tunog nito ngunit nang lumaon nasanay din ang lahat. Ang iba nagsusuot na lang ng headset para hindi maabala.
Mahirap maging manunulat. Minsan kailangan mo ng inspirasyon mula sa ibang tao. At mas magandang humugot sa sarili mong karanasan lalo na tungkol sa pag-ibig.
Siguro tama rin si SJ. Nagbabasa ng love stories yung iba para makatakas sa magulong mundong ginagalawan nila. Pansamantala.
Ano kaya ang gagawin ko karakter ni Lia. Gagawin ko ba siyang bampira o ordinaryong tao na lang. Hindi ba mas magandang lagyan ko rin siya ng kapangyarihan para naman mas maganahan ang mga mambabasa ko?
BINABASA MO ANG
Langit Luha
General FictionAng pag-ibig na aabutin ang langit sa kabila ng mga luha.