Napapangiti na ako once na naisip ko na ito na. Ito na ng pinakahihintay ko , iyong lilipat ako sa sariling bahay ni Maxine. Dahil iyon naman ang pangarap namin eh magkasama kahit saan at ngayon na hindi lang kami maging sa school magkasama hanggang sa pag tulog namin ang mukha ng isa't isa ang makikita namin. Almost 6 years na kaming mag bestfriend kaya alam na alam na namin ang ugali ng isa't isa.
Bumangon ako sa black at napakalaking sofa sa living room.
Nakatulog ako sa pagod dahil inayos ko muna yung mga gamit ko sa kwarto ni Maxine. May binigay siyang room sa akin actually kasing laki nga ng kwarto nya eh kaso jusko naman kulay pink naman yung buong kwarto . Kaya pinapintahan ko muna ngayon ng white kasi balak ko lagyan ng malaking canvas sa taas ng uluhan ng bed ko tapos gusto ko din na yung mga pillows ng bed ko is white, black and gray na may dalawang black na nightstand sa gilid na mayroon ding lamp tapos sa pangalawang palapag ng nightstand doon ko siguro lalagay yung mga iilang books ko. Tapat kasi ng bed ko ay tv wall ang laki nun hindi ko na kailangan pumunta ng sine syempre lalagyan ko iyon sa ilalim ng table na nakadikit din sa wall doon ko siguro lalagay yung letter standee ko na T,I at C short for Tiara Isis Clemente.
(Sorry kung masyadong detailed yung gagawin ko sa room kasi interior design po yung kinuha ko eh)
Dumiretso na ako sa kitchen para buksan ang ref dahil nauuhaw ako. Umupo muna ako sa counter na may dalawang high chair pa. Talagang para sa amin lang talaga itong bahay niya. Kakaiba kasi yung pakiramdam dito para kang nasa LA. Hindi kasi ako masyado sa mga province mas gusto ko talaga sa city. Shopping, Club, Food parang lahat na ng libangan nasa city na at isa pa dito sa Laetitia, maraming mga beach. Summer pa ngayon kaya mas nakakaengganyo pumunta doon.
"Nagugutom ako" sabi niya habang nakapikit pa. Nakatulog din siguro. Paano ba naman lagi na lang ata madaling araw natutulog. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya dahil wala naman siyang lovelife ngayon.
"Dahil baguhan lang ako sa lugar na ito. I-tour mo naman ako"
Nagising siya sa sinabi ko at nginitian ako
"Okay!"
~~~
"Sorry" sambit niya nang nasara niya ng malakas ang pinto. Ni-lock niya ito at nilagay sa bag ang susi. Pinasadahan ko ng tingin ang neighborhood na ito at masasabi kong ang aliwalas at parang ang saya tignan dahil parang lahat ng bahay ay nagpapagandahan ng design ng bahay. Sabi sa akin ni Maxine halos lahat daw ng nakatira dito ay senior high school at college dahil malapit ito sa mga school at iyon din ang rason ko kung bakit gustong gusto ko dito manirahan. Grade 12 na ako dapat nga last school year pa ako dito pero hindi namin napag-usapan ng maayos yung tungkol dito ng parents ko kaya ngayon pa lang ako nakalipat.
"Kain muna tayo sa isang diner" sabi niya at nilagay ang kanyang braso sa akin.
"Ang lamig pala dito" sabi ko habang iniinda ang malamig na tama ng hangin.
"Ito naman gusto mo diba" ngumiti ako at tumango
Pagkarating namin sa isang diner hinayaan ko lang siya mag order ng pagkain mukhang masasarap naman kasi eh.
"Noong wala pa ako dito sino kasama mo?" sabi ko habang sinuot ang gray na beanie na pinatong ni Maxine sa table.
"Hmmm.. wala" nag pout siya kaya nag pout din ako
"Wawa ka naman. Edi lagi ka nilang pinagtitripan"
Umirap siya at ngumisi "Sa tingin mo ikaw lang talaga ang bestfriend ko"
Pinag taasan ko siya ng kilay " Yeah, the rest of them "friends" lang"
Umirap siya at kumuha na ng fork "Whatever. Papakilala ko sa iyo si Casey, Matt and Hans"
"Okay. I will be fine naman siguro sa Willis nu?"
Tinusok niya ang fries gamit ang fork niya at agad niyang sinubo ito " Ofcourse. May mabait naman and besides friendly ka naman. You don't have to worry"
Ngumiti ako at uminom muna sa iced tea ko "Do you used to have flings or something" pang aasar ko sa kanya
Ngumiwi siya "Hindi na ako ganoon Sis alam mo iyon kaya ikaw magbago ka na rin"
Nandilat ako " Me? Mabait ako"
Sarcastic siyang tumawa "Ikaw nga ang top 1 sa ganoon eh. At for your information wala akong nagustuhan sa Willis buong taon"
"Really? Why? Wala bang pogi or attractive man lang?"
"Jusko Sis, kung alam mo lang" nailing iling pa siya
Umayos ako ng upo ngayong nagiging interesado ako sa pinag-uusapan namin
"Ano? Tell me"
"There's a lot. As in susuka ka talaga ng rainbow. Ang daming pogi pero alam mo iyon yung stage na hindi mo talaga sila maabot"
Sumimangot ako " Bakit naman? Parang ang oa naman"
"Oo talaga. Kausap lang nila yung mga ka uri nila. Grabe yung kasikatan nila as in kasi yung mga iba pumapasok na sa modeling agency kaya naman mas madami ang mga kakilala nila" nag pout sila at wala sa sariling pinaglalaruan ang pagkain
"Edi bahala sila basta tayo mag-aaral at tutuparin ang pangarap natin. Hindi naman natin kailangan ng kaibigan na puro fame lang ang iniisip at mag date ng hot guys at ako lang naman sapat na diba?"
Huminga siya ng malalim at umiling. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.
After namin kumain , ginala niya muna ako sa buong city kaya gabi na kami nakauwi. Sobrang ganda dito at talagang hindi ako magsasawa. Habang naglalakad kami sa seaside may mga skaters pa at doon sa park naman may mga banda pang nagpeperform.Grabe buhay na buhay ka talaga dito.
"It's 9. Paano ba yan matutulog na ako"
"Ang kj mo naman. This is your first day here in Laetitia. Matutulog ka na kaagad"
"Bukas na lang. Sobrang pagod talaga ako ngayon"
Nag pout siya at humilata sa sofa. Binuksan niya ang tv at tumingin sa akin "Fine. Goodnight"
"Goodnight"
YOU ARE READING
Paint the Town Red
RomanceTiara moved out to study in Willis (her dream school) and also to spend time with her bestfriend Maxine. Find out how they have fun and enjoy their teenage life.