(2) Summer Job

19 2 0
                                        

"Morning sleepyhead!" dahan dahan kong dinilat ang mata ko at automatic na tinignan ang orasan 7:00 am.

Pwede namang 9 pa gumising wala naman gagawin. Duh, summer kaya ngayon. Umupo ako habang kinukusot ang mata ko

"Bakit ang aga mo naman mang gising" irita kong tanong. Pag may pasok nga gigising ako ng 5:30 tapos ngayon 7 naman? Bigyan niyo ako ng tulog!

"Sis, ang dapat gawin sa summer ay mag summer job"

Lumaki tuloy ang mata ko "Huh? Max naman! Kakatapos nga lang natin magpakamatay kakaaral trabaho na naman"

"Wag kang mag-alala hindi naman buong araw tayo magtatrabaho eh. Maghanap tayo ng trabahong pasok sa gusto natin. Paano tayo makakapag shopping o kaya lumakad kung wala tayong pera? Ayaw naman natin humingi sa mga magulang natin diba"

Tumango ako "Okay okay. Just give me 10 minutes" bumalik ulit ako sa higaan kaso hinagisan niya ako ng unan kaya nagising ako sa katotohanan

"Wala tayong sasayanging oras, breakfast downstairs. Huwag mo ng hayaang ulitin ko pa ulit yan"

Dahan dahan akong tumayo at inayos muna ang damit ko. Wala akong choice at isa pa may sense naman yung sinasabi niya. Kahit binibigyan ako ng magulang ko ng pera ayoko naman na doon na lang ako aasa. Sapat ng pinapaaral nila ako at binibili ang pangangailangan ko.

Umupo ako sa high chair at sinimulan ng kainin ang bacon, egg and bread. Nang mabilaukan ako kumuha ako ng tubig at muling bumalik sa high chair.

Nakakapanibago dahil everytime na gigising ako kasabay ko sila mom, dad at Alonzo. Darating talaga yung time na hihiwalay ka na sa magulang mo at maninirahan ka ng mag-isa. Nakakalungkot pero iyon ang realidad, laging may magbabago gustuhin mo man o hindi pero good thing na rin iyon parang maging independent ka at marunong ka sa buhay. Kung paano i-handle ang sarili mong buhay at gawin ang dapat na tungkulin mo.

"Sis, natawag mom mo" inabot sa akin ni Max ang phone ko at agad ko itong sinagot

"Kamusta ka jan?"

"Okay naman mom. Nilibot na ako ni Max kahapon. Ngayon, maghahanap kami ng summer job"

"Ayy mabuti iyon nang may ma experience ka naman hindi yung puro pagiging prinsesa lang lagi" umirap ako at uminom ng tubig

"Sige sige, may gagawin pa ako. Tumawag ka na lang kung may kailangan ka ha. Pag may time kami bibisita kami jan. Mag ingat!"

"Bye mom. Take care" Binaba ko na at tinapos na ang pagkain para makaligo na.

Pagkaakyat ko sa kwarto ni Max nakita ko siyang abala sa pagmemake-up.

"Matatapos na yung pagpipinta sa kwarto mo"

"Talaga? Salamat naman siguro mga next next day pwede na ako makatulog doon diba? Hindi na siguro amoy pintura"

"Oo naman. Hindi ka pa nakakabili ng mga furniture mo diba?"Tumango ako at nilagay ang towel sa balikat ko

"Edi after natin makahanap ng summer job diretso tayo sa next"

"Next?" kumunot ang noo ko

"Pangalan ng store na puro mga furniture ang mga tinitinda"

"Ahhh okay"




~~~~~



Paint the Town RedWhere stories live. Discover now