(8) Muscle Tee

8 1 0
                                    

Dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug ......

Yan ang sinasabi sa akin ng puso ko ngayon. Hindi makapaniwala na nakita ko ulit siya. Nakakapanibagong pakiramdam itong nararamdaman ko ngayon dahil sabi ko nga hindi pa ako kailan man nagkagusto sa lalaki pero ngayon hindi ko lang alam. Mahirap ipaliwanag , pero mas mahirap pigilan na tignan at isipin siya.

Andiyan siya , seryosong seryoso kung paano niya titirahin ang billiard ball. Ang hot niya lang with his muscle tee, mali nga ang anggulo ko eh nasa harap niya kasi ako kapag gilid mejo kita ko yung abs niya.Sinuot niya ang baseball cap pabaliktad which is mas bagay sa kanya.

"Oy bebe, okay ka lang?" rinig kong sabi ni Kath pero hindi ko masagot dahil busy pa ako sa pagpapantasya ko. Kulang na lang ata tumulo ang laway ko eh.


Mukhang tinignan niya din ang tinitignan ko kaya "Omo! model ba 'yan?"

Tinignan ko si Kath na katulad ko tulala sa kanya. Piningot ko ang tainga niya

"AH!"

"AKIN SIYA" bulong ko sa kanya

"Talaga?" sinuri niya ang buong pagkatao ni uhm ano kayang ipapangalan ko sa kanya? 

"Asan? Saan yung nakapaskil na pag-aari mo siya?" sarkastiko niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin "Ewan ko sayo. Basta akin siya"

"Oh! Sila Elijah ba yan?" rinig kong sambit ni Casey. "Yes" simpleng sagot ni Max. Inunahan niya na kami pumunta kila Matt. 


Nandito rin pala si unggoy na nanonood lang "Oh! Casey nandito kayo" sambit niya pero nang makita niya ako mas nagulat siya "Ikaw?! Mag.. magkakilala kayo?" 

"Teka, kilala mo si Isis?" singit ni Maxine na naguguluhan din habang nakatingin dun sa unggoy

"Oo, nagkita kami.. oh! nagkita nga kami sa tapat ng bahay mo" kumunot ang noo ni Maxine at tumingin sa akin "May nangyari lang kaya lumabas ako ng bahay" kabado kong sabi. Saglit na tahimik si Maxine pero tumango na rin siya at tinignan ang billiard table. Ako naman nakatingin sa natira. Pagkatira niya shoot yung bola bigla niyang tinignan ng mayabang si Matt. Bumuntong hininga lang si Matt at umiling. 

Kakaiba iyong atmosphere dito. Parang nagpupustahan ata sila. Bigla ko na naman nakita ang maliit niyang tattoo sa likod. 

"Upo muna kayo dito" ani ni Ken habang may bitbit na mga upuan

"Thank you Ken" sabi namin at umupo na kami. Grabe lang kasi ang tahimik talaga. Parang sobrang seryoso nila. TInignan ko ang katabi kong si Maxine na seryoso ding nanonood. Ano bang meron?

"Bakit ayaw niyo ng sumayaw?" tanong ni Ken bago uminom sa kanyang beer. Mabuti na lang nandito si Ken para kausapin kami. 

"Pinaalis na kami ng mga tao doon nang nag robot dance si Casey" ngumisi si Ken sa sinabi ni Kath 

"Pre! Ikaw na" sambit ni Matt. Nilingon siya ni Ken "Eto na" tumingin siya sa amin at nagpaalam saglit para tumira

"Elijah, ubos na sa iyo. Kuha ka namin?" tanong ng isang lalaki. So siya pala si Elijah. Napangiti ako, alam ko na din ang pangalan niya sa wakas.

"Salamat pre" lumaki ang mata ko ng marinig kong nagsalita siya. Jusko ang lalim ng boses niya! Ngumiti na naman ako

Biglang mahina akong siniko ni Maxine "Bakit ka nakangiti?" tumingin muna ako saglit kay Elijah bago kay Maxine. Ohmygosh! Tama ba ang nakita ko na nakatingin din siya sa akin?

Umiling ako kay Maxine at ngumiti. Tumayo si Kath at lumapit sa aming dalawa

"Nakakatamad dito. Hindi na naman tayo pagod ano? balik na tayo sa dancefloor"

Tumayo na din si Casey at Maxine "Tara" 

Gustuhin ko mang ma upo na lang dito at pagmasdan si Elijah pero para naman akong tanga kung ako lang mag-isa. Dahan dahan akong tumayo. Nilagay ni Maxine ang braso niya sa akin at sabay na kaming naglakad paalis doon. Atleast alam ko na ang pangalan niya.



Bago kami pumunta sa dancefloor uminom muna kami ng sandamakmak na tequila. Pagpunta na namin doon as usual mga wala na naman kami sa sariling nagtatatalon pero ngayon mejo may tama na kami kaya mas mejo high pa. Mejo umiikot na rin iyong paningin ko pero wala pa rin kaming tigil sa pagsasayaw. Habang tumatagal mas nagiging wild ang mga tao. May nakikita na nga akong naghahalikan habang nasayaw eh. Well , ganito naman talaga dito kaya dapat masanay na. Pangalawa ko pa lang punta sa club, una noong birthday ni Maxine. Kasi sabi namin kapag legal na tayo ang unang una natin gagawin is mag club. July ang birthday ko hinintay ko pa talagang mag october para lang dumaan ang birthday ni Maxine bago pa ako makapunta ng club.

 Pagkatapos ng kanta kumuha muna kaming apat ng Long Island Iced Tea.

Pagkatapos balik na naman kami sa dancefloor. Nagulat ako kay Kath na may sinasayaw na doon. Bahala siya, malaki na siya kaya na niya sarili niya. Basta ako tatalon at sasayaw lang ako kasama sila Maxine. Sigaw kami ng sigaw habang may tumatalon na tao at kaming nasa dancefloor binubuhat siya. Hindi lang iyon hinahagis hagis pa siya.

Maya maya nakita ko na lang si Ken na akay akay si Casey na parang wasted na. Napaka hina naman nun, ako kahit mejo lumalabo na paningin ko kaya pa naman. 


Tumigil muna ako sa pagtatalon.Pinasadahan ko ng tingin ang buong dancefloor at biglang dahan dahan na ring pumikit ang mata ko.


Paint the Town RedWhere stories live. Discover now