(5) Break Time

14 2 0
                                    

"Ano kamusta?" lunchbreak na naming mga nagtatrabaho dito. 30 minutes nga lang eh kaya mabilisan kami gumalaw. Wala man lang 1 oras para naman makapag-ayos at makapag pahinga.

Bumuntong hininga ako at umiling "Bakit?" tinabihan ako ni Maxine at nag-aabang ng sagot

"Masungit daw yung lalaking inaassist niya" napatingin ako kay Matt na umupo sa harap namin. Bumalik ang tingin sa akin ni Maxine "Weh? Eto naman! Ikaw pa masungit at suplada ka din naman kaya kaya mo yan!" tumawa silang dalawa

Dumating na din si Casey at Ken "Kamusta guys?" tanong ni Max sa dalawang mukhang pagod na pagod

"Jusko kung alam niyo lang kung gaano kalaki ang isang kwarto. Isa pa lang ang nalilinis ko ngayon pero tignan niyo naman pagod na pagod na ako" pawis na pawis nga si Casey at mejo magulo ang buhok.

"Oh, umupo ka dito" sabi ni Matt habang kinuha ang tubig niya "Uminom ka na rin"

Napangiti ako, sana lahat nalang ng lalaki ganyan kabait at ka gentleman katulad ni Matt.

"Ikaw Ken?"

Tumawa siya pero halata ang pagkapagod niya "Sinagip ko iyong isang babae na napakataba. As in ang taba talaga! Hirap na hirap nga akong lumangoy dahil ang bigat!" tumawa kaming lahat. Mas okay na iyon kaysa naman sa akin.

"Ikaw naman Maxine! Wala ka naman nabasag dito?" panloloko ko sa katabi kong sobrang busy sa pagkain

"Uy! wag ka! Napuri ako ang bilis ko daw maghugas"

"Ay, baka naman binabasa mo lang ng tubig ha" tumawa siya at tinulak ako

"Ms. Clemente pinapatawag ka ni Sir Sandoval" ani ng boss namin. Sumimangot kaagad ako at tinignan sila "Goodluck!" sigaw ng apat



~~~~~~~~~~



Walang gana akong pumasok sa kwarto niya

"Bakit po?" tamad kong sabi

Tinaas niya ang isa niyang kilay at umayos sa pagkakaupo "Nasa lamayan ka ba?"

Umirap ako at humalukipkip "Ano po yun sir?" maligaya kong sabi. Pilit iyon halata naman eh dahil may bahid pa rin ng pagka sarcastic.

Umiling siya at tumayo "12 na, hindi mo man lang ba naisip na baka nagugutom din ako"

"Kasi naman break time na namin. Pasalamat ka nga pumunta pa ako dito kahit 30 minutes na nga lang yung binigay sa amin at sabi ko nga diba pwede mo naman ako ipatawag"

"Ano ba ito? Diba pinatawag na kita?"

"Oo , sa time ng break ko"

Nagkasalubong ang kilay niya "Alam ko ba ang schedule mo? At teka bakit ang suplada mo? Ako ang boss mo dito ha"

"Okay!" sigaw ko. Nagulat siya pero agad rin ito nawala at kumunot na naman ang noo niya. Akala mo ikaw lang pwedeng manigaw. Parehas lang tayong tao ha! Grabe to "Dito ka ba kakain o sa baba?"

"Dito" mahinahon niyang sabi

"Okay"

Bumaba na ako para magpahatid ng pagkain at iyon na , hindi na niya ako pinatawag muli hanggang sa mag 10 na. Kaya naman nakihalubilo na lang ako sa mga ibang guest nakakatamad naman kasi kung nakatunganga ka lang magdamag. Salamat nalang at saturday bukas walang pasok. Okay naman itong resort, perfect na sana eh kung maayos lang yung pinagsisilbihan ko.





Bago kami magsiuwian muna sa mga sarili naming bahay kumain muna kami sa isang food tent katulad sa korea (pojangmacha). Ang cute nga eh may iilang mga koreano pa ang mga nagtitinda.

"Sino manlilibre?" tanong ni Ken na nakatingin kay Matt

"Sino ba iyong nagtanong edi siya na lang" ani ni Casey habang natatawa

"Oo nga Ken, kahit kailan hindi ka namin nakitang nag labas ng pera"

"Grabe naman kayo intindihin niyo din ang kaibigan niyong walang pera"

"Tumigil ka anong wala! Ang yaman yaman mo wala" natawang sabi ni Matt habang tinutulak si Ken

"Wala nga ako ngayon. Guys, alam niyo bang kakamatay lang ng lolo ko sa tuhod? Eh gusto niya sa America pa ilibing katabi ng asawa niya kaya naman ubos ubos na ang pera ng pamilya namin" tumawa kami. Hindi siya marunong magsinungaling. Umiling ako at ngumisi

"Hindi mo kami ma uuto , tara na mag order na tayo lilibre tayo ni Ken"

"Yehey!"

"Matagal pa ito. Kayong babae gumala muna kayo , may mga clothes shop jan" sabi ni Matt

Hinawakan ni Maxine ang braso ko "Tara! May dala kang pera?"

Kumunot ang noo ko "Maxine wala pa nga tayong natatanggap na sweldo magwawaldas ka na ng pera?"

"May ipon pa naman tayo eh sige na kala ko ba mag eenjoy tayo dito. Please"

"Matt" napatingin kaming lima sa nag salitang babae. Naka dress siya, mahaba ang buhok at may bangs. Nakakakilabot kasi ang intense ng tingin niya kay Matt eh.

"Trixie, anong ginagawa mo dito?" may pagmamalasakit sa tono ni Matt pero lamang ang pagka gulat. Tumayo siya at mahinang hinila yung babae palayo. Sino siya? Nagkatinginan si Matt at Casey at ako naman parang tanga lang na nag-aabang na sabihin nila kung sino iyon.

Paint the Town RedWhere stories live. Discover now