Sienna's POV
Pagdilat ng mata ko nakita ko kaagad ang tv na nakabukas. Babangon sana ako kaso biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko kinaya kaya bumalik ulit ako sa pagkahiga. Pinagmasdan ko na lang ang mga puno na nagalaw dahil sa malakas na hangin galing sa labas ng bintana.
Bumuntong hininga ako at tinignan ko ang maaliwalas na kwarto. Naka dextrose pala ako. Teka? Bakit?
"Nanny, anong ginagawa ko dito?" hirap pa akong bigkasin ang mga salitang iyan. Nagulat ata siya na nagising na ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko kasama ang maganda niyang ngiti "Gising ka na" mahina akong ngumiti at tumango.
"Hindi mo ba naaalala?" napaisip ako sa tanong niya. Ano ba ang nangyari sa akin? Pinilit kong alalahanin kaso wala talagang nalabas sa utak ko.
Umiling ako at tinignan ako ni Nanny na parang kinakaawaan niya ako "Nagkaroon ng sunog ang condo mo. Mabuti nga wala namang namatay"
Oo nga naalala ko na. Noong marinig ko nga ang mga tilian nila nataranta na ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung kukunin ko muna ang gamit ko o tatakbo na ako. Isa pa wala din akong kasama kaya naman mas kinabahan ako. Mabuti na lang, mabuti na lang at walang namatay.
"Gusto mo buksan ko ang bintana? " pumikit ako at umiling "Nasaan po si mom at dad?"
"Hay, alam mo naman busy sila sa trabaho" May sasabihin pa sana siya kaso tinaas ko ang isa kong kamay bilang pagputol ng sasabihin niya. Alam ko na din naman eh at sanay na akong ganoon sila na mas importante ang trabaho. I'm sure kahit isang beses hindi pa nila ako nadadalaw kaya ayoko na rin tanungin iyon. Bata pa lang ako siguro parang makikita ko lang sila every breakfast kasi sabay kami pumasok, ako sa school sila sa office kapag dinner naman hindi namin sila kasabay dahil lagi silang gabi umuwi.
Kaya sobrang pasasalamat ko na nandito si nanny siya na ang magulang ko dahil siya ang nagpaparamdam sa akin na may kadamay ako. 5 years old pa lang ata ako inaalagaan na niya ako at hindi siya nagsasawa kahit na minsan pasaway ako.
"Nagugutom ka ba? Bibili ako sabihin mo lang" tinignan ko siya muli "Opo, kayo na po bahalang pumili ng kakainin ko. You know me too well kaya I'm sure gusto ko iyon"
Ngumiti siya at tumango. Kinuha niya ang purse niya at nagpaalam muna sa akin bago umalis.
Maya maya bumukas kaagad ang pinto. akala ko si nanny kaya biglang kumulo ang tiyan kaso may bumungad na isang babaeng mahaba ang buhok at may bangs. As usual naka high waist siyang skirt at long sleeve na crop top malaki ang ngiti niya at nasa likod naman ang isang matangkad at gwapong lalaki. Napa irap ako sa itsura niya. Kaya madaming nagkakandarapa sa kanya eh yung kilay niya kasi ang mas nagpa gwapo sa kanya.
"Ohmygosh En! Gising ka na" ngumisi ako at tinanggap ang yakap niya "Well, kapag player ka talaga"
"Mabuti naman at nagising ka na. Alam mo bang 1 day ka ng tulog"
"Really? Ang dami atang pumasok na usok sa katawan ko"
Tumawa siya at tumingin kay Elijah "Diba ikaw ang nagyakag na pumunta dito bakit ayaw mo siyang kausapin?" kumunot ang noo niya at niyakap ako.
"Kamusta ka?" tanong ni Elijah nang maka upo siya sa kama ko "Fine. To be honest wala pang isang oras nang magising ako"
Tumango siya "Do you need anything?" umiling ako "Binilhan na ako ni nanny ng pagkain. Anyway, kailan daw ako makaka uwi?"
Ngumisi siya "Sorry pero I reckon you'll still be here for a week" nanlaki ang mata ko "WHAT?" napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit na naman
"See? Hindi ka pa okay"
"Duh! Kuya, wala akong sugat at nahimatay lang ako sa usok. Ang exaggerated naman kung isang week pa ako dito"
Mas lalong lumakas ang tawa niya kaya hinampas ko ang braso niya "I don't know. Yun ang sabi ng doctor"
"It's okay En, I can stay with you here for a week if you want to" napangiti ako sa sinabi ni Trixie. Ewan ko nga kung bakit madaming inis sa kanya for me, I like her. I want her for my brother.
"Thank you Trixie pero hindi pa rin gumaan ang pakiramdam ko. Alam niyo naman hindi ko kayang nakahilata lang"
"Oo. Mabuti nga para tumigil muna ang pag party mo" Umirap ako at humalukipkip. "Hindi ako party goer ha. Nagkakataon lang talaga ngayon kasi puro debut ng mga kaibigan ko"
"Whatever. Mag-usap muna kayong dalawa, matutulog lang ako" ngumiwi ako habang pinapanuod siyang naghahanda humiga sa sofa
"Dylan's asking me about you"
Tumawa ako bago bumaling kay Trixie "Talaga?"
"Ang persistent ng manliligaw mo ha" ngumisi ako at umiling "Paulit ulit kong sinasabi sa kanya na huwag na siyang umasa pero grabe talaga ayaw tumigil"
"Nakakatuwa nga eh ibigsabihin lang nun seryoso talaga siya sayo" tinignan ko na lang siya at hindi na muling nagsalita
Kaso hindi ko pa rin talaga siya magustuhan.
YOU ARE READING
Paint the Town Red
RomanceTiara moved out to study in Willis (her dream school) and also to spend time with her bestfriend Maxine. Find out how they have fun and enjoy their teenage life.