(4) First Day

13 2 0
                                    

Pagkagising ko doon ko lang na-realize na sa sofa na naman ako ng living room nakatulog. Pagkatapos ko kasi kunin yung wallet ko hindi na nawala sa isip ko yung lalaking nakita ko eh kaya habang nag daydream ako sa sofa natuluyan na pala akong nakatulog.


Bumangon na ako at tinali ang buhok. Ako ang magluluto ngayon. Utang na loob ko na na pinatira niya ako dito kaya naman kahit sa maliit na bagay susuklian ko ang kabutihang pinagkaloob niya sa akin.

Kumuha ako ng isang itlog sa ref at kinuha ko sa cabinet ang isang box. Magluluto ako ng pancake. Babatehin ko pa lang ang itlog ng biglang


"Aba! May oras ka pang magluto! Tignan mo ang oras lagpas 7 na"


Natigilan ako sa sinabi niya at nanlaki ang mata ko

"Fuck! Sobrang late na tayo"


Sabi nga before 7 dapat nandoon na eh. Ganyan kami ni Maxine, kung kailan pa mas mahalaga ang gagawin namin doon pa kami nale-late. Ewan ko ba malas talaga ako , naalala ko noong Grade 10 ako, yung week na puro practice sa sayaw para sa Foundation Day binulutong ako kaya problemadong problemado ako kung paano ako makakasunod sa steps eh. Tapos yung mismong sayaw na namin sinisipon ako kaya hindi ako makasayaw ng maayos kasi singhot ako ng singhot hindi ko tuloy na enjoy. Noong nag astrocamp naman kami imbes na madami akong natutunan about sa mga planets, moon , speed of light, constellations at kung ano ano pa nag ubos ako ng oras sa banyo dahil may diarrhea ako at nag susuka. Tapos eto pa juskoo yung prom namin tinubuan ako ng napakalaking pimple sa may ilong kaya wow center of attention! Last, bakasyon na pero dahil grade 10 kami may moving-up ceremony pa so may practice eh sumabay yung wisdom tooth ko, okay lang kung tumubo eh pero ang pwesto niya pa horizontal so tinatamaan niya yung katabing molar kaya naman sobrang sakit at bubunutin tuloy yung wisdom tooth ko. Jusko hindi na naman ako makaka attend sa mga practice kasi 1 week bawal akong mag pagod. Napakamalas diba!


Iniwan ko na ang balak kong lutuin at agad na pumunta sa banyo. Hindi na ako nag isip ng susuotin ko kinuha ko na kaagad ang unang makita kong damit.


"Tara!" tumakbo na kami palabas at mabuti na lang at may bus kaagad kaming nakita. Wala na akong oras para magpatuyo ng buhok kaya naman yung damit ko basa na dahil sa buhok ko. Mabuti na lang mejo mainit dahil natuyo kaagad ang buhok ko at isa pa may kalayuan din ang Sheen Resort. Tinignan ko si Maxine na hindi na mapakali hindi ko alam kung sa nerbyos ba na simula na ang trabaho o late kami.



Pagkarating namin nandoon na sila Casey

"Bakit kayo na late?" nag-aalalang sabi ni Casey

"Nawala sa amin na ngayon nga pala start natin. Sorry ha? Naghintay ba kayo ng matagal" nahihiyang sabi ni Maxine. Alam kong nahihiya siya kasi everytime na pinagsasalikop niya ang mga daliri niya nahihiya siya or hindi kumportable.

"Okay lang ano ka ba"

"Tara na! Nandito na kayo kaya okay na" singit ni Matt. Inakbayan niya kaming dalawa ni Maxine "Goodluck sa atin!"




Inabangan ko na kaagad ang isang red na ferrari. Hindi ko alam kung ano bang talagang model ng ferrari na iyon. Basta concept car siya.

"Ms. Clemente" tawag sa akin ng isang staff

"Po?" ngumiti ako at tinaas ang isang kilay

"Sandoval iyan ha kaya ayusin mo ang pag assist sa kanya"

Tumango ako at inayos ang sarili ko. Nakakakaba naman ito. Naka blue pencil skirt ako at naka white na blouse. Naka pusod ako para mas malinis tignan at uy ang bilis na gawan na kaagad ako ng name badge na nakasulat Tiara Clemente. Napangiti ako mas nakadagdag ng confidence ito.

Pagkalabas niya sa kanyang ferrari kung maglakad papunta sa akin akala mo may fashion show. Hindi ko lang pinahalata na nabighani ako kung gaano siya ka-cool sa paningin ko. Naka wayfarer pa siya mas nakita tuloy ang matangos niyang ilong. Pogi at parang ang bago bago niya pa.


Ay! Binura ko na iyon sa isip ko at sinalubong siya ng magandang ngiti


"Good Morning Mr.Sandoval" masaya kong bati kaso tinanguan lang ako

"Uhm sa room E3 po kayo 4th floor" Dirediretso na siya sa elevator at ako naman kulang na lang talaga tumakbo ako sa sobrang bilis niya mag lakad ang tangkad niya kasi. "May kailangan po ba kayo or gustong gawin?" parang wala lang siyang narinig dahil patuloy lang siya sa paglalakad

"Kapag may kailangan po kayo like dinner reservation or kung may gusto kayong activity na gawin sabihin niyo lang sa akin"

"Okay!" nagulat ako sa boses niya mejo napalakas kasi. Madaldal ba ako? Parang gusto na niya akong patahimikin. Huminga siya ng malim "Ms.Clemente. I will definitely call you kung may kailangan ako kasi iyon naman talaga ang purpose mo dito diba?" mabuti na lang sumara na ang pinto ng elevator kung hindi iuumpog ko siya doon. Bakit ganoon naman talaga mga sinasabi ng concierge diba? Sungit! Suplado!



Hooh! Umiinit ang dugo ko! Pumunta muna ako sa pool at umupo muna sa bench. Pwede bang mag switch ng i-aassist ko baka kasi sisantihin ako kaagad ng wala sa oras kapag may nagawa ako eh. Hindi ako nakakapagpigil sa mga ganoon kasi sa tanang buhay ko hindi ako sinisigawan ng magulang ko at isa pa nagrerespetuhan kami.

"Sis!" Tawag sa akin ni Matt. Oo nga pala lifeguard sila dito. Bumaba siya sa lifeguard chair at tumakbo papunta sa akin.

"Okay ka lang?" nahalata niya siguro na kakasimula ko palang nakabusangot na ang mukha ko. Sino ba namang hindi?

Umiling ako at tumingin "Ang suplado at ang sungit ng binigay sa akin. Mayaman kasi kaya siguro ganoon umasta"

Tumawa siya at umupo sa tabi ko "Hindi naman mawawalan ng ganoon . Wala din tayong magagawa dahil sila ang boss dito. Pagtiisan mo na malay mo hanggang bukas lang yan dito."

Malungkot akong ngumiti at tinignan ang kamay ko. Mahina niya akong sinanggi

"Oh! Ngiti na!Huwag mong hayaan masira ang araw mo sa isang mokong na ganoon"

Mahina akong tumawa "Mokong ha" ngumisi din siya at tinignan ang paligid


"Ms.Clemente at Mr. Gonzales naglalandian kayo sa oras ng trabaho! " napatayo kami sa sigaw ng boss namin

"Hindi naman po kami naglalandian ma'am" mahinang sabi ni Matt

"Anong tawag mo doon? First warning niyo ito ha! Kakasimula niyo lang ganyan na kaagad kayo!"

"Sorry po!" sigaw naming dalawa











P.S Lahat po ng mga sinabi kong kamalasan nangyari po talaga iyon sa akin sa totoong buhay. Grabe lang talaga! Haha bukas na po tatanggalin yung wisdom tooth ko (baba sa left) jusko kinakabahan ako pero kailangan tanggalin. Sana hindi gaanong masakit huhu!

Paint the Town RedWhere stories live. Discover now