Dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug ......
Yan ang sinasabi sa akin ng puso ko ngayon. Hindi makapaniwala na nakita ko ulit siya. Nakakapanibagong pakiramdam itong nararamdaman ko ngayon dahil sabi ko nga hindi pa ako kailan man nagkagusto sa lalaki pero ngayon hindi ko lang alam. Mahirap ipaliwanag , pero mas mahirap pigilan na tignan at isipin siya.
Andiyan siya , seryosong seryoso kung paano niya titirahin ang billiard ball. Ang hot niya lang with his muscle tee, mali nga ang anggulo ko eh nasa harap niya kasi ako kapag gilid mejo kita ko yung abs niya.Sinuot niya ang baseball cap pabaliktad which is mas bagay sa kanya.
"Oy bebe, okay ka lang?" rinig kong sabi ni Kath pero hindi ko masagot dahil busy pa ako sa pagpapantasya ko. Kulang na lang ata tumulo ang laway ko eh.
~~~~~~
Earlier
"Guys, this is Kath. Kaibigan namin ni Sis back when nag study pa kami sa dati naming school"
"Hi" sabi ng tatlo
"Hello! I hope maging close din tayo." tumingin siya kay Matt "At mas higit pa" kinindatan niya si Matt kaya mejo hindi naging kumportable ang isang ito.
Mahina kong binatukan si Kath "Hehe. Pasensya na kayo dito palaging high"
Ngumisi sila "Ano? Party na?" masayang sabi ni Ken
"Pwede bang kumain muna tayo? Kasi yung dalawa kong kaibigan dinakdakan lang ako hindi na ako pinakain" ani ni Kath. Ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya.
Pagkatapos namin kumain sa isang diner nag banyo muna kaming apat na babae para mag retouch. Wala naman sa amin ang nag heavy makeup actually si Casey nga powder lang. Ako kasi nakukulangan ako sa itsura ko kapag hindi ako naglalagay ng kilay at lipstick so iyon ang nilagyan ko ulit.
Nagulat kami nang hinubad ni Kath ang cuddly coat niya at nilabas ang kanyang balat. Naka yellow siyang tube crop top na sobrang nakakasilaw at mas pinakita ang high waist shorts niya at isa pa onti na lang talaga kita na ang pinakatatago niya.
"Kaya mo talagang mag ganyan?" tanong ni Maxine. Dahil kasi kaming 3 kahit naka crop top pero may saklob. Ako naka light pink puffer jacket. Ang cute nga eh regalo lang ito sa akin hindi ko alam ang sarap niyang suotin mabuti na lang binigyan ako nito kasi hindi talaga ako bibili ng mga ganitong damit pero nang nagustuhan ko siya siguro bibili ulit ako.
"Max, ang mga teens ngayon ganito na pumorma. Ewan ko ba sa inyo tinatago niyo pa mga balat niyo" nginitian niya kami at hinalikan si Maxine sa pisngi kaya may kiss mark tuloy siya ngayon.
"Kath!" iritang sabi ni Max. Tumawa na lang kaming tatlo.
Pagkapasok namin sa club agad kaming sinalubong nang malakas na tugtog. Tinignan ko si Maxine na agad ng napapasayaw. Biglang inakbayan ako ni Kath
"Kuha muna tayo inumin" pumunta kami sa bar at umupo
"2 Margarita please" sabi ni Maxine. Agad itong binigay sa kanya ng bartender. Ngumiti ako nang inabot sa akin ni Max ang isa. Iyon talaga ang paborito namin.
"Martini" ani ni Kath
Isang inuman lang iyon ni Kath , pagkalapag niya sa baso tinignan niya kami
"Tara na sa dance floor!" hinila niya kaming dalawa ni Maxine at ako hinila ko din si Casey. Nag pout ako ng tinignan ko ang baso ko. Hindi man lang ako nakatikim man lang kahit isa.
"Girls, mag billiard lang kami" sabi ni Matt
"Huwag niyong hayaang mabastos kayo ha. Kung mabastos man kayo tumakbo kayo at sabihin sa amin" seryosong sabi ni Ken
Hindi na kami nakasagot dahil sobra ang hatak sa amin ni Kath
Pagdating namin sa dancefloor tumalon talon lang kami at sumisigaw. Kapag alam namin ang kanta sumasabay kami. Tawa kami ng tawa dahil alam naming para kaming tanga. Mukhang walang magtatangka mambastos sa amin dahil iniisip ata nilang may mga sapak kami. Nang tinignan ko ang nasa piligid ko halos lahat sila malandi kung sumayaw eh biglang pumunta sa gitna si Casey at nag robot dance. Tawa tuloy kami ng tawa. Tinitignan na siya ng tao kaya pinabayaan na namin siya at kaming tatlo ay talon pa rin talon habang ineenjoy ang music.
Maya maya may nagsalita sa mic na may sikat daw na banda magpeperform. Pagka introduce sa kanila nagsigawan ang mga tao kaming apat kahit hindi namin kilala nakisagaw na lang kami. Masaya ang kanta nila kaya kami talon pa rin ng talon habang nasigaw.
"Ah! Isis, pagod na ako. Pahinga muna tayo" nakahawak na si Maxine sa kanyang beywang
Umalis muna kami sa dancefloor at umupo sa bakanteng sofa. Natawa pa rin kami habang pinagmamasdan ang dalawang nagsasayaw pa din sa dancefloor.
"Sobrang saya nu?" ngumiti siya at sumandal. May nag offer sa amin ng drink kaya kumuha kami at uminom.
Tumango ako at ngumiti. Muntik ko na nga matanong kung bakit malungkot siya kaninang umaga actually simula kagabi nang nagpakita yung Lyric. Ayoko namang sirain yung gabi niya sa tanong ko ngayong nag eenjoy na siya at nakalimutan ang problema niya.
"Kung sana ganito na lang palagi nu? Yung araw araw kang walang iniisip. Hindi mo na kailangan mag-aral, hindi mo na kailangan mag cutting pag may recitation"
Tumawa siya "Hindi mo pa rin makalimutan iyon?" umayos siya sa pagkakaupo at seryoso akong tinignan "At kung sana habang buhay tayong palaging mag kasama. Syempre ang corny kung wala ka ngang hirap pero wala ka namang kadamay sa pagsasaya mo"
Tumango ako at niyakap siya "Promise ko sayo, habang buhay itong friendship natin"
"Lesbians" sambit ni Kath. Pinuntahan na kami ng dalawa at umupo sa tabi namin. Mejo hinihingal pa sila pero hindi mawala ang ngisi sa mukha nila.
Binatukan ni Max si Kath kaya ngumisi lang ako at tinignan si Casey
"Kamusta ang pag robot dance?"
Tumawa siya at uminom sa baso ko "Not bad para sa first time"
"Puntahan natin sila Matt sa billiard?" sinimangutan ko si Kath na parang may iba pang meaning sa sinabi niya dahil kakaiba ang ngiti niya.
"Katherine! Tropa natin iyon tumigil ka nga" asar kong sambit. May experience na din kasi akong ganoon, noong grade nine ako may tropa kami tapos dahil close nga kami mga kapatid na turing ko sa kanila at iniisip kong ganoon din ang turingan ng lahat tapos ayun noong nalaman kong isa sa tropa namin na may gusto sa akin parang naging awkward na. Hindi na siya sumasama sa lakad kaya nakakapanghinayang dahil nawalan ako ng isang kaibigan.
"Tropa NIYO" inemphasize niya pa talaga iyong "niyo"
"Kasama ka na sa tropa kaya off limits na siya"
"Oo nga Kath at isa pa mejo taken na siya" singit ni Casey. Napatingin tuloy ako sa kanya. Taken na si Matt? Meron ba siya? Baka yung Trixie.
"Mejo taken?" naguguluhang sabi ni Kath
"Yep, complicated eh" walang pakielam na sabi ni Casey. Tinignan ko si Max na tahimik na naman at nakatingin lang sa kawalan. May something talaga eh. Sobrang sobrang gusto kong mag tanong pero jusko magtiis muna tayo.
YOU ARE READING
Paint the Town Red
RomanceTiara moved out to study in Willis (her dream school) and also to spend time with her bestfriend Maxine. Find out how they have fun and enjoy their teenage life.