(11) What Activity?

5 1 0
                                    

"Isis!" sigaw ni Casey sa malayo kasama si Ken. Biglang lumipat ang tingin nila sa kasama ko. Nahiya tuloy ako kaya tinignan ko na lang ang paa ko. Pero isipin ko pa lang na kasama ko si Elijah kinikilig na ako eh. Grabe hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari ito.

"Sige mauna na ako may kasama ka na" rinig kong sabi ng katabi ko. Tinignan ko siya sa kulay brown niyang mata. Nakatingala pa nga ako dahil ang tangkad niya

"Bye Elijah" nagulat siya pero agad ngumisi "Alam mo pangalan ko?"

Nabigla ako sa tanong niya. Shocks! baka isipin niya stalker ko siya, matakot pa siya sa akin.

"Narinig ko lang" ngumiti ako, pinipigilang mag blush. Nakangiti siyang tumango pero this time yung ngiti niya kita ngipin. Gosh! ang gwapo niya talaga.

"Saan ka ba pumunta? Pinag-alala mo naman kami" sabi ni Casey nang malapit na kami at niyakap ako

"Kay Elijah iyan?" agad kong naintindihan ang tanong ni Ken. Tumango ako at tinignan ang rash guard niyang sobrang laki sa akin , hindi na kita yung shorts ko. "Nilamig kasi ako. Kaya pinaheram niya sa akin"



Pagdating ko sa lugar namin wala na si Maxine, Matt at  yung Trixie nasa sasakyan na daw. Sinamahan ako ni Casey magbanlaw. Mabuti na lang may dala akong sweatshirt kaya hindi na ako nilalamig. Pagpunta ko sa sasakyan wala doon si Trixie umuwi na rin siguro. Umupo na lang ako sa tabi ni Casey.

Sa byahe walang usapan,wala din ako sa mood makipag-usap at isa pa hindi kami okay ni Maxine. Ito ang pinaka unang nag-away talaga kaming ganito actually hindi naman away ito, tampuhan.

Nakinig na lang ako sa music. Lagi naman ako naka earphone kapag bumabyahe eh nakasanayan ko na.

Pag-uwi namin sa bahay, diretso kaagad ako sa kwarto .Sa totoo lang hindi ko alam kung pagsisisihan kong sumama pa ako sa lakad na ito o nagpapasalamat kasi dahil sa lakad na ito mas lalong ipinaramdam sa akin na wala akong kaalam alam sa buhay ng sarili kong bestfriend pero may parte sa akin na masaya ako dahil kinausap at nakasama ko si Elijah.

Humiga na ako sa kama. Hay! matutulog na lang muna ako



~~~~~~~~~~~~



Hanggang ngayon wednesday na hindi pa rin kami nagkikibuan ni Maxine. 2 days na kaming hindi nag-uusap. Sariling luto ng pagkain at parehas kaming hindi umalis ng bahay ng dalawang araw. At ngayong papasok na kami sa Sheen hindi rin kami sabay pumunta doon. Nauna siya sa akin, mabagal din kasi ako kumilos. 

Hindi ako makapaniwala na natitiis niya akong hindi kausapin pero mas hindi ako makapaniwala na kaya ko. Kaya ko ba talaga or nagmamatigas lang ako?


Nagpalit na kaagad ako ng uniform namin at dahil hindi naman ako pinapatawag ni Sir Sandoval tumutulong ako sa pag assist ng mga ibang guest.

"Naku Sir! Kapag tinry niyo ang spa namin babalik kayo sa pagkabata niyo" tumawa lang ang guest naming nasa mid 60's na "Makakatakbo ulit kayo at baka nga pag nag racing tayo manalo pa kayo"

Tawa pa rin siya ng tawa "Ganoon? Sige ta-try ko iyan mamaya" tumingin siya sa aking name badge "Ms.Clemente" ngumiti ako "Sige po magpahinga muna kayo" 

Yung isa naman na guest namin may anak na 4 year old na babae. Sobrang cute parang manika kaya nilalaro ko siya at pinapatawa. Tinandaan ko talaga ang pangalan ni ma'am para kapag makita ko ulit sila lalaruin ko ulit iyong bata. Ang pangalan niya daw ay Chloe.



Maya maya ng mejo wala na kaming mga bagong guest napagdesisyunan kong tumulong muna ako kay Casey na housekeeper. 

"Isis, ikaw na lang magpunas ng window para hindi ka masyadong pawisan" ngumit ako at kinuha ang pamunas. Nagtungo na kaagad ako sa window at nag simula ng magpunas. 

Masaya kaming nagtatrabaho ni Casey dahil may kasama kaming kwentuhan. Ngayon ko lang nalaman na may boyfriend na siya kaso matanda sa kanya ng 5 years which means 23 na iyon. Pero mabait at nirerespeto naman daw nung lalaki siya. Mabuti naman dahil sa age ng ganoon madami ng natakbo sa isip ng isang lalaki. 

Pagkatapos  namin maglinis sa isang kwarto lumipat na kami sa katabi noong para mag linis ulit

"Kamusta na kayo ni Maxine? Okay na kayo?" bumuntong hininga ako at tinignan ang basahang hawak hawak ko

"Ewan ko Casey parang hangga't hindi siya lalapit sa akin at sabihin ang nangyayari sa kanya parang hindi ko siya kayang kausapin pa. Okay na nga sa akin kahit hindi siya mag sorry sabihin lang niya kung anong mayroon" tinignan ko na si Casey "Alam mo diba?"

Dahan dahan siyang tumango. Gusto ko ng umiyak. Ano ba kasi talaga iyon? Ang sama na ng loob ko ngayon at yung siya pa iyong hindi kumakausap sa akin.

"Kaibigan niya ba talaga ako? O ganun ba kabigat at nakakahiya ang problema niya dahilan kung bakit hindi niya masabi sa akin"

"Sa totoo lang kung ako si Maxine sasabihin ko na sayo ngayong nagiging close na kayo ni Elijah"

Biglang kumunot ang noo ko "Bakit napasama si Elijah dito" tinikom niya lang ang bibig niya at umiling "Ayokong mag salita. Hahayaan ko na lang si Maxine ang magsabi sa iyo"

May pumasok na isang staff sa kwarto "Ms.Clemente pinapatawag po kayo ni Sir Sandoval"

"Susunod na ako" tumingin ako kay Casey "Maiwan muna kita" tumango siya at ngumiti. Ayoko munang isipin iyon at baka maapektuhan pa ang pagtatrabaho ko. Dapat alam ko kung paano ko kokontrolin ang emosyon ko kapag dating sa trabaho at nangyayari sa labas nito. 





Pagkapasok ko sa kwarto ni Sir Sandoval parang ready na ready na siyang lumakad "May activity po ba kayong gagawin?"

Ngumiti siya at sinuot ang wayfarer niya "Yep. Magbihis ka muna ng totoo mong suot tapos pumunta ka sa sasakyan ko sa labas"

"Po? Teka ano po bang activity niyo para maihanda ko po yung mga bangka if ever mag island hopping kayo" 

Tuloy tuloy na naman siya sa paglalakad "Ms.Clemente ang activity na gagawin natin ay wala sa Sheen"

"Huh?' naguguluhan kong tanong. Tumigil siya at nilingon ako "Aalis tayo sa Sheen at pupunta tayong Laetitia"

"Ano? Bakit kasama ako?"

Umirap siya at nakapameywang "Oras ng trabaho mo at ang trabaho mo ay i-assist at pagsilbihan ako kaya inuutusan kitang sumama sa akin. Kung ayaw mo madali lang naman sasabihin ko lang sa boss mo na ayaw mo akong sundin at sisisantihin ka lang" nagulat ako sa sinabi "Ito na po sir magbibihis na ako" tumakbo na ako papuntang locker ko at mabilis na nagbihis. Ano kayang gagawin namin at saan naman kami pupunta?

Paint the Town RedWhere stories live. Discover now