(9) Rash Guard

7 1 0
                                    

Pagkagising ko biglang sumakit ang ulo ko. Tinanggal ko muna ang sleeping mask ko bago dahan dahan bumangon. Para talagang pinipiga ang ulo ko.

Teka, anong nangyari kagabi?

Ang huli kong naalala nasa dancefloor ako tapos , tapos anong nangyari? Shocks! ito talaga ang problema pag nalasing ka eh hindi mo maalala. Sino kaya nag-uwi sa akin?

Pagkababa ko nakita ko si Maxine na naka tank top at denim shorts

"Saan punta?" humikab ako at umupo sa high chair. Hindi ko pa nga maidilat ang mata ko sa sobrang puyat.

Nakangiti siyang umirap "Ang boring naman kung mag stay home lang tayo ngayon. Isis, summer ngayon so anong unang pumasok sa isip mo pag sinabing summer?"

"Beach" lumapad ang niti niya "Correct! So maligo ka na jan at aalis tayo nila Ken"

Bumuntong hininga ako "Max, kayo na lang ang sakit ng ulo ko"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang likod ko "Sa tingin mo ako hindi? Kapag nakarating na tayo doon mawawala na yan"

"Hindi, masakit talaga at isa pa puyat ako magbabawi ako ng tulog"

Nag pout siya at kumunot ang noo "Ang kj mo talaga. Pwede naman pag uwi na lang matulog ka hanggang bukas"

Tumawa ako at napahawak sa ulo "Come on! May kotse tayo hineram ni Matt yung sasakyan ng dad niya"

"Okay okay! Eto na! Pero pwede mag almusal muna?" tinaas niya ang isang kilay niya at nginusuan ang nakahatag na pagkain "Eat. Kukunin ko lang gamit ko sa taas" 



~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naka denim overall shorts ako at yung mismong bra top na swimwear na panliligo ko. Nagkataon din kasing sobrang init ngayon kaya naman mas presko kung ganito. Nagsuot din ako ng baseball cap at I think suitable naman gumamit ng backpack dahil madami akong bibitbitin. 

"Woah! You're freakin' hot today" may panunuksong tonong sabi ni Maxine. 

Ngumisi ako at mahina siyang sinanggi "Tara na!" 

Pagdating nila Matt pinagpiyestahan din ang suot ko. Parang ang expose lang naman ay likod eh paano pa kaya mamayang naka bikini ako? 

Buong byahe natulog ako kaya naman pagkagising at pagkadating namin ganadong ganado ako.

"Ayy oo nga pala paano nakauwi si Kath?" ngayon ko lang naalala actually ang dami kong gustong itanong eh pero nagugutom na ako kaya mamaya na lang

"Hinatid ni Ken" sabi ni Matt habang aligaga sa pagbaba ng gamit namin. Inabot niya sa akin ang bag ko kaya kinuha ko ito "Thanks"

"Aww ang sweet mo naman Kenny" natutuwang sabi ni Maxine 

Kumunot ang noo ni Ken at piningot ang ilong niya "Ginawa ko lang naman ang dapat gawin ng isang lalaki eh" ngumisi si Maxine at patuloy pa rin ang pang-aasar kay Ken

"Tama na yan! Kumain na muna tayo" sabi ni Matt. Dahil pabor ako sa sinabi niya sumunod na kaagad ako sa kanya. 2 oras din ang byahe kaya bakit ka hindi magugutom? At isa pa gutumin talaga ako. 

Pagkarating namin sa isang kainan nag order kaagad si Matt ng sakanya 

"Ano sayo Sis?"

"Hmmm.. burger and fries na lang" ngayon ko lang napansin na kami palang pala ni Matt ang nandito. Saan pa ba pumunta iyong tatlo? Tumango siya at sinabi ang gusto ko sa kahera.

"Pare, kayo na naman?" nagulat ako sa nagsalita. Boses ni unggoy iyon eh. Nilingon namin siya ni Matt at boom! Kasama din niya si Elijah na naka rash guard ngayon. Lahat na lang ata bagay sa kanya eh eto na naman ako. Inalis ko na lang ang atensyon niya at tinignan ko na lang si unggoy kahit na alam kong nakatitig siya sa akin. Ang lakas tuloy ng kabog ng puso ko.

Tumango lang si Matt "Diba may date kayo ni Trixie?" sambit ni Elijah. Napatingin ako kay Matt na nganga lang. 

"Oo eh kaso biglang nacancel may pupuntahan daw sila ng family niya" tumaas ang isang kilay ni Elijah pero agad din tumango. Tumingin siya sa akin pero nang magkasalubong ang mata namin nag-iwas siya ng tingin.

"Sige mauna na kami" ani ni Matt nang binigay na sa amin ang mga inorder namin. Kukunin ko na sana ang inorder ko agad kinuha ito ni Matt "Ako na" ngumiti ako at kinuha na lang ang drinks naming dalawa "Ako na lang magbibitbit nito" ngumiti din siya at umalis na sa harap nila Elijah. Gusto ko nga ulit siya tignan kaso nahaharangan ni Matt ang paningin ko.

Nakita ko na rin ang tatlong nagtatawanan pa "Saan ba kayo galing?" 

"Nag cr kasi si Casey kaya hinintay na namin ni Ken"

Tumango ako at umupo sa nilatag ni Maxine na mat. 

"Mag order na kayo baka humaba pa pila" ani ni Matt. Binigay niya na sa akin ang burger at fries ko kaya agad ko itong nilantakan. Sa sobrang gutom ko hindi ko na talaga nilasahan ang pagkain basta lunok lang ako ng lunok.

"About kay Trixie" bigla akong napatingin sa kanya . Tumawa siya "May ketchup ka sa gilid ng labi mo" agad kong kinuha ang tissue at nahihiyang pinunasan ito 

"I'm sure wala kang idea kung sino siya" seryoso niyang sabi. Tumango lang ako at hinintay ang sasabihin niya

"Uhm, kasi kaming mga lalaki kapag may nagkagusto sa amin tapos hindi namin gusto ayaw namin na sabihin iyon sa kanila direkta kaya ginagawa namin sa aksyon. Si Trixie kasi may gusto sa akin ipinaparamdam ko na ayaw ko sa kanya pero hindi niya iyon maramdaman. Kaya hinahayaan ko na lang siya kung anong gusto niya hanggang sa magsawa na lang siya sa akin"

Tumango ako "Bakit? May kulang ba sa kanya? Maganda naman siya"

"Oo maganda siya pero sa ugali" naintindihan ko na kung anong ibigsabihin niya kaya kahit hindi niya na ituloy iyon gets ko na. Ito ang napansin ko kay Matt, sobrang bait niya. Iniisip niya yung feelings ng ibang tao at isa pa ayaw niyang may masaktan siya.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung sana mawala na yung feelings niya sayo or ikaw ang magka feelings sa kanya" ngumisi siya at uminom "Malay mo kasi ikaw yung magpapabago sa ugali niya"

Umiling siya at tumingin sa akin "Hinding hindi mangyayari iyon. Kung kilala mo si Trixie hinding hindi mo maiisip yan" tumango ako at tumawa

Dumating na sila Casey kaya hindi na namin pinag-usapan iyon. Okay unti-unti ko ng nalalaman ang mga tanong sa isip ko. 

Paint the Town RedWhere stories live. Discover now