(3) Decorating

13 2 0
                                    

Currently nasa bus kami para mamili sa Next. Iyong perang gagamitin ko ay ang mga pinagsama samang pera na natanggap ko noong debut ko. Hindi pa kasama iyong bigay ni dad na 100k sa akin salamat sa mayayaman kong mga ninong at ninang. I'm sure bibigyan naman nila ako ng pera kapag nangailangan ako pero ayokong may masumbat sa akin at isa pa may magagawa naming paraan para magkaroon ako ng pera na hindi nahingi sa kanila at isa pa nakakahiya na. Malaki na ako kaya ayoko maging pabigat pa, pinapaaral pa nila si Alonzo kaya pagdating sa mga gusto kong bilhin ayokong humihingi ng pera. Kaya ngayon determinado na talaga akong mag summer job.

Paglingon ko kay Maxine ngumisi ako nang nag sulat siya ng pangalan niya sa moist ng bintana. Isip bata.

Umuulan kanina mabuti ngayon tumila na wala pa naman kaming payong.

"Kamusta sila Matt?" biglang sabi niya Tumingin ako sa kalsada na puro building.

"Matt's cute. Ewan ko lang yung dalawa pa"

"Oy tropa ko yun at soon magiging tropa mo din kaya naman parang magkakapatid na tayo"

"Sus wala din naman akong balak nu. Anyway, sure ka ba sa pinili mo? Max, kilala natin pareho ang sarili mo sa tuwing naghuhugas ka or nagluluto walang gamit na hindi nababasag"

Umirap siya "Alam mo ba ang kasabihang 'Face your fear?'"

"Pero hindi sa ganito. Walang second chance doon I'm sure kayang kaya nila tayo palitan. Sometimes, isipin muna natin yung gagawin natin kasi minsan pag nagkamali ka hindi yun experience, katangahan iyon"

"Basta, kaya ko yan! Ito imbes na palakasin ang loob ko! Think positive lang tayo"

"Bahala ka. Ikaw naman yung makakaltasan ng sweldo"

"Ito naman! You don't trust me?" nagpout pout pa siya. Hindi naman bagay sa kanya.

"No" simpleng sabi ko

"Ah!" napasigaw ako sa sobrang lakas ng hampas niya

"Sorry po" sabi ko sa mga taong nakatingin sa akin bago ako bumaling kay Maxine. Sinakal ko siya pero imbes na hindi siya makahinga tawa siya ng tawa.



~~~~~~~~


NEXT


Kumuha muna kami ng cart bago pumasok.

"Ano unang bibilhin?" Mukhang naeexcite din siya. Masaya naman kasi talaga mag decorate ng bahay eh.

"Pillows and blankets. Sa pillows bibili ako ng 10"

"Huh? Ang dami naman ata nun"

"Unang una sa kama 6 pero 3 different sizes. Kasi gusto ko 2 black sa pinakamalaki unan tapos gray tapos white sa pinakamaliit. Tapos yung 4 na pillow na magkakaparehas na size ilalagay ko sa window seat. Siguro dalawang gray at dalawang black yung kulay"

Yun nga ang favorite ko sa kwarto eh yung window seat dahil pag lingon mo sa window kitang kita mo yung city lights sa gabi

"Okay. Hindi ba sobrang patay naman ng kulay mo?"

Ngumiwi ako "Mas nakakarelaks kayang tignan. TIgnan mo yung kwarto mo sobrang tingkad ang sakit sa mata. At saka parang hindi mo naman ako kilala miski damit ko ganoon lang ata ang mga kulay kung hindi lang ako niregaluhan noong debut ko ng mga floral na dress"

Tumawa siya "Pero bagay naman kasi sayo lahat ng kulay. Sobrang puti mo kaya. Hindi ka kasi lumalabas ng bahay"

Tumawa ako "Hindi ako masyadong lumalabas ng bahay hindi para magpaputi ng sobra, wala lang talaga akong magawa sa labas"

Paint the Town RedWhere stories live. Discover now