CHAPTER 1

953 15 3
                                    

Masayang nagtatawanan at magkakasama sa isang mahaba at malaking bangka ang magkakaibigan, at ilan pang Estudyante.

Habang Tinutungo nila ang Gitnang karagatan gamit ang ilang sagwan.

Lulan ng malaking bangkang iyon si Jimmy, at ang Girlfriend niyang si Sandra, si Rian na bestfriend niya, si Kate na kababata ni Sandra, at ilan sa tropa nila na si Ronna, Kean at Marrie fe.

Kasama rin doon ang Badboy at Barumbado ng kanilang School na si Jerik. ang Mortal na kaaway ni Jimmy, si Neco, ang pinsang buo ni Jerik, at si Airah, ang Sexy at Liberated na Gf ni Jerik.

Nagsasaya ring nakaupo sa may dulo, ang tatlo, ang sikat at Iniidolo ng kanilang School.

Si Jc, ang Hearthrob at singer ng School nila na kapated ni Jimmy, si Jonathan, ang Accoustic Guitarist ni Jc, bestfriend and Classmate niya sa 4th year College, at si Cheena, ang maganda't sexy na Girlfriend ni Jc, isa ring singer, dahil sa kagandahan ng boses.

si Jc at Cheenah, Perfectong Paris ika nga nila, dahil magkaparehong-maagkpareho, sa kaanyuan or kaugalian.

Si Jc naman at Jonathan, ay kinagiliwan ang pag-guesting sa mga bar upang kumanta every friday night, isa kasi ito sa kanilang hobby.

Kinakanta ni Jc ang mga songs na Ginagawa niyang Accoustic Version, habang Pina-play naman ni Jonathan ang Gitara.

Napansin din ni Jimmy ang ilan sa mga Teacher nila roon, tulad ni Mss. Teressa Santos na Adviser ng Math Subject at siyang pinaka close ng karamihang Estudyante, si Roland, ang Coach nila sa mga sports and Games at Isa ring Guro ng Pribadong Eskwelahan, at si Mr. Joe.

Bukod doon, ay marami pang Estudyanteng nakasakay roon habang nasa pinakadulo't hulian nakaupo si Jimmy.

'di na niya naaninag kung sino pa 'yung iba.

sa ilang saglit lang, ay biglang dumampi kay Jimmy ang malakas na Hangin na 'di naman naramdaman ng kanyang mga kasamahan.

pero tuloy sila sa pag-iingay at pagsasaya.

At sa 'di maipaliwanag na pangyayari, ay bigla na lamang umusok ang paligid ng karagatan, uminit ang pakiramdam nila gayung wala namang apoy na lumiliyab roon.

At unti-unting natutunaw ang bahagi ng bangkang iyon.

Nagsisisigaw ang lahat habang dinaramdam ang kumukulong tubig at natutunaw na bahagi ng malaking bangka.

Hanggang sa lamunin na ito ng mainit na tubig, liban lamang sa maliit na bahagi na kinaroroonan ni Jimmy.

Kabadong-kabado siya habang pinagmamasdan ang lahat na nagtatampisaw sa dagat, at naghihiyawan.

Jimmy, tulungan mo kame!! Huhuhu" wika ng lahat na nag-iiyakan.

pero 'di mawari ni Jimmy kung ano ang gagawin niya.

habang unti-unting nasusunog ang mga katawan nila.

sa ilang saglit lang, ay umitim ang mga katawan ng mga Estudyante at naging abo na lang ito.

Isang mala-impyernong Apoy ang nagliliyab sa ilalim ng dagat ang labis na sumindak kay Jimmy.

nang pilitin niya ang sarili na maaninag kung ano ang naroroon sa ilalim ng dagat.

Huhhh!!! Napabalikwas siya, mula sa masamang panaginip niya ng gabing iyon.

Nagising naman ang Kuya Jc nya na kasama niya sa k'warto at nasa kabilang kama.

Jc: Oh Jimmy, anong nangyari sayo?!" pagtataka niyang tanong.

Jimmy: wala kuya, nanaginip lang ako ng masama.

FINAL DESTINATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon