Kabanata 3

1.1K 44 1
                                    

   Puro kaluskos at paghinga lamang nilang anim ang naririnig nila sa oras na iyon. Gusto nilang lumabas ngunit walang may lakas ng loob na hanapin ang pinto.

   Sa gitna ng katahimikan ay nagkusa na lamang si Jofer na gumapang na parang isang bulag na nangangapa sa buong kuwarto. Dahil alam niyang nasa likuran niya ang pinto ay ito ang lugar na tinungo niya. Habang tumatagal ay nasasanay siya sa kadiliman. Sa gitna ng kanyang pangangapa ay isang matalim bagay ang tumama sa kanyang kamay. Napasigaw pa siya nang bahagya nang maramdaman niya ito. Kinapa niya ang parte ng kamay niya na natamaan at doon na niya napansin ang dugo na umaagos mula rito.

   "Guys?! Okay lang ba kayo? Sino 'yun?" Sigaw ni Andrew nang marinig niya ang pagsigaw ng kaibigan.

   "A-ako 'yun... N-nasugatan lang ako, wala kayong dapat ikatakot." Paliwanag ni Jofer. Patuloy pa rin siya sa paghahanap sa pinto at nang makapa na niya ang door knob ay agad niya itong pinihit.

   Agad na pumasok sa loob ng kuwarto ang liwanag mula sa labas. Nagkatinginan silang anim at saka mabilis at nag-unahang makalabas. Sa paglabas nila ay agad nilang nilapitan si Jofer upang makita ang sugat na natamo nito.

   "Malaki ang sugat mo, Jofer! Kailangan na 'yang magamot, kung hindi ay mauubusan ka ng dugo!" Wika ni Karla habang hawak-hawak ang braso ni Jofer. Patuloy lamang kase ang pag-agos ng dugo mula sa braso niya na parang gripo na naiwang nakabukas.

   Mabilis na pumunit ng kapirasong tela mula sa sarili niyang damit si Kristian. Agad niya itong ipinulupot sa sugat ng binata upang mapigilan ang paglabas ng dugo nito.

   "S-salamat, Kristian..." Nginitian lamang siya ng kaibigan. Muling gumaan ang loob niya sa kaibigang minsan niyang kinasamaan ng loob. Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang sumiklab ang isang gulo sa pagitan nilang dalawa...

   "O, pre. Balita ko hindi lang ikaw ang kinakasama ni Karla, ah? Kasama rin niya kagabi si Jofer. May pinag-uusapan nga sila kagabi sa party, e. Baket, break na ba kayo at napalitan ka na niya kaagad?" Wika ng isang kaibigan ni Kristian na nakasabay niya sa isang jeepney. Agad na kumulo ang dugo niya at imbes na umuwi ay pinuntahan niya si Jofer sa apartment na tinitirhan nito.

   ***---***

   "Jofer! Jofer! Lumabas ka riyan! Hayup ka, papatayin kita!" Sigaw ni Kristian na wala nang pakialam sa mga taong nanonood sa kanya sa kalsada. Narating na niya ang apartment na tinutuluyan ng binata at hindi pa rin ito lumalabas.

   Pero maya-maya ay bumukas rin ang pintuan nito. Bumungad sa kanya ang kasintahan niyang si Karla na nakangiti pa na tila nagpapaalam na kay Jofer. Hindi siguro siya nito napansin kaya't patuloy itong naglakad papunta sa gate.

   "Karla! Anong ibig sabihin nito?!" Bungad na tanong ni Kristian sa dalaga. Nagulat ito ngunit muling ngumiti.

   "Nandito ka rin pala? Haha! Para kang baliw, wala na. Nasira na 'yung surprise ko para sa birthday mo." Sabi nito. Napatingin si Kristian sa mga hawak na litrato ng dalaga. Puno ito ng mga larawan niya kasama si Jofer at ang mga kaibigan niya noong high school.

   "Anong gagawin mo rito?" Tanong niya habang nakatingin sa mga larawan.

   "Gagawa ako ng isang giant scrapbook. Kaya pinuntahan ko lahat ng kakilala mo noong bata ka pa, para mangolekta ng mga throwback pictures mo. Hahaha!" Natatawang wika ni Karla.

   Lumabas na rin ng apartment niya si Jofer na nakakunot ang noo. Nalilito siya kung bakit maraming tao ang nasa labas ng kanyang bahay. Napatingin siya kay Kristian. Mukhang naiintindihan na niya ang ginawa nito, mula sa mga batong nakapasok sa loob ng gate at pati na rin sa ekspresyon ng mukha nito.

   "A-anong ginawa mo rito, Kristian?" Tanong ni Jofer sa kaibigan. Hindi ito sumagot at nakaimik.

   "P-pasensiya ka na, akala ko kase..." Nahihiya niyang sagot. Hindi sila maintindihan ni Karla at nanatili na lamang ito na nagtataka.

   "Umalis na kayo... Umalis na kayo!" Sigaw ni Jofer na agad namang ginawa ng magkasintahan.

Tuluyan na kayang naglaho ang galit na nararamdaman ni Jofer kay Kristian? Abangan...

Laro Ng Kamatayan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon