Kabanata 4

1K 35 2
                                    

   "So, paano nang gagawin natin nito? Hindi raw tayo makakalabas lahat. Isa lang daw ang maaari at paano naman 'yung iba?" Naiiritang tanong ni Lovelie. Nakahalukipkip pa ito at tila naiinip na.

   "Alam niyo guys, dalawa lang naman kase 'yan e. It's either manatili tayong anim dito na buhay or magpatayan tayo at kung sinong matira, siya ang makalalabas..." Wika ni Andrew. Lalong nairita si Lovelie sa sinabi ng binata. Marahas niya itong nilapitan at pinagpapapalo.

   "Alam mo Andrew, paano kaya kung ikaw ang unahin kong patayin, ha? Nakakairita na 'yang mga sinasabi mo, e! Akala mo kapag nakasalamin ka at palaging ikaw ang nagsasalita, ikaw na ang matalino?! Puwes nagkakamali ka! Mukha ka lang tanga!" Patuloy pa rin siya sa paghampas sa dibdib ng binata. Inawat na siya nina Kristian at Angelica ngunit ayaw niya pa ring magpaawat.

   "Makaalis na nga rito!" Naiinis na sigaw ng dalaga. Naglakad siya palayo at humiwalay sa grupo.

   "Lovelie, bumalik ka rito! Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay!" Sigaw ni Angelica ngunit hindi siya pinakinggan ng dalaga at patuloy pa ring naglakad. Maya-maya pa ay hindi na siya nakita pa dahil tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang nilalakaran nito.

   "Ano, Andrew? Hihintayin mo lang na bumalik dito si Lovelie? Alam mo naman na mataas ang pride, noon. Sundan mo na lang!" Wika ni Jofer. Nakonsensya na rin si Andrew kaya't tinahak na rin niya ang daanang pinuntahan ni Lovelie. Naiwan sina Angelica, Jofer, Kristian at Karla sa gitna ng sahig.

   "Maghahanap muna kami ng daan palabas..." Wika ni Karla. Sinenyasan niya si Jofer upang sumunod sa kanya at agad naman itong tumayo.

   Nakatulala si Kristian habang tinitingnan ang kutsilyong natagpuan kanina ni Andrew. Paano kung tama nga ang sinasabi nito?

   "T-teka, Kristian..." Nauutal na wika ni Angelica. Napansin na niya ang pagkatulala nito. Sinundan niya ang tinitingnan ng binata at nakita ang kutsilyong natagpuan kanina ni Andrew.

   "Ano bang iniisip mo at natutulala ka?" Tanong ni Angelica saka umakbay kay Kristian. Napakunot na lamang ng noo si Kristian ngunit hindi na niya pinansin ang pag-akbay nito.

   "Paano kung gusto talaga tayong mamatay lahat ng lalaking iyon na nasa video? Angelica, ayoko pang mamatay. Kailangan pa ko ng pamilya ko." Makikita mo ang takot sa mga mata nito.

   Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang hinalikan nang marahas ni Angelica sa labi si Kristian. Nagulat ang binata at hindi na nakasagot pa. Ngunit hindi pa natapos ang lahat at hinawakan pa ng dalaga sa batok si Kristian at tila tinutulak nito ang ulo niya papunta sa kanya.

   Nang makatiyempo si Kristian ay inalis niya ang kanyang sarili sa pambibihag ng dalaga. Galit ang mukha nito na kinausap si Angelica.

   "Ano bang problema mo, ha?! Bakit mo ginawa 'yon?! Wala ka na bang natitirang respeto sa sarili mo, ha?!" Napatayo si Kristian mula sa pagkakaupo sa sahig. Napatingin sa kanila sina Karla at Jofer na kalalabas lamang mula sa isang silid.

   "O, anong nangyari dito? Naghahanap lang kami ng daan palabas, pagkatapos, nagsisigawan na kayo rito?" Nagtatakang tanong ni Karla.

   "W-wala..." Pinagtakpan na lamang ni Kristian ang nangyari. Matalim niyang tiningnan si Angelica ngunit iniwasan lamang siya nito ng tingin habang kagat-kagat ang sarili niyang mga labi.

Ano kaya ang mga sikretong itinitago nilang lahat? Abangan...

Laro Ng Kamatayan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon