"Babalik na kami sa paghahanap, ha? Manatili na lang kayong dalawa rito para kung sakali mang dumating na sina Lovelie at Andrew dito, at least, may madadatnan sila." Wika ni Jofer at saka sinenyasan si Karla na aalis na sila. Hindi na ito pinansin si Kristian kahit na dapat ay siya ang kasama ng kasintahan na si Karla. Simula kasi nang mangyari ang insidente noon sa apartment ni Jofer ay hindi na siya muli pang nagsuspetsa sa pagiging tapat sa kanya ng kasintahan. Alam niyang kahit kailan ay hindi siya nito lolokohin.
"Sige na, mauuna na kami." Wika naman ni Karla habang nakatingin kay Kristian. Naglakad na ang dalawa palayo upang maghanap ng lagusan palabas ng lugar na iyon.
Nang silang dalawa na lamang ni Angelica ang natitira ay muling nagbalik ang galit na nararamdaman niya. Hindi naman nagsasalita si Angelica at nakaupo lamang sa isang sulok.
"Angelica, ayusin mo nga 'yang sarili mo, humanap ka ng lalaking mamahalin ka rin pabalik! 'Yung lalaking handang pagtiisan 'yang ugali mo!" Galit ngunit pabulong na wika ni Kristian. Ayaw na niyang marinig pa siya nina Karla dahil baka isipin pa nitong nagtatalo silang dalawa.
Tiningnan na lamang siya ni Angelica habang nakasimangot. Nangingilid na ang mga luha sa mata ng dalaga. Kaunting panahon na lang ang bibilangin at tuluyan na itong tutulo.
"Ano, Angelica? Bakit hindi ka makasagot? Nasasaktan ka sa mga sinasabi ko? Paano pa kapag nalaman 'to ng buong tropa, ha? Nag-iisip ka ba? Pati relasyon namin ni Karla, sisirain mo!" Wikang muli ni Kristian. Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil pa ang dalaga sa kanyang nararamdaman. Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina niya pa kinikimkim.
"Pagsisisihan mo ang lahat ng ito, Kristian. Minahal kita, pero hindi mo man lang 'yon binigyan ng halaga..." Wika niya habang patuloy sa pag-iyak. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig saka tumakbo papunta sa harap ng isang pader.
Napakunot na lamang ng noo si Kristian dahil hindi niya maintindihan ang nais gawin ng dalaga. Ngunit ilang saglit pa ay nagsigawan silang dalawa.
"Urghhh! Tama na! Nasasaktan ako!" Sigaw ni Angelica habang inuuntog niya ang sarili niyang ulo sa pader. Unti-unti na ring natulo ang dugo sa kanyang noo ngunit tila wala siyang nararamdaman. Kasabay na rin nito ang panghihina niya at pagkahilo.
"Angelica! Tumigil ka! Huwag mong saktan ang sarili mo!" Sigaw ni Kristian habang pinipigilan ang dalaga sa ginagawa nito sa sarili. Halos hindi niya mahawakan ang kaibigan dahil sa pagwawala nito, ngunit maya-maya lamang ay nanghina na ito at napaupo sa sahig. Mabuti na lamang at nasa likuran niya ang binata kaya't hindi ito nauntog sa matigas na simento.
"Angelica, ano bang ginagawa mo sa sarili mo, ha?! Magtigil ka nga!" Sigaw ni Kristian. Ngunit lalo lamang niyang ginalit si Angelica pati na rin ang damdamin nito. Sumigaw itong muli saka naghisterikal.
"Arayyy! Nasasaktan ako, Kristian! H-huwag... Maawa ka sa akin..." Kunwari'y nagmamakaawang sigaw ni Angelica. Kasunod nito ang pagpapabaon niya ng kanyang kuko sa sarili niyang braso. Idiniin niya ito nang buo niyang puwersa kaya naman nag-iwan kaagad ito ng malalaki at malalalim na sugat. Hindi na siya mapigilan ni Kristian dahil baka pati siya ay masaktan niya.
Hindi rin nagtagal ay tumigil na si Angelica sa kanyang ginagawa. Nanghihina itong humiga sa sahig. Duguan at puno ng mga sugat. Hinang-hina ito at pawis na pawis.
Ano kayang susunod na mangyayari kay Angelica? Abangan...
BINABASA MO ANG
Laro Ng Kamatayan (COMPLETED)
KorkuNagising na lamang ang anim na magkakaibigan sa loob ng isang bahay na walang daan palabas. Napag-alaman na lamang nila na kailangan nilang magpatayan upang may matirang isa at iyon lamang ang maaaring mabuhay sa kanila. Ano kaya ang kapalaran na na...