Kabanata 5

905 41 2
                                    

   "L-Lovelie? Lovelie?" Hindi na mapakali si Andrew dahil kanina niya pa hinahanap ang kaklase. Bawat pintong nadaraanan niya ay binubuksan niya mahanap niya lamang ang dalaga.

   "Lovelie, sorry na! Bumalik na tayo doon!" Sigaw pa niya ngunit nag-eecho lamang ang bawat salitang sinasabi niya. Patuloy siyang naglakad nang deretso.

   Sa paglalakad niya ay isang pinto na naman ang nadaanan niya. At katulad ng palagi niyang ginagawa ay binuksan niya ito.

   Halos hindi matingnan ni Andrew ang kalunus-lunos na pangyayaring naabutan niya sa loob ng kuwartong ito. Nandito nga ang hinahanap niya na si Lovelie, ngunit sa kasamaang-palad ay duguan ito at hindi makagalaw.

   Mabilis niyang tinakbo ang puwestong kinalalagyan ng kaibigan. Nais niya sana itong maitayo ngunit hindi niya ito magawang hawakan dahil sa mga sugat sa braso, mukha at binti nito.

   "A-anong nangyari sa'yo, Lovelie?! Bakit ka nagkaganito?!" Natataranta niyang tanong. Hinihimas-himas niya na lamang ang buhok ni Lovelie upang mapatahan ito. Hindi makasagot ang dalaga at tanging mahihinang pag-iyak na lamang ang naririnig mula sa kanya.

   May mahihinang salita na binabanggit si Lovelie ngunit hindi ito maintindihan ni Andrew kaya't inilapit niya pa ang kanyang tenga sa dalaga.

   "Ang p-pinto..." Naging malinaw sa kanya ang lahat nang ituro pa ni Lovelie ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Andrew nang makita ang nasa likurang bahagi ng pinto. Napatayo siya at tila nagdadalawang-isip sa dapat niyang gawin.

   Isang timer ang nakalagay sa likod ng pinto at sa itaas nito ay may nakasulat na isang maikling pangungusap.

   "This will be permanently locked in..." Unti-unting naging malinaw kay Andrew ang lahat. Sa loob ng tatlumpung segundo ay permanente nang magsasara ang pinto at maiiwan silang dalawa sa loob nito.

   May ibinubulong pa si Lovelie ngunit hindi niya na ito pinansin. Inisip na niya kung iiwan niya ba ang kaibigan sa loob at tatakbo na palabas o sasamahan niya itong makulong sa loob.

   Sa isip niya'y matalino ngang talaga ang nagdala sa kanila sa loob ng bahay na iyon. Hindi sila nito papayagang mabuhay lahat.

   Labin-limang segundo na lamang ang natitira. Naiwan pa rin sa sahig ang dalagang si Lovelie na tila may babalang nais sabihin. Nais niyang magsalita ngunit naapektuhan na ng kemikal na tumapon sa kanyang katawan ang kanyang boses.

   Nakapagdesisyon na si Andrew. Buo na ang kanyang loob. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa pinto at walang pagdadalawang-isip na binuksan ang pinto.

   Shook! Sa pagpihit niya ng door knob ay isang matalim na pako ang bumaon sa kanyang noo. Nang pihitin niya ang door knob ay nahigit ang taling nakapulupot dito at ito na rin ang nag-trigger sa nail gun. Bumagsak ang duguan niyang ulo sa sahig at saka tuluyang nawalan ng buhay.

   Napatili na lamang si Lovelie sa kanyang nakita. Kasunod nito ay ang pagtulo ng luha sa dalawang mata niya. Nais niyang bigyang babala si Andrew na huwag dumaan sa pintong iyon hangga't hindi pa natatapos ang oras dahil ang tinutukoy nito na mala-lock ay ang nail gun at hindi ang pinto.

   Nang dumating sa zero ang timer ay awtomatikong nag-lock ang nail gun at saka bumukas ang pinto palabas. Dahan-dahang gumapang si Lovelie palabas ng pinto at iniwan ang katawan ng wala nang buhay na si Andrew sa loob.

Sino kaya ang susunod na mamatay? Abangan...

Laro Ng Kamatayan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon