Kabanata 2

12 2 0
                                    

Ang paglaho

Ngayon ang alis namin papuntang Maynila. Di ko nasabi yun kay Lia, at wala akong planong sabihin yun sakanya kasi alam kong pipigilan nanaman niyako.

Matamlay akong nagbihis at finanal check ang mga dadalhin ko. Dapat 2 hours before our flight ay dapat nasa airport na kami.

"Honey faster please" request ni mama kasi ang bagal kong kumilos.

"Okay mom" sabi ko

Nilabas ko na sa kwarto ko ang mga bagahe ko, 2 maletang fairly odd parents ang design at 1 backpack na spongebob ang design.

Who cares? I love cartoons so much.

"Yan lang ba ang gamit na dadalhin mo honey?" Asked mom

"Yes po" tugon ko

"Ok just put it at the compartment" sagot niya

Nilagay ko na sa compartment ang mga gamit ko sabay pasok ulit sa bahay. Nakalimutan ko kasi yung wallet kong rabbids invasion.

Naisipan ko ding pumasok ulit sa kwarto ko upang magpaalam sa mga pictures namin ni Lia na magkasama.

"Bye Lia" sabi ko sabay haplos sa isang picture.

"Honey let's go baka malate tayo sa flight" anyaya ni mama

"Coming mom" sagot ko

Pagkababa ko ay inakbayan ko si mama.

"I will definitely miss this house" ani mama

"Me too mom" sabi ko

"Let's go? Your dad is waiting for us outside" tumango nalang ako bilang tugon.

Habang tinatahak namin ang daan papuntang airport ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko para tignan kong ano yun.

1 new message from Lia Sungit

Nandito ako sa bahay niyo ngayon. Mukhang walang tao. Sabi ni manang may pinuntahan daw kayo.

Dive Into YouWhere stories live. Discover now