Chloe
" chloe. chloe" saad nitong bakla na toh. i just rolled my eyes.
"ang pangit mo" saad ko dito. lumapit siya sa akin at niyakap ako. " ano princess binreak ka na ba ng syota mo ngayon at naglalambing ka sa akin?" tanong ko dito at tinarayan pa ito.
"chloe naman! wala naman akong pake sa kaniya ehh!" saad nito. kinunutan ko lang siya ng noo. "mamimiss lang kita!" pabebe niyang saad na lalong ikinagulo ng utak ko. anong pinagsasabi nito?
"ilan natira niyo ng syota mong adik hah?" tanong ko dito ngunit ngumiti lang ito.
"chloe. natatandaan mo pa ba yung favor ko? pwede mo bang gawin yun?" saad nito.
" bakit ako ang magsosorry ehh ikaw tong may kasalanan ehh" saad ko dito. ngumiti ulit ito sa akin.
"please!" saad niya at ngumiti ito.
"oo na wag ka lang ngingiti ang pangit mo ehh" saad ko dito. niyakap ako nito.
" chloe.. bantayan mo si mother ahh! babantayan mo siya. alam mo ba na laging may nanliligaw duon bantayan mo kung sino ang magiging syota niya ahh.." saad nito.
" alam mo naman na mana sayo yun ehh" pagtataray ko. then tumawa siya ng malakas...
"chloe.. listen to me carefully! may mawawala sayo pero may dadating na lalaking mag aalaga sayo habang buhay at hindi ka iiwan.. okay ba yun?" nagtakha ako dito haharap na sana ako sa mukha niya nang pagtingin ko ay wala na siya. ang nakikita ko na lang ngayon ay abg puti masiyado ng paligid ko.
nagising ako na masakit ang mata ko. saka ko lang naalala yung napanaginipan ko. may ibinilin sa akin si princess at kailangan ko yun suundin...
itetext ko na sana si mr. grey. ang kaso ay tinext niya na ako.
SMS: MR. GREY
chloe nabalitaan ko na ang nangyari may susundo sayo diyan bukas kasama si kim. pupunta na kayo ng bulacan. okay lang kasi isang linggo na lang naman yung natitira ehh.. condolence wag kang iiyak papangit ka.
yan ang text sa akin ni mr. grey na lalo ko pang ikinaiyak. bakit ganun kapag alam mong may dumadamay sayo ehh parang mas lalo ka pang naiiyak..
umiyak muna ako sandali at naligo na. nang magbibihis na ako nakita kong nagtext sa akin si mama kay binasa ko ito.
SMS: MAMA
mamaya nakaburol na dito anak si princess. sabi ni grey bukas daw nandito ka na.
naiyak nanaman ako bakit ganun ang sakit talaga ng pakiramdam ko. mahal ko na yung baklang yun ehh sobra na siya masasabunutan ko talaga siya kapag napanaginipan ko ulit siya
nagbihis na ako atsaka bumaba. nakita kong napatingin silang lahat sa akin.
" miss chloe umiyak ka ba? sinong nang away sayo banatan natin" saad ni noah. si princess pakibanatan nga yung baklang yun. nginitian ko lang ito ng napakapait na ngiti.
"are you okay?" tanong sa akin ni neil nginitian ko lang din ito.
" may nangyari bang masama sayo. o baka may nangyaring masama sa kababata mo?" tanong naman ni rolando. napatigin ako dito at halatang concern sila sa akin. at gaya ng ginawa ko kay noah at neil ganun din ang ginawa ko kay rolando. ngumiti ako ng napakapait.
bigla naman lumabas sa kusina sila kuya tino at ate amy halata sa mata nila ang pag aalala. nginitian ako ni ate amy at pumunta sa pwesto ko at niyakap ako.
"condolence chloe. nalaman ko kay grey ang lahat" saad ni ate amy. at hindi ko na rin naiwasan ang mapaluha pero pinunasan ko ito at humarap sa kanila ngumiti ako ng napakapait. nakakahiya naman.
" ano po bang nangyari kay chloe?" tanong ni noah kay ate amy.
" namatayan siya ng kaibigan. condolence chloe" saad ni kuya tino nginitian ko naman ito.
"condolence chloe" saad nilang lahat. ngumiti ulit ako ng napakapait. kinuha ko an yung bag ko.
"alis na po ako" saad ko sa kanila at umalis na. ayaw kong magdrama duon nakakahiya pa naman. lintek naprincess ka kasi ehh.. lintek ka...
pumasok ako sa opisina na nahihilo. as in hilonh hilo. maya maya ay dumating si mr. grey nginitian ako nuto at gaya ng ginawa ko duon sa mga tao sa bahay ay nginitian ko rin si mr. grey ng napakapait.
"kamusta ka naman?" tanong nito sa akin.
" masakit pero kaya ko. kung buhay lang talaga yung princess na yun malamang ako na mismo ang paaptay sa kaniya tandaan niya yaan." saad ko. tumawa naman si mr. grey sa akin.
nagtratrabaho ako ng lutang ang isip ko. uuwi na ako bukas and admit it mamimiss ko dito sa maynila. mamimiss ko sila ate amy at kuya tino. pati nari sila noah at yung ibang bagets. pati na rin yung magtito. paano na yung sa amin ni neil? paano na yun hah? okay lang wala naman bunga ehh..
maya maya pa ay nagutom na ako at nagpaaalam kay grey na di ko muna talaga kaya ang magtrabaho. na gets naman niya ako. I am so lucky dahil nagkaroon ako ng boss na marunong umintindi.
pumunta muna ako sa jollibe at umorder ng isang burger spaghetti at dalawang ice cream. ayaw kong kumain dahil wala akong gana. dapat kanin ang kinakain ko ngayon pero ito ata ang gusto ko ehh..
umuwi na ako sa bahay at naabutan ko duon si rolando. may kausap siya sa cellphone niya kaya hindi ko ito tinawag ang bastos ko naman nun...
pero may kamay na humawak sa braso ko papasok pa lang ako ng bahay. nakita ko ang kamay ni rolando na nasa braso ko.
" okay baby pwedw bang mamaya na lang?" saad nito na ikinagulat ko. meron pala itong gf di ko alam. "bye" saad niya sa telepono. " are you really okay. anong nangyari sa kababata mo?" tanong nito. ngumiti ako at nangingilid na ang mga luha ko.
" okay lang ako rolando salamat. " saad ko dito at pumasok na. nang pagpasok ko nakita ko naman si neil na naka upo
" are you okay chloe?" tanong nito at lumapit pa. kitang kita ko sa mata niya ang concern sa akin.
"magtito nga kayo" saad ko at tumawa na parang ewan. nagtakha lang ito pero tinignan ako ng seryoso. " oo okay lang ako salamat" saad ko dito.
umakyat na ako sa taas at natulog. oo maaga ako matulog dahil wala naman akong nagagawa dito ehh..
"chloe.. listen to me carefully! may mawawala sayo pero may dadating na lalaking mag aalaga sayo habang buhay at hindi ka iiwan.. okay ba yun?"
nawiwindang at paulit ulit umiikot sa utak ko yung sinabi sa akin ng baklang yun. sabunutan ko siya ehh...
princess nakakabwesit ka talaga..
- Yoonick

BINABASA MO ANG
Sex Mate (Completed)
Short Storywhat if kung magkaroon ka ng sex maker. o yung nagsex kayo pero hindi mo siya kilala? paano kung mabuntis ka? paano mo malalaman kung sino ang ama?